KK 7: Ang Simula ng Lahat Part 6

12 0 0
                                    

OMG, here's the next chap! Please comment and vote!

----

Aeri's POV

So then Monday came. Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko sa phone. Ang aga aga ang ingay ni ate kong Ariana.

So as usual, naligo na ako, nagbihis at nag ayos. Nung na satisfied na ako sa look ko sa salamin, eh bumaba na ako. Pagbaba ko naman, nakita ko agad sa sala si ate na nanonood ng TV.

"Sisterette, ang aga mo naman ata nagwa-watch ng TV?" bungad na tanong ko kaagad kay ate at hinalikan sya sa pisngi pagkalapit ko.

"Hehe wala kasi kami klase kagabi sissy kaya super taas ng tulog ko at nagising ako ng mga 4:30 am. Eh sa nagutom, kaya nag luto ako ng korean noodles at nanood ng movie" sagot naman ng sisterette ko. Pansin ko nga na may bowl sa mesa na may noodles pa. Di siguro niya naubos kasi maanghang haha. "Kumain kana do'n sissy, tapos na ata makaluto si Yaya eh" dagdag pa ni Ate. Tumango nalang ako at sinulyapan ang pinapanood niya, nanonood pala siya ng Kdrama kaya tutok na tutok. Dumiretso na kaagad ako sa kusina kasi nagugutom narin ako.

Nakita ko namang bicol express ang breakfast na very fave ko kaya napakain na ako. Nagbiro pa ako kay Yaya, "Napaka intense naman ng breakfast ko Ya. Super anghang haha. Kumusta naman kaya almoranas ko nito" sabi ko, tumawa lang naman ng malakas si Yaya.

"Hahaha ewan ko sayo anak. Bilisan mo na jan at baka malate kapa" sabi ni Yaya. At yun na yung hudyat para bilisan ko pag kain ko. After kumain eh nag toothbrush ako ulit kasi super anghang talaga ng ulam, pagkatapos eh lumarga na kami ni Kuya Brent na kanina pa pala naghihintay sakin.

Di ko namalayan na andito pa pala kami sa school kung di lang ako tinawag ni Kuya Brent. Nag iinstagram kasi ako at di ko namalayan dumating na pala kami. Nagpaalam na ako at nagpasalamat kay Kuya.

---------

Recess na, pumunta na kami nina Ruffy & Rina sa cafeteria, after umorder nakahanap naman kaagad kami ng upuan sa dulo at malapit sa bintana. Umorder lang ako ng isang slice ng pizza at sprite. Busog pa kasi ako hanggang ngayon dahil sa breakfast. Napalingon ako sa counter sa cafeteria at nakita ko si Samuel na naghahanap ng mauupuan, nang magtama ang tingin namin eh ngumiti sya, kinawayan ko sya at sinenyasan na lumapit.

"Hi Aeri" bati niya sakin. Di pala kami nagpansinan kanina sa classroom kasi super kinig kami sa klase lahat dahil sa terror na prof namin sa Physics at Sociology, akalain niyo yun, 2 hours of pakikinig, at bawal talaga mag ingay kasi kung marinig kang maingay, papatayuin ka sa likod na nakataas kamay, ganyan ka terror prof namin sa dalawang subjects.

"Hello Samuel! Halika dito kana umupo" bati ko pabalik at pag-aya sa kanya. Napaupo naman siya kaagad sa tabi ko. Napatingin naman ang dalawa sa kanya na nanlaki ang mata. Tama di ko pa pala sila napakilala.

"By the way Samuel, these are my friends na classmate din natin" pakilala ko sa dalawa.

Unang nagpakilala si Rina, "Helle pe, ehh Rina Baldives pele et yer service hihi" pabebeng pagpapakilala ni Rina. Tumawa lang naman ako at napangiti si Samuel.

"Gaga teh para kanang e-epilepsy-hin jan. Mag ayos ka nga" eksaherada na namang turan ni Ruffy kay Rina. Tumawa lang naman kaming dalawa ni Samuel nang makita naming umirap si Rina kay Ruffy.

"Hi Samuel, Ruffy pala, but you can call me baby or babe or honey" malandi namang pagpapakilala ni Ruffy. Tumawa lang naman si Samuel. Si Rina naman ngayon ang may sinabi, "Wow, ang pamigay mo naman sa lagay nayan teh, ganda ka? May matris ka?" ganti ni Rina kay Ruffy. Mas lumakas pa ang tawanan naming tatlo nang akmang aambahan ni Ruffy si Rina.

"Haha nakakatuwa naman kayo, salamat. Ako pala si Samuel, but you can call me, Aeri's future" pagpapakilala at sabi ni Samuel sabay tingin at kindat sakin. Namula naman ako dahil doon. Tumili naman ang dalawang bruha sa kilig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kailangan Kita (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon