Chapter 16

12.1K 83 6
                                    

Ala una na ng madaling araw ay hindi pa rin makatulog si Francine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ala una na ng madaling araw ay hindi pa rin makatulog si Francine. Hindi kasi niya makalimutan ang nangyari sa kanila ni Miggy. Alam niyang huli na ang lahat para baguhin ang ginawa niya, pero nakokonsensya pa rin siya na basta na lamang niyang iniwan ito nang walang paalam.

Nang tumingin siya sa tabi ay mahimbing nang natutulog si Cecile. Magkatabi sila nito sa kama.

Masaya siya dahil nakilala niya ito. Kung hindi dahil kay Cecile, baka hanggang sa oras na iyon ay iniisip pa rin niya kung paano tuturuan ng leksiyon ang asawa.

Pagkuwa'y bumangon siya't lumabas ng kuwarto. Dumiretso siya sa labas ng bahay at naupo muna sa terasa. Doon siya magpapaantok habang nagbabasa ng romance novel sa phone.

Then suddenly, nakarinig siya ng mga kaluskos.

Habang abala siya sa pagbabasa ay hindi kaagad niya napansin na nasa katabing garden si Raymart.

Ginulat siya nito. "Bulaga!"

"Diyos ko! Ano ka ba naman, Raymart?" Inis na hinampas niya ito sa balikat. "Papatayin mo ba 'ko sa takot?"

"Ito naman, parang nagbibiro lang. Ano ba kasing ginagawa mo rito at gising ka pa sa oras na ito?"

"Hindi kasi ako makatulog. Kaya heto, nagbasa na lang muna ako ng wattpad stories sa cellphone." Ipinasa niya rito ang tanong. "Ikaw ba? Ano'ng ginagawa mo rito?"

Natawa ito. "Hindi rin ako makatulog." Napansin niyang may bitbit itong payong. "Chineck ko muna iyong mga halaman ko. Baka kasi may nakalimutan akong itabi sa silong, sayang naman kung masisira ng ulan."

"So, mahilig ka pala sa halaman?"

"Hindi masyado. Ang totoo nyan e kay Mommy talaga iyong mga halaman. Bago sila mag-Taiwan ni Daddy ay ibinilin niya sa 'kin na alagaan ko raw ang mga iyon. Kaya heto, nagkaroon tuloy ako ng obligasyon."

"Ah..." Tumangu-tango si Francine.

Then, she changed the topic, "Oo nga pala, kamusta na kayo ng girlfriend mo?"

"Wala na."

"Anong wala na?"

"Wala na kami."

"Hindi nga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Francine. "Okay lang bang malaman kung ano'ng nangyari? Bakit kayo nag-break?"

"Kasalanan ko rin naman kasi. Nasakal yata sa 'kin iyong girlfriend ko dahil sa sobra kong pagkaseloso. Ayoko kasing sumasama siya sa kahit sinong lalaki, lalong-lalo na't hindi ko kilala o walang pahintulot ko."

Bigla tuloy niyang naalala si Miggy.

Napakaseloso rin nito kapag nababanggit niya ang pangalan ni Raymart. Kulang na lang ay matupi ang buong mukha nito sa inis.

"Alam mo, hindi ko talaga maintindihan kung bakit napakaseloso nyong mga lalaki, 'tulad na lang ni Miggy. Oo, alam ko naman na para sa ikabubuti ko iyong ginagawa niya, pero hindi ko talaga maiwasang mainis kapag nagkakaganoon siya. Sumusobra na kasi siya."

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon