One Shot Fantasy Comedy
Title: Cindyrella (a crossover story)
Genre: Fantasy Comedy
Author: iamnyldechan---
Sa lugar ng Terashire, napapabalita ang nalalapit na koronasyon ng Prinsipe na nagngangalang Prinsipe Dylan at sa gabing iyon ay nais na din nyang isabay ang isang okasyon para sa mga kababaihan na nais syang makilala at maari nyang mapangasawa. Ibinalita sa buong bayan ang nalalapit na okasyon.
Lahat ng kababaihan ay imbitado maliban sa isang babae na walang ibang ginawa kundi pagsilbihan ang kanyang mga kapatid at ang kanyang ina. Pero hindi pa din yun sapat para sya ay payagan dumalo sa nasabing okasyon.
"Mamayang gabi na ang koronasyon ni Prinsipe Dylan. Pero hindi ko man lang sya mababati ng personal" malungkot na hinaing ni Cindyrella habang nagpupunas sya ng mga plato. Paalis na ang mga kapatid nya papuntang palasyo at tanging sya lamang ang naiwan. Wala syang maisusuot. Wala din syang karwaheng masasakyan.
BLAG!
Nagulat sya ng matabig ang mga kaldero at takureng hinugasan nya dahilan para sabay sabay itong bumagsak.
"Naku naman!" Pinulot nya yun isa isa.
"Ano to?" Napansin nya ang kakaibang takure. Tinitigan nya yun.
"Wala naman kaming ganitong gamit.?" Hinimas nya ang kakaibang disenyo sa takure at..
"WHOOOOSSSHHH!" nagulat sya ng lumabas ang kakaibang usok sa takure. Nabitawan nya yun.
"AHHHH!!" napasigaw sya sa takot at nagtakip ng mga mata sa liwanag ng takure.. At.
"HI!!!" napadilat sya ng marinig ang sumigaw.
"S-Sino ka?" Nagulat si Cindyrella ng makita ang isang binata na may makulay na kasuotan.
"Ako'y iyong Genie!!" Sigaw nito. Napataas ang isang kilay nya.
"Genie? Expected ko fairygodmother!" Natawa ang genie.
"Di na uso yun dito girl. Ano ka ba? Panahon ka pa ba ng sinaunang kwento ni Cinderella? Iba na ngayon!" Nagulat si Cindy.
"So? Bakit po kayo nandito?"
"Nandito ako para dalhin ka sa palasyo ni Prinsipe Dylan!" Nagulat si Cindy at nagalak sa narinig.
"Sige! Magmamagic ka ba ng karwahe gawa sa kalabasa?"
"Baliw. May carpet naman. Magkakalabasa ka pa! Hassle yun. Ano ka ba!!" sigaw ni Genie. Pinatayo sya nito.
"Okay. Unahin na natin yan gown mo!" nag isip sandali si Genie ng babagay na kasuotan para sa dalaga. At saka sya kumumpas gamit ang mga kamay nya at sa isang iglap ang katulong na babae ay nagmukhang tao este prinsesa pala.
"Para sayo.." Nagmagic si Genie ng glass shoes.. at..
"Bakit flat shoes? Diba dapat may heels kahit one inch lang" Reklamo ni Cindy ng makita ang glass shoes nya.
"Bago na ngayon sis.. Naalala mo lagi naiiwan ng mga nakaraan Cinderella ang sapatos nila dahil may takong. Ang expensive na ng glass shoes ngayon. Di ko na maafford kapag nakawala ka pa ng pares nyan..At least yun iyo flat. Hindi ka matatapilok.Hindi mawawala. " Tumango si Cindy.
"Tama ka nga!".Inaya sya lumabas ni Genie sa bahay nila at sumakay sila ng carpet na dala nya. Lumipad sila papuntang palasyo ng Terashire.
---
Nang makarating sila. Sa labas na nagpaiwan si Genie.
Nagpaalam si Genie kay Cindy pagkapasok nya ng palasyo."Pag may kailangan ka. Sumigaw ka lang. Dadating ako." Paalala ni Genie bago sya pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Cindyrella (OneShot)
FantasyCindyrella ( a crossover story ) Reminder: This is a fantasy comedy and a lot of twists. So please read at your own risk. It may harm your imaginative world about princesses and fairytales. Charooot! Just joking! Hope you enjoy! ❤️ -- iamnyldechan