Makalipas ang isang linggo, nakapasok na ulit ako sa school.
“Hayop ka pare! Akala ko mababawasan na ang mga babaero sa mundo eh.” Biro sa akin nung isa kong kaibigan.
“Edi kung nawala ako, wala ng gwapo sa mundo.” Sabi ko.
“Napaka-kapal din ng mukha mo no?” Sabi ni Ate. Napaka-epal. -_-
“Alis muna ako.” Sabi ko.
“Oh… baka magpasagasa ka na naman ha?” Sabi ni Ate.
“’Wag kang epal, please. Labyu.”
“Eww.”
Going back to the corner, where I first saw you…
Hindi ako kumakanta, okay? Binalikan ko ‘yung kanto, kung saan ko unang nakita si Abby. Nakatulala lang ako sa mga guhit ng pedestrian lane habang may dumadaang mga sasakyan doon.
“Are you lost?” Tanong sa akin ng isang babae.
Wait. Parang nangyari na ‘to eh.
Lumingon ako.
At hindi nga ako nagkakamali… si Abby nga ‘yung babae.
“Anong ginagawa mo dito?” Sabi ko.
“May pasok kasi ako eh.”
“Ha? Eh Saturday kaya ngayon.”
“Yup! May review session ako. Para sa mga college admission tests.”
“Ah! College ka na nga pala next year.”
“Yup! At Grade 9 ka na! Mag-aral mabuti ha? ‘Wag puro babae inuuna.” Sabi niya at tumawa siya.
“Ha? Pambababae? Ano ‘yon?”
“Nabagok ba ‘yang ulo mo nung nabundol ka?” Sabi niya at tumawa ulit. “Pero Dom, salamat sa lahat.” Ngumiti siya.
“Salamat? Salamat saan? Sa pananakit ko sa’yo?”
“Bugok! Salamat kasi ikaw ‘yung naging daan para mahanap ko si Ace. ‘Yung lalaking mamahalin ako kahit nasasaktan ko siya, nagkukulang ako o hindi maganda ‘yung nakaraan ko.” Sabi niya.
“Eh ba’t kadrama mo?” Sabi ko at natatawa ako pero seryoso pa din ‘yung face niya.
“Ang sinasabi ko lang, someday, makikilala mo na ‘yung babaeng pinapangarap mo. ‘Yung babaeng sasamahan ka kahit kailan man, humigit kumulang di mabilang. Tatlumpung araw sa isang buwan, umabot man kayo ng 3001.”
At kumanta pa siya ha. Hahahahaha!
Nag-red na ‘yung traffic lights.
Huminto na ang mga sasakyan.
“Bawas-bawasan mo na din ‘yung pagiging babaero mo at chicboy. Mag-aral mabuti. Good Luck Dominic Manuzon.” Sabi niya.
Tapos tumawid na siya sa pedestrian lane.
Nawala na siya sa paningin ko. At pipilitin ko ding mawala na siya sa puso ko.
Good Bye, Mara Abby Leah Fernandez…
Thanks for the lessons and memories.
---
Thank you pooo! Hahaha. Vote. Share. Comment.
Salamat po sa mga nagbasa, nagbabasa at magbabasa pa lamang! :)
~ God Bless po!
BINABASA MO ANG
Pedestrian Lane (One Shot)
Fiksi RemajaPagmamahalang nag-umpisa sa isang Pedestrian Crossing... at saan naman 'to magwawakas? READ NOW!