Chapter 24: She Needs Me

40 18 0
                                    

Hadley's POV:
Nakarating na kami sa bahay at maghahating gabi na. Nagamot na rin ang pasang mukha ni James. Pabaling baling ako sa kama dahil hindi pa rin ako makatulog dahil sa nangyari kanina. Sa sobrang inis ko ay tumayo na lang ako sa kama at lumabas para uminom ng tubig. Patay lahat ng ilaw at ang tanging source of light ko ay yung flashlight sa cellphone ko.

Pagkababa ko ng hagdanan ay nagulat ako ng may partial light sa may part ng kusina. Lumapit ako rito at nakita ko ang isang lalaking nakatalikod at nakatayo. Hindi ko mamukhaan dahil nga nakatalikod ito. Hala! Baka pinasok kami ng mga magnanakaw! Pero...nakalock naman ng ayos yung pintuan kanina 'a. Hala! Baka kung anong skill nitong magnanakaw na 'to.

Kaya pinatay ko muna yung flashlight ng phone ko para hindi nya mahalata na may tao sa likod nya. Kinuha ko yung walis tambo sa likod ng hagdanan at dahan dahang lumakad papunta sa magnanakaw. I will risk my life para wala nang makapasok na iba pang magnanakaw dito at para maisautak nia na walang uubra sa angas at tapang nila!

"Magnanakaw ka!!!" Bad timing dahil nadulas na natumba ako. Ang ineexpect ko talaga ay babagsak ako sa semento but I felt this guy's arms. So meaning....sinalo nya ako!!???

Napapikit na lang ako at iminulat ang mata ko ng onti onti. And I really can't believe who I saw. "Wyatt?" He gave me a laugh. Grabe! Nakakahiya!

Umayos ako ng tayo at yumuko sa kahihiyan. "Grabe magnanakaw agad? Pwede bang umiinom lang ng kape?" Hays! Nakakainis talaga 'tong mata kong 'to! Sa lahat lahat ng tao na mapagkakamalan ko pa ng magnanakaw....si Wyatt pa! Yung taong lagi ring nandyan sa tabi ko. "Uhmm..eh...sorry. Akala ko lang kasi.."

"Okay lang" sabat nito sa akin. Napaangat ako at ngumiti sa kanya. "Hindi ka rin ba makatulog, Hadley?"

"Oo 'e. Bumaba lang ako para kumuha ng tubig" Pagkasabing pagkasabi ko nun ay kinuha nya sa akin yung dala kong tubigan at kinuha yung pitsel sa ref at pinuno ito. Napakagentleman naman talaga nitong si Wyatt.

Iniabot nya ito sa akin at ngumiti. "Here. Its all refilled"

"Thanks Wyatt"

Ginulo nya na lang ang buhok ko na nagdahilang mapangiti ako at parang naginit ang mukha ko. Ewan ko ba kung bakit. "Now go back to sleep na Hadley. You need to rest"

Omg! Sya ba talaga yung kausap ko? Bakit parang kinikilig ako at parang namumula at umiinit ang mukha ko? Hala! Hindi pwede 'toh!

Tumango na lang ako sa kanya at tumalikod nang mabilis at naglakad papataas ng hagdan. Biglang...

"Sweet dreams, Hadley!" Hala! May pahabol pa sya! Napatigil tuloy ako sa sinabi nyang yun. Ewan ko ba at napangiti na lang ako sa sinabi nya habang hindi nililingon at dumiretso na lang sa kwarto. Hanggang sa pagdating ko sa kwarto ay umiinit ang mukha ko. "Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Crush ko si Wyatt? Imposible!"

Pagkatapos nun ay humiga na ako at unti unti nang nakatulog. "He made my day more memorable"

Wyatt's POV:
Pagkaakyat ni Hadley ay nagulat ako ng nasa likod ko na si Jam. "Sweet nyo naman" sarkastikong sabi nito. Napatawa naman ako sa isip ko. Biglang....sumeryoso ang mukha nito at lumapit sa akin na parang nakikipaghamon si Jam. Nakakapanibago ito sa kanya.

"Wag ka namang masyadong clingy kay Hadley. Kahit na best friend kita Wyatt...wag mo na namang sana agawan pa ako kay Hadley." Nagulat talaga ako sa sinabi nya. "Hindi kita inaagawan Jam. Alam mo namang iba ang gusto ko"

Hindi pa rin nagiba ang ekspresyon ng mukha nito. "Kung totoo ngang hindi mo gusto si Hadley, pwede bang layuan mo sya?"

Wala akong nagawa kundi tumango na lang. Sa totoo nyan ay turing kapatid ko na si Hadley. Ewan ko ba dito kung bakit ginagawan kaming dalawa ng malisya ni Hadley. "Pangako mo yan Wyatt?"

"Oo nga!" Napataas bigla ako ng boses dahil nakukulitan ako dito. Nakita ko namang unti unti nang umalis sa harapan ko si Jam. Iintindihin ko na lang si Jam. Alam ko namang mahal na mahal nya si Hadley.

Parehas lang naman kami ng gusto. Ang makita at maiparamdam namin na mahalaga ang minamahal namin sa amin.

12:18 AM na at hindi pa rin ako makatulog, kaya binalak ko na lang na lumabas ng tinutuluyan nila. Makalabas ako para makapagpahangin ay bigang tumunog ang phone ko.

May nagtext at galing ito kay Missy.

From: Missy
"Wyatt kung may time ka ngayon at kung gising ka pa, pwede bang pakipuntahan ako dito sa bahay? Ang sama talaga ng pakiramdam ko ngayon 'e. Parang kapag tatayo ako ay parang matutumba ako. Best friend, puntahan mo ako please! Walang magaasikaso sa akin dito"

Wala akong magawa dahil mahal na mahal at importante ang best friend ko sa akin. She needs me.

To: Missy
"I'm still awake, ust wait for me and I'll be there. Just wait for me, okay?"

Nag-aligaga akong nagbihis ng pangalis at lumabas na ng bahay at sinarado ang gate. Bigla namang nagvibrate ang phone ko.

From: Missy
"Okay. Thanks a lot!"

Kinuha ko ang susi ng kotse ko at umalis na.











To be continued...


Sorry for the typographical errors, kung meron man :)

Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon