Mainit at umuusok ang dalawang tasa ng kape na isinerve ng serbidora sa aming mesa.
Dagli ko iyong sinimsim upang alisin ang kakaibang kabang nararamdaman ko. Dati-rati ay wala akong pakialam sa presensya ng kuya ni Gummybear. Pero ngayon, pakiramdam ko'y kalahati ng katauhan niya ang kaharap ko sa mga oras na 'to.
"Salamat sa pagdala mo sa kapatid ko sa ospital. Tatanawin ko iyong isang malaking utang na loob."
Batid ko sa itsura niya ang kaunting kaba habang kaharap ako.
Tulad parin siya ng dati. Tuwing makikita ko siya ay lagi siyang nakayuko. Kaya naman napakababa ng tingin ko sa kanya noon. Gusto kong bumawi, hindi lamang kay Gummybear kundi pati narin sa kuya niya. Minaliit ko sila noon at itinuring na mga mabababang uri ng nilalang pero naisip kong mas malala pa ako sa kanila.Napakasama ko.
Hindi ko siya masisisi kung ganuun din ang tingin niya sa akin.
"Okay na ba siya?" Naaasiwang tanong ko. Ngayon lamang kami nagkausap ng ganito.
Tumango siya. "Tulog na siya ng iwan ko. Bukas ay makakauwi na daw siya sabi ng doctor."
"Mabuti naman."
"Hmm." Tumango siyang muli saka saglit na natigilan. Maya-maya pa ay tumikhim siya. Batid kong may gusto siyang sabihin.
"Kamusta sila Anika at Gillian?" Gusto kong kalmahin siya.
"Okay naman sila. Nasa mansyon sila ngayon."
Tumango ako. Wala akong maisip na tanong sa kanya para malibang siya at maging kumportable sa akin.
"Ah, Grae--"
"Ano yun?" Mabilis kong sagot.
"Ahh..hahah" Napakamot siya sa ulo saka tumawa. Isang pilit na tawa.
"May gusto ka bang sabihin?"
Natigilan siya.
"Tungkol ba kay Dad?"
Pinagmasdan niya ako saka tumikhim. "Nakapagdesisyon ka na ba?"
Siningkitan ko siya ng mga mata. Kung ganun ay alam niya? Saglit akong napalingon sa kawalan. Bumuntong hininga ako saka muling bumaling sa kanya.
"Pinaayos na ng Daddy mo ang lahat mong kailangan sa pagpunta mo ng America."
Napalunok ako. Hindi pa man ako nakakapagdesisyon ay pinagpasyahan na ni Dad ang sagot ko. Hindi ako makapaniwala. Napasinghal ako.
"Sa isang linggo na ang flight mo. Inaasahan ng presidente na mapatatakbo mo ng maayos ang mga negosyo niyo sa America--"
BLAAGGG!!!
Hindi pa man siya natatapos ay agad na akong napatayo. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Nahampas ko ng napakalakas ang ibabaw ng mesa. Parehong nauga ang tasa ng kape na nasa ibabaw niyon dahilan para matapon at tumulo sa sahig.
Gustuhin ko mang maging palagay ang loob niya sa akin ay naunahan na ako ng galit. Galit sa sarili kong ama.
Mariin akong napapikit. Wala na siyang inisip kundi ang mga negosyo niya!
"Grae--"
"Pasensya na. Ako ng bahalang kumausap kay Daddy." Pagkasabi ko niyon ay agad akong tumalikod sa kanya. Hindi ko na nais pang magtagal.
Umalis ako ng lugar na iyon na puno ng galit ang nararamdaman ko.
Noon pa man ay plano na ni Daddy ang papuntahin ako sa America pero hindi ko inisip na mamadaliin niya ako ng ganito. Pumayag ako sa lahat ng gusto niya. Pinakinggan ko ang lahat ng utos niya pero hindi parin iyon naging sapat sa kanya. Gusto parin niyang kontrolin ang buhay ko.
BINABASA MO ANG
WHEN THE SUN KISSED THE RAIN (Completed)
RomanceIsang cute na love story ng isang ordinary teenage girl na maiinlove sa isang easy go lucky guy na ubod ng sama ng ugali. Bangayang aso't pusa na mauuwi sa pagsasama sa iisang bubong. Pero paano kung mainlove si easy go lucky guy sa makulit at kwela...