S e l c o u t h
(adj.) Unfamiliar, rare, strange and yet marvelous.
Pronounciation | Sel- 'kooth
It was dark and stormy night, the rain continually poured down in torrent but here I am, running and shouting, asking for help. I can see nothing but darkness dominating the whole place.
" Help me. Is there any one else out there? Please help me. " Mas malakas kong sigaw, pero tanging ang pagpatak lang ng ulan ang naririnig ko.
" You can run Thaddea, but the truth will chase you no matter what. It won't let you sleep peacefully at night. It will unfold " umalingawngaw ang boses ng isang babae na sinundan pa nito ng malademonyong tawa, kasabay ang pagdagundong ng malakas na kidlat sa kalangitan.
Mas lumakas ang pag iyak ko at muling sumigaw
" No! I am not Thaddea, I am Maria, I am no one's queen. Leave me alone. " Malakas na sigaw ko habang umiiyak at patuloy sa pagtakbo and in a snap, muli na namang napalitan ang lugar na kanina la'y madilim.
Nakatayo ako sa gitna ng isang paaralan,inilibot ko ang aking paningin, dugo. Maraming dugo.
Maraming patay
Maraming dugo, ang sahig ay pulos pula, punong puno ng dugo. May mga bata, matanda, mga babae at lalaki ang nakahiga sa sahig na nababalutan na ng dugo. Tanging ako lang ang may buhay, iniingat ko ang aking paningin, madaming puno ngunit lahat ng 'yun ay walang buhay, snag trees all over, the buildinga are all ruined, tanging ako nalang ang nakatayo.
" Stop this! Stop this! I don't want this please just stop this, whoever you are, stop playing with me! You're a demon, a devil. " Sigaw ko habang umiikot ako, hinahanap ko siya ngunit tanging malademonyong boses lamang ng pagtawa ang naririnig ko sa buong lugar
" Nasaan ka? Magpakita ka sa'kin! " Sigaw ko pa, napupuno na ng luha ang aking buong mukha.
" Accept me Thaddea, accept me. " Ani nito at muli na namang tumawa ng malademonyo. No, I don't know what the hell is happening.
I am silently praying in my mind, hoping I could wake up from this misery. Ngunit imbes na pakinggan dinala na naman ako sa ibang lugar, Iba na ang kasuotan, nakasuot ako ng isang simpleng puting dress.
( A/N; dress of theia. Pero Hindi siya 'yan ah ? Yung dress lang. Hehe )
Nasa isang library ako, ang library na nababalutan ng itim na kurtina, walang nakakapasok na liwanag dito, may matatayog na Bookshelves at punong puno ng libro na may iisang pabalat, lahat pareho walang naiiba may nakalagay na " Vox populi " what's the meaning of this ?
" Maria theia, Maria" nagising na lamang ako sa tapik ni lola, agad akong napaupo sa kama habang hinihingal, habol ang hiningang, tiningnan ko siya, basang basa ang aking mukha, punong puno ng luha.
" A-apo. Anong nangyari sa'yo ? " Umiiyak na tanong ni lola " l-lola " tanging nasambit ko na lamang agad niya akong binigyan ng isang basong tubig.
" Ano bang nangyayari sayo theia. Naabutan nalang kita dito sa kwarto mong nagsisisigaw. " Ani nito
" Nanaginip ako Lola, may babae, tinatawag niya akong thaddea, kailangan ko daw siyang tanggapin, ang propesiya. " Sabi ko dito
" Jusko, malapit na,nalalapit na. " Ani Lola na mas lalong nagpagulo sa akin.
Bakas sa kanyang mukha ang gulat." Lola anong ibig mong sabihin? Anong nalalapit na ? " Nagugugulohan kong tanong sa kanya
" Apo, sumunod ka sa akin. " Ani niya at tumayo sa kama ko. Sumunod ako kay Lola patungo sa kanyang kwarto
May kinuha siyang isang box, may mga libro doon hindi ko maintindihan ang nakasulat. May mga jar na may lamang halaman Hindi ako pamilyar sa ganun.
" Apo, limang daang dekada na ang nakararaan..."
Flashbacks-
[ 500 years ago ]" Sa pagsapit ng Ikalimang siglo, mabubuhay ang siyang itinakda, itinakdang liwanag at dilim, ang bubuo at ang magtatapos, ang bubuhay at papatay, ang kabutihan at ang kadiliman. Kasabay ang pag-iibigan, na kailangan hadlangan. Ang isinumpang propesiya, magbabalik at maghihiganti, dadanak ang dugo, babaha ng luha--" ani ng isang matanda, lumulutang ito habang nagliliwanag ang puting mga mata, para itong nasaniban ng isang demonyo sa kanyang boses, malalim at nakakatakot
Pigil hininga ang mga Reyna at hari na nasa sagradong silid upang masaksihan ang sinasabing propesiya.
" Kailangang pigilan " huling sambit nito bago nawalan ng Malay.
End of flashbacks
" ...at apo, kabilang ako sa naroon upang saksihan ang pagkabuhay ng libro, ang libro ng propesiya. Nabuhay at nag anyong tao " paliwanag ng kanyang Lola
" L-lola, ano po ba ang ibig mong sabihin? Naguguluhan ako. "
" Apo, Hindi ka Tao, ikaw ang itinakda, isa kang verradian at ang mga tao sa panaginip mo ay konektado sa totoo mong mundo. "
" Lola naman, hindi po nakakatawa 'yang joke mo. Tao ako " naiiyak kong sabi sa kanya, I am human.
" Apo pasensya na't itinago ko ito sayo. " Aniya.
" Lola naman eh. " At tuloyan na akong naiyak
-----
BINABASA MO ANG
My Splintered Romance
FantasyI wasn't born to be soft and quite I was born to make the world shatter...and shake at my fingertips.