Welcome to College Part 2

562 6 1
                                    

Hello Guys! I'm back with more kalokohan and kakulitan about college terms for students, profs, lines, experience and everything and anything about college. Hope you still enjoy and learn from it. 

STUDENTS:

Palitaw - Sila y'ong mga student na lulubog at lilitaw sa klase tapos pagdating ng pakitaan ng grades sila pa ang malakas ang loob na magtanong kung bakit sila bagsak.

Favorite- Sila ang mga paborito ng prof, paborito utusan (Peace!) o para sa iba tinatawag na 'teacher's pet' . May dalawang klase ng Favorites ang May ibubuga at Madada. Ang may ibubuga sila y'ong mga klase ng students na paborito ng prof kasi hindi lang basta maaasahan, may talino at kaya ring makasabay sa klase. Ang Madada naman ay puro salita lang, in short madikit lang sa prof o baka naman friendly lang sa prof diba? (Malay natin)

Bibo Kid- Sila y'ong mga klase ng student na akala mo hindi mauubusan ng energy. Y'ong tipong kayo pagod na pagod na siya parang unlimited ang energy at hindi nauubusan kahit gabing gabi na.

Clown- Obvious naman kung anong klase ng student siya diba? Syempre y'ong palaging nagpapatawa. Y'ong simpleng hirit niya lang hahagalpak ka na kakatawa. Bawat barkada meron at merong isang gaya niya.

Loner- Sila y'ong mga student na palaging mag-isa. Y'ong as in wala ng kilala sa classroom, wala pang kasama kapag vacant pero bihira lang naman ang ganitong student dahil kung ganito ka hindi ka makakatagal sa college.

Foreigner- Obvious na rin kung anong klase ng student 'to. Mga student na iba ang nationality. Mga student na nakakanosebleed kausap (Peace ulit! May friend po akong foreigner at super bait niya..Promise ^_^)

Sikat- Syempre sila ang mga student na nakikita natin sa TV, in short mga artista o kilalang tao sa lipunan na nag-aaral sa university niyo. 

Working- Sila ang mga klase ng student na kahanga-hanga kasi sila y'ong mga student na nagtatrabaho na nag-aaral pa kalimitan sa dahilan nila 'e para mapagpatuloy ang pag-aaral at makatulong sa magulang. Sila y'ong nakakahanga dahil nagagawa nilang ibalance ang pag aaral at pagtatrabaho. Isa sa kanila ay ang mga Student Assistants sila y'ong mga student na nagwowork sa University at the same time nag-aaral. Para rin silang scholar pero pinagtatrabahuhan nila y'ong tuition nila.

Aktibista- Sila y'ong mga student na nagrarally. Mga student na pinaglalaban ang mga karapatan nila.

Mahangin- Sila! Sila ang mga student na kaiinisan mo dahil sila ang mga klase ng mga student na puro yabang lang pero wala namang maipakita o mapatunayan. In short puro salita lang naman.

Radyo/Newspaper- Mga student na updated sa balita at tsismis sa school.. 

Bully- Syempre di sila mawawala..Kung present sila sa Grade School at Highschool days mo..Aba! Papahuli ba naman sila sa college. 

Tanong: Ano may nadagdag ba sa listahan mo?

PROFESSOR:

Welcome to CollegeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon