Am I Lucky?? (:

130 21 7
                                    

Chapter 2

Blue's POV

Hindi na nakapasok si Ayesha. Yung lola niya daw na ospital but she's okay na daw. *Sigh* Ito mag isa lang tuloy akong pupunta sa mall. Hue hue.

Yah! You heard me right, sa Mall. Magshashopping ako ng bonggang bongga worth P20. Feeling cornetto. T^T May LQ kase kami ng wallet ko. Sarap nga itapon to'ng wallet ko e. Ano pa silbi nito diba?

I'm just here maghahanap ng work baka merong bakante. Eventhough my mom is in Singapore now. DH siya dun kaya naman imbis na ipadala niya saken lahat ng kinikita niya. Kalahati lang ang hinihingi ko. Pambayad sa renta sa boarding house. Tapos yung ibang expenses ako na ang gumagawa ng paraan. Half Scholar ako pero marami pa ring bayarin e. Lalo na sa pagluluto. Magastos kasi ako sa ingredients e. Malay mo. Feel ko talaga it's my lucky day (((= Bukod sa pinansin ako ni Papa Kevs e .. nakita ko pa yung abs niya. Haha Manyak ko! Makasuhan ako ng child abuse nito e.

Speaking of prince charming. Hindi pa niya nababalik cp ko. Atsaka naisip ko lang nagamit kaya niya? Kase may password yun noh. Atsaka isa pa. Baka makita niya yung folder dun na puro picture nya. Waaaaaaaa. Baka akalain nya stalker ako. :'3

Halos isang oras na akong naghahanap pero wala talaga akong makita hanggang sa may nakita akong isang stall. I ♡ Kohii: Where Cute Girls Serves You Right

Soon to be open. At may nakapaskil sa may pintuan.

Wanted: Waitress.

Requirments:

Hindi maarte.

Female. 18-25

Maganda.

Hindi rin choosy.

Matangkad.

Sexy.

Bawal ang feeling maganda at nagmamaganda lang.

Teka ano ba to? Bahay aliwan? Sa Mall? Yung totoo waitress ba talaga o Hostess? Kaloka!! 

If you really knew, you are what we looking for please apply inside. Bring bio data. 2x2 picture.

Napalunok ako. Baka kase kung ano to e. May dala naman akong Bio Data. Birth Certificate. SSS. Postal. School ID. Drivers Licence. Suka. Toyo. Paminta. Patis. (:

Tinulak ko na yung glass door. Pagkapasok ko may nakita akong lalaki. Teka lang di ako sure mahaba yung buhok e. Baka Suffer Sireyna e. Haha Mga nasa 28-30. Matangkad. Nakasuot ng Apron na may malaking design na I ♡ KOHII sa gitna. Nasa counter siya. At nung makita niya ako bigla siyang ngumiti.

"Hi Miss. Sarado pa po ang coffee shop. Under construction pa kasi kami. Siguro soft opening na next week."

Confirmed. Lalaki. At gwapo din kamukha ni Papa P. As in Piolo Ravales este Pascual Liner.

"Aa. Hindi po ako naliligaw at lalong hindi po ako costumer. Mag aapply po sana ako bilang waitress."

Halatang nagulat si Papa P. Este si Mr. Ka look alike ni Papa P.

"Aa. Oo. Naipaskel na pala ni Chaori yung poster sa labas. Haha May dala ka bang bio data?"

Inabot ko sa kanya lahat pati ang School ID ko.

"Aa. Taga Mahogany ka pala. Sige. Tanggap ka na."

"Po?"

Yung totoo binasa niya ba o hindi? Ambilis aa. Shet! Baka kung ano nga tong napasok ko.

"P500 per hour. Libre na lunch/dinner. Basta wag kang malilate at since student ka pa night shift ka na lang. At may pasok ka ng sabado. Ano okay na ba?"

Sa wakas! ^___________^

"Opo Sir. Thank you very much po."

Makikipag shake hands sana ako kaso. Kinuha niya agad ang kamay ko at hinawakan niya ito ng mahigpit.

"Hindi. Ako ang dapat ang magpasalamat sayo. Dahil sayo kikita to'ng shop ko. Thank you." Sabay kindat.

"Po?"

"Sir Henry nga pala." Sabay Handshake. "And you are?"

"Blue po."

"Okay Blue bumalik ka na lang dito sa Sunday for briefing and para mapakilala kita sa iba mo pang kasama."

"Okay po. Salamat po ulit."

At palabas na ako ng ...

"Blue teka lang ano pala vital stats. mo?"

May hawak hawak siyang Memo Pad at Ballpen.

"Po?"

Nakow. Ito na nga bang sinasabi ko e. Ibebenta ata ako nito sa kano e. Waaaa! Wag po. Bata pa me.

"Actually may costume kasi kayong mga waitress. Hmmm. Cosplay inspired kase to."

Mukhang nabasa niya yung utak ko. Haha

"Aaa. Ok po."

At sinulat ko na yung vital stats ko sa memo pad nya. Akala ko naman magiging kung ano na ako e. Hehe

"At siya nga pala yung size din ng paa mo, paki indicate na lang."

"Okay po."

At umalis na ko ng shop. :)

THE REASON WE "JUST" MET <\3 [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon