Chapter 21: Truth or Dare

37 3 0
                                    

Red's Point of View:

"Beach! Beach! Beach!" chant ng barkada habang nakasakay kami sa limousene ni Cham.



Papunta kami ngayon sa daungan ng mga barko para lumipat sa yate na pagmamay-ari ni Jel at pumunta sa private island na pagmamay-ari din ng pamilya nila. You see, kaya Jelly Fitche ang pangalan nitong si Jel dahil mahilig ang pamilya nila sa mga businesses na may kinalaman sa dagat. 

Himala nga at kumpleto ang barkada ngayon. Nataon kasi na wala ang mga professor nila Ry dahil sa team building ng department nila kaya nagkachance siyang sumama sa amin. Akala ko nga ay dadalhin niya ang girlfriend niya pero laking gulat namin na si Frel ang bitbit niya. 



"Sister dear, akala ko ba babae ang gusto mo?" bulong ko rito.



Magkatabi kami ngayon. Katabi ko rin naman si Maureen kaso ang kausap niya palagi ay si Jake.  Yes guys, sa kasamaang palad, kasama namin ngayon si Jake dahil gumaling na siya sa flu niya at mukhang hindi ko masosolo ngayon si Maureen.



"Babae nga. May girlfriend nga ako 'di ba," sagot nito.

"Eh bakit si Frel ang dala-dala mo?"

"Childhood friend rin naman natin siya eh at classmate ko rin siya kaya mas mabuti nang isama 'to kaysa naman magstudy siya buong araw at magpapansin na naman sa mga prof namin bukas." 



Ah tama nga pala. Kung may magkaaway dahil sa sports or any extracurricular events, sila naman ang magkaaway dahil sa academics. Bestfriends naman yan sila dati kaso mahilig lang talaga silang magtalo kung sino ang mas matalino sa kanilang dalawa. They are both taking up Accountany and nagpapataasan sila ng GPA.



"Nagseselos ka pa rin ba sa aming dalawa sister slash brother dear?" panunukso nito.

Nasira ang mukha ko sa sinabi niya, "Kadiri."



Bakit ba kasi kailangan na si Jake parati ang i-entertain nitong si Maureen. Bilang na nga lang ang araw na magkasama kami palagi dahil ililipat na siya ni Lolo sa dati niyang section next week at hindi na siya magiging alalay ko tapos ganyan pa siya.





2 days ago...

"What the fuck. Bakit ka kaya ipapatawag na naman ng matandang 'yun," kamot ko sa aking ulo.

"Baka nalaman niyang may balak kayong pumunta sa beach?" kibit balikat ni Maureen.

"Patay."



Recess time na at kailangan puntahan ni Maureen si Lolo sa Principal's office. Ano na naman kaya ang nasa utak ng matandang 'yun? Nasabi na naman niya ang dapat niyang sabihin kay Maureen ah. Fuck. Baka nga dahil talaga nalaman niyang hindi kami a-attend sa boring na Interschool Science Fair. Papasok na sana si Maureen nang biglang inunahan ko siyang pumasok sa President's office.



"Hindi mo ba talaga alam kumatok sa pinto?" sabi ni Lolo habang nagbabasa nga mga files.

"Look, kung ipapatawag mo si Maureen dahil wala kaming balak umattend sa Interschool Science Fair, ako ang nagpasimuno nito," sabi ko sabay yuko sa aking ulo dahil alam kong mahaba-habang sermon na naman ang mangyayari dito.

"What are you saying?" gulat na tanong nito.



WHAT? Bakit parang walang alam ang matandang 'to sa pinagsasabi ko. Fuck. Baka ibang issue ang gusto niyang pag-usapan nila ni Maureen at hindi tungkol dito. Wow, Red! You just dug your own grave.



"Wala po, Lo. Sige, lalabas na po ako," sabi ko sabay talikod rito.

"I know na hindi kayo uma-attend sa Interschool Science Fair since 2nd year high school," napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya, "Nakikita ko kayong nagmamadaling lumalabas sa gate, every time."



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Saving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon