Kabanata 13

1.1K 38 1
                                    

Nicole's Pov

Patungo na sana akong rooftop ng may marinig akong tugtog ng flute...

Sinilip ko ang pinto na bahagyang nakabukas ng kunti.

Nakita ko si heurt na tumutugtog nito habang nakapikit.

Yung tugtog nito ay masarap pakinggan sa tenga may emosyon!

Naabutan ko nalang ang sarili kong unti unti ng lumalapit sakanya.

Tumigil ito sa pagtugtog ng maramdaman niya ang presenysa ko.

"Tumutugtog ka pala ng flute? Ang galing mo"-puri ko sakanya.

Inilapag nito ang flute at saka ako binalingan ng tingin. " Alam mo bang nakakaistorbo ka? "-seryosong tanong nito at saka iniligpit ang mga gamit niya.

" Teka aalis kana? "-tanong ko sakanya.

" Ano naman ngayon? "-malamig na tanong nito.

" Ah, heheh pupunta ka bang rooftop? "

Ano ba namang tanong yung tanong ko!?

Nakakahiya. Naistorbo ko pa siya.

Akala ko ay hindi na ako sasagutin nito dahil nagpatuloy na ito sa paglalakad patungong pinto pero tumigil ito at lumingon sakin. "Hindi na ako pupunta don"-saka niya sinara ang pinto.

Napabuntong hininga nalamang ako at saka naupo.

Nagtanong pa kasi ako, eh hindi naman kami close sa isat isa.

Pero kahit ganyan ang ugali mo, hindi parin nabawasan ang nararamdaman ng puso ko.

Napangiti ako.

.....

Lee's Pov

"Hoy lee nasan naba si heurt? Alam mo namang ayaw na ayaw kong pinaghihintay ako! "-reklamong tanong sakin ni cleo habang salubong nanaman ang kilay nito sakin.

Natawa muna ako bago ko siya sinagot. " Aba malay ko kung nasan siya? Baka nasa loob ng damit niya? ".

" HAHAHAHA nadali mo lee! "-tatawa tawang sabi ni haze na katabi ko at nakipag apiran sakin.

" Tss "

Napalingon kami sa kadadating lang na heurt at naupo sa tabi ni cleo na masamang masama na kung makatitig sa kanya.

"Alam mo bang ilang minuto na kami naghihintay sa iyo dito? Tapos ngayon kalang dadating!? Gutom na gutom na ako! "-bulyaw nito kay heurt.

Halos manga lahating oras narin siguro kaming nandito sa canteen habang hinihintay si heurt..

Hindi kami sanay na hindi sabay mag recess, lunch or what kaya pinagtiyatiyagaan talaga ng bawat isa sa amin na hintayin ang isa..

Maliban nalang kay cleo minsan HAHAH...

"San kaba kasi nag susuot?? "-tanong ni haze kay heurt.

"Jan lang"-casual na sagot ni heurt kay haze.

" Anong jan lang? Meron bang lugar na jan lang? Sabihin mo sakin heurt at dalhin mo ako don! "-sabat ni cleo na salubong padin ang kilay.

" Hindi pwede, kasi nandito kalang"-seryosong sagot ni heurt kay cleo.

*1

*2

*3

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"-tawa naming dalawa ni haze sabay palo pa sa table...

Nakakatawa talaga sila pag magkasama hindi sila magkaintindihan! POTEK

" Anong tinatawa tawa niyo jan ha? Baka gusto niyong pag untugin ko mga noo niyong kasing laki ng buwan "

Nang marinig namin ang sinabi ni cleo ay natahik kami ni haze sa pagtawa.

Ang galing magpikon, pikon din naman haysss...

"Hoy waiter dalhan niyo kami dito ng pagkain bilisan niyo! Sa loob ng limang minuto dapat meron na lahat ng pagkain dito!! Bilis ayaw ko ng babagal bagal! "-bulyaw ni cleo sa mga waitresses na natataranta na ngayon sa pag galaw galaw ang iba ay aligaga na...

Ano pa bang bago? Ganyan naman palagi si cleo sa mga waitresses dito, kundi bulyaw ang abot ay papagalitan niya ang mga ito at kung nagkataon na tinupak ito ay tinatanggal niya sa trabaho.

Halos tatlong minuto lang ay meron na lahat sa lamesa ang pagkain na inoorder namin. Ang ibang kasamahan namin dito sa canteen ay hindi na naasikaso dahil inuna kami.

"Thank you miss"-pasalamat ni haze sa isang waitress na nag abot sakanya ng pagkain niya at saka niya ito kinindatan...

PSH. Babaero talaga ni hindi man lang niya ako magaya na good girl na cute pa hehe.

Mabuti nalang at hindi nag reklamo na naman si cleo sa kinakain nito ngayong beef steak at ramen.

Nagkibit balikat nalang ako at saka narin kumain ng paborito ko.


" Mauna na ko lee, cleo at heurt "-sambit niya haze at tinapik kami isa isa sa balikat namin.

Uwian na kasi namin ngayon. Mabuti naman at maagang nagpauwi ang matandang yun.

" Mga pre ingat sa pag drive ha? "-bulyaw ko sa dalawa na katabi lang din nang sasakyan ko.

" Ikaw ang mag ingat "-mayabang na sabi ni cleo at saka nangisi.

Napangisi ako saka sumagot sakanya. " Talagang mag iingat ako, dahil pag na drisgasya ako wala ng pinaka cute dito sa school diba? "-baling ko Kay cleo.

" Anong sabi mo? Mas cute ako kesa sayo? "-tanong ni cleo habang nakahawak sa tenga nito na parang hindi niya narinig.

" Tumigil kayo dahil ako ang pinaka cute sa inyong dalawa "-sabat ni heurt at saka niya na itinaas ang salamin ng sasakyan niya at ipinaharorot na nito.

" Mahuli pangit "-sambit ni cleo saka niya pinaharorot ng mabilis ang sasakyan niya!

Nakakainis, parati nalang akong iniiwan nila. Hayss

Nagmamaneho ako ng maingat ng may bigla nalang tumawid sa harap!

Sa kaba ko ay bumaba ako agad ng sasakyan ko at tumambad sakin ang babaeng nakahandusay sa sahig at walang malay.

Potak. Napatay ko ata?!!

Tumingin ako sa paligid at mas lalo akong kinabahan dahil ako lang ang nandito na pwedeng tumulong!

" Mi-miss "-sambit ko saka ko siya tinapik ng unti.

Natatakpan ang muka nito ng mahaba niyang buhok. Unti unti kong inalis sa muka niya ang nakaharang niyang buhok.

Ganun na lamang ang pagkagulat ko ng mapagmasdan ko ang kanyang muka.


RAINBOWFADED

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon