Magkadikit na ang pisngi ko sa malamig na sementong kinahihigaan ko habang nanunuot pa ang sakit ng katawan na napala ko dahil kanina.
Iika-ika akong umuwi sa bahay at iniwasang mapadaan sa bandang kusina. Wala ako sa wisyong makipagtalo ngayon sa taong pinakawalang kwenta. "L*ntik kang bata ka! Uwi pa ba ng dalaga yan? Alas nuebe na ng gabi nasa galaan ka pa! Parang ayaw mo nang umuwi ah!"
Napahinto ako sa paghakbang sa hagdanan at tiningnan sya ng masama kasama yung kaibigan nyang bote ng alak. Ganyan naman sya kapag nakakainom kung murahin ako kulang na lang batuhin nya 'ko ng bote. "Oh? Buti alam nyong ayaw ko nang umuwi dito!" saka ko sya nilayasan at naglock ng kwarto. Isa na siguro ako sa pinakamalas na tao sa mundo. OFW ang nanay ko sa Japan at nakalimutan na atang may naiwan syang pamilya dito sa Pinas. Malaman-laman ko na may iba na syang kinakasama doon. Okay pa sana na kung sa Hapon sya pumatol para mapakinabangan ko pa e hindi eh, sa pinoy din. Nak ng teteng na yan, hindi na kami pinapadalhan. Eto namang tatay ko nag-AWOL sa pagsusundalo nang mabalitaang may ibang lalake si nanay. Gabi-gabi na lang umiinom. Isa pa yung kuya kong tambay. Graduate nga ng kolehiyo takot naman maghanap ng trabaho. Takot daw sa rejection, e pukaneneng magtanim na lang sya ng kamote. Nakakapag-aral na nga lang ako dahil sa tita ko. Kapatid sya ng nanay ko, nahihiya siguro sa pinaggagawa ng kapatid nya kaya tinutulungan ako.
After graduation bubukod na ako sa pamilyang 'to. Ewan ko nga kung matatawag 'tong pamilya eh. Basta aalis na ako dito. Tapos ang usapan.
Kumikirot pa rin ang katawan ko pero alam kong sulit to. Kung noon pa sana ako sumali sa sorority edi sana ako ang humahampas kanina at hindi ang pinapalo.
Kinaumagahan sa pilahan ng tricycle may kumaway sakin mula doon sa botika. Hindi ko nga pinansin, kunwari hindi ko sya nakita. Bakit ba 'ko pini-friend ng loser na yun?
"Hi Sefina," bati nya ulet sa'kin pero buti na lang naka-walk man ako kaya pwede akong magkunwaring hindi sya narinig.
Classmate ko na sya mula pa lang noong elementary kami. Sakto lang naman itsura nya. Hindi panget pero hindi rin gwapo. May suot syang salamin at nakabutones pa yung uniform nya hanggang leeg.
Naiinis din ako sa presence nya dahil feeling- close sya. Nadiskubre ko na lagi syang nakabuntot noong one time na napaaway ako at umepal sya. Nabugbog tuloy. At hindi ako nagpasalamat dahil umepal sya dahil hindi ko naman sinabing dumating sya.
Everyday nya ko binabati at lagi kaming nagkakasabay dito sa pilahan ng tricycle papasok ng school.
Gumugugol ako ng kinse minutos para makasakay sa mga bulok na tricycle na 'to. Kung malapit lang sana ang school nilakad ko na 'to at hindi na ko magtyatyagang pumila dito.
Magkatabi kami ng loser na 'to sa loob ng tricycle at hindi ko ma-take talaga ang matapang nyang pabango. Habang bumabyahe kami bumuhos naman ang ulan. Kakabadtrip wala akong dalang payong.
Unang syang bumaba at inalok akong sumilong sa payong nya pero hindi ko sya pinansin. Nilayasan ko lang sya. "Sumilong ka na oh," pangungulit nya sa'kin at hindi nya ko tinatantanan.
"Fine. Ang kulit mo rin eh," ngumiti sya pero mali ang akala nya, inagaw ko sa kanya ang payong at iniwan sya sa ulanan. Payong ang kailangan ko at hindi loser na tulad nya.
Nag-uumpukan kaming mga classmate ko dito sa bandang likuran kung saan malayo sa mata ng teacher. Gumuguhit sa lalamunan ko etong palamig na binitbit ko, dang boring kasi ng lesson namin sa Science.
"SINONG PASIMUNO NITO!" pasigaw na tanong ni ma'am, siguradong may pasimpleng nagsumbong para mahuli kami.
"KAPAG HINDI KAYO NAGSABI PARE-PAREHO KONG IPAPATAWAG ANG MGA GUARDIANS NYO!"
BINABASA MO ANG
Why Tears are Salty? | One Shot
Short StorySabi nila masakit magmahal pero alam ba ninyo kung ano yung mas masakit kaysa sa magmahal? Yun ay yung mawala yung taong mamahalin mo..