DENNISE POV"Ate Alexa" tawag ko kay ate Alexa na busy sa kanya phone kaya hindi nya napansin na nasa tabi nya na ako. Nandito sya sa parking lot ng school susunduin nya daw ako dahil gusto nya daw akong makabonding .
"Oh! Nandito kana pala Dennise" halatang medyo nagulat sya, nag beso naman kame sa isat isa.
"Kadadating ko lang, kanina ka pa ba dito ate?"
"Ahm.. Hindi naman, kani-kanina lang. Nasaan si Alex? Kala ko ba sasama sya saten?" takang tanong ni Ate Alexa.
"Hindi daw sya makakasama saten eh.. May klase pa daw sya kaya tayong dalawa lang Ate"
"Buti nalang makakapag bonding tayong dalawa lang haha" sabi ni Ate Alexa at sumakay na kame sa sasakyan nya sa likod kame nakaupo dahil may driver naman si ate Alexa. Sa mall daw kame pupunta ngayon wala na naman akong klase ngayon kaya medyo matagal kame magkakasama ni ate Alexa ngayon.
"Nako Dennise alam mo ba yang si Aly kung ano ano ang ginawa non kahapon pamimilit na sumama saten ngayon tapos hindi naman pala makakasama saten" --Ate Alexa.
"Ang laki na talaga ng pinag bago nya ate" nakangiting sabi ko.
"Noon ba, nung hindi pa kayo close ni Aly anong klaseng tao si Aly?" natatawang sabi ni Ate Alexa kaya medyo natawa din ako sa sinabi nya.
"haha ikaw talaga ate .. Nung hindi pa kame magkakilala ni Aly, iwas sya sa mga tao laging nakatago yung mukha nya lagi nakahoodie pag papasok ng school, walang kinakausap, walang kaibigan parang takot sya sa mga tao na nakapaligid sa kanya, misteryosong tao nga kung sa mata ng mga student sa Ateneo pero ang alam ko non si Ai yung unang kinausap ni Aly at naging malapit don. Nung unang kita ko palang nga kay Aly nung ipinakilala sya samin ni Ai parang naging interasado ako sa kanya.. Para kase may kung ano sa kanya non" mahabang sabi ko kay Ate Alexa na nakikinig saken.
"Ganon pala ang naging buhay ng kapatid ko 5 years" --Ate Alexa.
"Nakwento nya din saken ate, na kaya sya naging ganon dahil takot na sya mag tiwala sa ibang tao dahilan para walang kahit sinuman ang kausapin nya.. Nung time na nag tanong ako sa kanya kung nasaan yung pamilya nya, lagi nalang nya sinasabi na wala na syang pamilya kaya pala nung minsan ko na kwento kay Aly yung tungkol sa family ko, kita ko sa kanya yung labis na pagkainggit... at dahil sya lang mag isa, naghanap sya ng pwedeng makakitaan para buhayin yung sarili nya, nag tuturo sya pasocial media. lahat ginagawa nya para makapag aral sya at buhayin yung sarili nya na tanging sya lang ang nagtataguyod sa sarili nya" pag katapos kong sabihin yon ay bigla akong napatingin kay ate Alexa dahil parang nakita ko syang nag pahid ng luha sa pisngi nya.
"Hindi ko alam na ganon pala ang pamumuhay ni Aly.. Ang tagal ko syang pinahanap noon.. Hindi ko alam na ganon pala kahirap yung naging buhay nya mag isa .. Kaya, Dennise, Thank you dahil kahit papaano hindi mo iniwan ang kapatid ko at napabago mo sya" nakangiting sabi ni Ate Alexa kaya nginitian ko din sya.
"Wala yon Ate, Sa totoo lang hindi naman po mahirap pakisamahan si Aly, nung una nag aadjust pa sya samen/saken pero hindi ko sya tinigilan na kulitin sya noon at hindi naman mahirap mahalin si Aly. Ate, hindi ko nga po alam kung baket ang gaan agad ng loob ko sa kapatid mo ate"
"Si Aly nung bata palang yon masayahin na yon, at sobrang kulit nga lang haha.. pero matulungin din sya kahit na bata palang sya natutu na sya tumulong sa ibang tao kaya nga tuwang tuwa sa kanya yung lolo namin" masayang sabi ni Ate Alexa.