Chapter 1

10 0 0
                                    

Who are you?

TIN POV

Nakatingin ako sa malayo at malalim ang iniisip ng may biglang humawak sa balikat ko.

"Uyy.. Parang timang ka na naman diyan." natatawang saad ni rose at umupo sa tabi ko.

"Baliw.. Ikaw nga diyan." Sabi ko sabay palo sa balikat niya.

"Aray! Makapalo ka parang wala nang bukas ahh." Sarcastic niyang saad habang naka crossarms pa.

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Matagal ko nang matalik na kaibigan si rose at masasabi ko na napakaswerte ko sa kanya dahil naging isa siyang mabuting kaibigan na maaasahan at mapagkakatiwalaan kahit wala sa itsura niya.

"Oh sige na at mauuna na ako.. Basta wag kang mawawala Mamaya ha. Yung usapan natin." Paalam niya at nag-umpisa ng maglakad.

Oo nga pala. Mamaya na yun. Muntik ko nang makalimutan. Anong klase akong kaibigan, pati Importanteng araw sa buhay ni rose nakalumutan ko. Haist!

"Tin.. Tara samahan mo ko. Dali!"  Sabi ni James na ngayon ay papalapit sa akin nang makaalis na si rose.

"Saan naman tayo pupunta? May Klase pa tayo James." Paalala ko sa kanya at Pilit Kong tinatanggal ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Wag na tayong pumasok doon. Last subject naman natin na yun ehh at isa pa Mamaya na ang birthday party ni rose. Papayag ka bang wala tayong regalo sa kanya?" Paliwanag niya.

"Hayst! Kainis ka talaga James." Bulyaw ko sa kanya at wala ng nagawa kundi sumama sa kanya.

Siya si James na isa din sa matalik Kong kaibigan, sa totoo lang di ko alam kung paano ko siya naging kaibigan. Pero kahit na ganon siya na may pagkaWierd proud pa rin ako sa kanya dahil ginagalang Niya ang mga kababaihan kahit madalas ay di niya pinapakita. Feeling ko nga, isa iyon sa mga dahilan kung bakit ang daming nagkakagusto sa Kanya kahit na mukha siyang gorilla.

Kinagabihan..

"Sa tingin mo magugustuhan niya ito?" Tanong ni James. Habang hawak-hawak ang regalong binili namin.

"Si rose? Di yan magugustuhan? Impossible!" Sagot ko habang tumatawa.

Kilalang-kilala ko na si Rose. Kahit anong ibigay sa kanya ay ina-appreciate niya at tatanggapin niya ng maluwag sa kanyang kalooban nang may ngiti sa kanyang mukha.

Nakarating na kami ni James sa bahay Nila Rose dahil dito daw niya gaganapin ang birthday party niya.

"Tara na nga." Utos ko Kay James at bumaba na ako sa kotse.

"Sandali lang tin. Yung Maskara mo." Sabi niya at lumapit para isuot sa akin.

Oo nga pala muntik ko nang makalimutan.

"Okay na." Pahayag ni James at ngumiti pa sa akin.

Pumasok na kami sa loob at nakita namin si rose na papalapit sa amin.

Di ko naman mapigilan na mamangha sa kagandahan niya  Ngayon na mas lumitaw dahil sa pinag-ayos nila sa kanya at sa gown na suot-suot niya.

"Loko kayo! Akala ko di na kayo pupunta!" Bungad niya sa amin at pabiro kaming hinanpas.

"Hay naku! Bat naman kami di pupunta! Paranoid ka na naman." Sagot ko habang niyayakap siya.

"Kaya nga. May pamaska- maskara ka pang nalalaman." Sabi naman ni James at yumakap din Kay rose.

"Hahahaha! Ako pa! Mga Baliw talaga kayo." Pahayag ni rose sabay hapas sa aming dalawa ni James.

"At kami pa talaga ang baliw ahh. Para San ba to?" Nagtataka Kong tanong sabay turo sa mascara na suot-suot ko.

Remember MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon