The Way Back: Chapter 12

896 37 15
                                    


*SA KWARTO NI JAI

Jai's POV: Tatlong araw pagka-tapos ng nangyari sa restaurant ko natawagan si Nash.

*Talking over the phone

Jai: Nash, bro...
Nash: oh, Jai! Sensya na, ngayon lang nabakante sa business. Lapit narin kasi graduation eh. Kamusta ka na? Si Mika? Si Shar?
Jai: yun na nga bro eh. May sasabihin ako tungkol kay Shar.
Nash: teka bro, ang chappy.
Jai: hello? Bro?
Nash: bro, chappy. Ano ulit yun?
Jai: bro, tungkol kay Shar.
Nash: bro, sa susunod nalang. Ang chappy talaga eh.
Jai: importante toh nash--

*toot* *toot* *toot*

Nash's POV: hay! Kaasar. Ang chappy ng signal. Ano kaya yung sasabihin ni Jai? Mukhang importante at seryoso eh. Hmm... Sobrang miss ko na si Princess Flash ko. Sobrang tagal ko na siyang di nakaka-usap.

Nag-vibrate ang phone ni Nash, may text galing kay Jairus.

Bro, kailangan mo pumunta dito ASAP.

-Jai

Nireplyan naman ni Nash:
Bakit bro? Anong nangyare?

Sagot ni Jai:
Tungkol kay Shar.

Nash's POV: hindi ko na inalam kung anong tungkol kay Shar. Agad agad kong tinawagan yung secretary ko at nagpa-book ng ticket papuntang New York. Iba ang pakiramdam ko dito. Sigurado akong may masamang nangyare.

*BAHAY NI FRANCIS

Shar: Francis--
Francis: Kiko. (Ngumiti)
Shar: Kiko, kilala mo ba yung lalaki sa restaurant?
Francis: Babe, diba napag-usapan na natin na hindi mo na siya tatanungin sakin ulit?
Shar: pero, sobrang curious ako kung sino siya. The way he looked and talked to me, parang kilalang kilala niya ako.
Francis: Baka naman pinipilit mo lang yung sarili mo na isipin na friend mo siya dati.
Shar: hindi ko pinipilit sarili ko. Pero, yun talaga pakiramdam ko eh. Hindi na ba talaga maaayos cellphone ko?
Francis: nadurog yung phone mo sa car crash. Kaya hindi na talaga magagawa.
Shar: kailangan ko siya makita ulit.
Francis: seryoso ka ba dyan? (Napa-iling) hindi mo na yung kailangan gawin.
Shar: akala ko ba tutulungan mo ko?
Francis: tinutulungan naman kita eh. Pero, (hinawakan kamay ni Shar) hindi mo na kailangang kitain yun lalaki na yun. Okay?
Tumango lang si Shar
Francis: I love you.
Shar: I... Love you too.

Shar's POV: something's wrong. Kapag sinasabi ko yung mga salitang yun kay Francis, iba eh. Mali pakinggan. Parang habang tinutulungan niya ako, lalo ako nalalayo sa tamang kasagutan. Kailangan ko ma-meet ulit yung lalaking yun.

Shar: Fr-- Kiko... Pupunta ako sa may convenience store bukas.
Francis: ako na--
Shar: kiko, kailangan ko din bumalik sa normal na takbo ng buhay kahit nakalimot ako. Kaya ko to. (Pekeng ngiti)

-THE NEXT DAY-

Nash's POV: sinundo ako nila Jai sa airport ngayon. Alam ko na maaring nakalimutan din ako ni Shar. Kaya ngayon, di ko alam kung saan ako magsisimula pero, kailangan ko siya makita. May bahay kami dito sa States kaya di ko na kailangan makituloy sakanila. Dumaan muna ako sa convenience store para bumili ng coffee. Winter na kasi dito at nilalamig ako.

Nash: (bumaba sa kotse) bro, sandali lang ako. (Pumasok sa convenience store at umihip sa kamay niya)

Shar's POV: naghanap hanap ako ng mabibili para naman di magtaka si Francis. Ang totoo niyan, pumunta ako dito para magbaka-sakali. Malapit kasi to dun sa steak house. Actually, katapat lang. Kumuha ako ng coffee dahil nalalamig ako at pag-sara ko ng pinto ng ref ay nakita ko ang reflection niya... Siya si... Si Nash.

Humarap si Shar at nanlaki ang mata ni Nash.

Nash: S-Shar... (Inakap si shar) sobrang miss na kita (umiiyak)
Shar: (nagulat) nash.

Shar's POV: hindi ko alam kung bakit... Pero, biglang tumulo yung luha ko. Hindi ko kilala 'tong lalaking naka-akap sakin pero, inakap ko siya pabalik. Hindi ko alam kung paano nangyari pero sinabi kong...

Shar: I miss you too.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Way Back (All I Need Book 2) [NASHLENE FANFIC]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon