Ate Diane sino ba kausap mo dyan sa phone ? sigaw ko sa pinsan ko
Si Harry bespren ko sabi niya ..
tama na yan sige na I love you I love you I love you !! agaw ko sa cellphone niya sabay sabi ng I love you sa kausap niya ..
Ako nga pala si Roselle normal na fourth year hs at ang pisan ko ay second year college na .. halos magbespren na kami kaya super close namin sa isa't-isa ..pero sa tingin ko parang napapadalas yung tawagan niya dun sa bespren niya kaya ang ginagawa ko ginugulo ko siya .. o diba ang baet ko !!! :)) di ko pa naman kilala yun tapos bespren niya na agad Pshhh..
Hello bes oo ginugulo niya pa rin ako, grabe ang saya dun noh di ko talaga makakalimutan yun sabi ni Diane dun na naman sa Harry na yun
I love you I love you KUYA HARRY !!!! i love you!!!! yan sa araw-araw na ginawa ng diyos yan ang ginagawa ko kay ate diane at sa kausap niya sa cellphone , minsan na nga maiisip ko nalang anu kaya itsura nun ??
At umabot na nga sa buwan ang ginagawa kong ganun lagi akong nagsasabi ng 'I love you' dun sa taong yun eh ... hanggang sa isang araw..
SELLE gusto ka daw makausap ni bes !!! sigaw saken ni ate Diane nasa kusina kasi ako at nasa kwarto siya
AYOKO sabihin mo na lang I love you !! sigaw ko naman sa kanya ewan ko pero ayoko siya makausap natatakot ako dahil na rin sa pinagsasabi ko sa kanya pero di ko inaasahan na nasa likod ko na pala si ate Diane at tinapat niya na sa tenga ko yung phone niya ..
ah hello si Harry toh bespren ni Diane .... ahhh ...uhm ... ano kasi sabi nung lalaki sa kabilang linya..
ah ganun ba sige sige I love you na lang .. sabay baba ng phone grabe parang ang lakas ng tibok ng puso ko bakit ganun ano toh in-love MALAYO !! napaka OA ko naman para sa isang taong lagi kong sinasabihan ng 'I love you' sa phone hayyy buhay nga naman prang kape mainit kasi may global warming ...
ate bakit mo naman pinakausap saken yung bespren mo di ko nga kilala yun eh .. Tss lingon ko kay ate Diane pagkaabot ko nung phone niya
eh sa gusto ka nga niya makausap eh
ah basta ate
lumipas ang mga araw at ganun pa man din ang sitwasyon lagi pa rin akong nag i love you sa kanya ,minsan nga yung pinsan ko tinatapat pa sa bibig ko yung phone niya para makapag i love you ako pag matutulog na kami ehhhh .. wala lang feeling ko kasi ang sarap niyang sabihan nun kahit ni minsan di ko sya na kausap ng matino o makita man lang feeling ko kasi I'm in-love to the person I never met matino ba ??? oo baliw na kung baliw pero tingin ko in-love na ko ..
sinabi ko na nga rin kay ate Diane yun at ang sinagot niya lang ay Ganun ba ganun nga hahahahahahahah nakakatawa talaga akalain mo yun
parang baliw noh tinanong ko sa kanya kung baket siya tumatawa pero wala siya ng wala .... KAINIS !!
-----
nanonood ako ng tv katabi ko si ate Diane na kausap na naman sa phone si Harry na biglang nag ring yung doorbell ...
UY Selle buksan mo may bisita tayo ^____^ sabi ni ate Diane yung binalingan niya ko at ang mukha niya ay ngiting ngiti lang naman
tumayo na ko at binuksan ko ang pinto at bumungad saken ang isang gwapong nilalang na nagpatibok ng mabilis sa puso ko ...
Hi I'm Harry pwede bang manligaw kasi ........
I love you too ..
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
at yun na nga po ang pagtatapos ng maladamdamin kong kwento CHOS panget po ba ?? kung okay lang po sa inyo pa vote at comment nalang po ... first time ko po ito ^____^
Ay nakalimutan ko po may pagka true story po ito !!! based on my own experience ...

BINABASA MO ANG
I LOVE YOU to the person I never met [one shot]
Short StoryI LOVE YOU.. a word that can be a joke to other people but this word can also makes you fall unexpectedly to a certain person you never met ..