WONDERWALL

14 1 0
                                    

Nakita ko syang nakaupo sa classroom nila pang unang upuan sa dulo malapit sa  pintuan. Ganun parin ang ayos nya tahimik, nakayuko, naka pasak ang earphone sa magkabilag tenga na wari ba’y nagiisa lang sa kwarto na yun.

Oo lagi ko syang nakikita dahil tapat lang ng silid aralan nila ang classroom namin dulo sya ako naman ay sa unahan lang kaya kitang kita ko sya.

Hindi ko sya kilala maski ang panggalan nya ay di ko alam nakikita ko lang sya o mas tama sigurong sabihin na pinagmamasdan. Bakit? tanong ko rin yan dahil siguro gwapo sya di nakakasawang titigan

Minsan nga nagtama ang mga mata namin naramdaman nya siguro na may nanunuod sakanya nakita nya ko, umiwas ako ng tingin at muling bumaling sakanya pagkalipas ng ilang segundo sa pag aakalang baka di na sya nakatingin pero  mali ako nakatingin parin sya sakin sabay ngumiti.

Mula nun mas lalong napadalas ang paglingon ko sa pwesto nya ewan ko natutuwa lang siguro ako sa tuwing nakikita sya iba kase sya sa ibang lalake na nasa kwartong yun tila ba napaka lalim nya. Taong

maraming gustong sabihin pero di alam kung paano sisimulan at saan tatapusin.

Hanggang isang araw nagising nalang ako na sya  ang unang pumasok sa aking isipan na para bang hinahanap sya ng aking mga mata natakot ako, baka kase di lang pag hanga ang nararamdaman ko para sakanya pero bahala na nakaramdaman naman ako ng saya at tinaggap ko na baka nga mahal ko na sya damdaming pinilit kong pinigilan pero ngayo’y nais ko nang subukan.

Nagkasalubong kami sa hallway basa ang sahig dahil sa ulan hawak nya sa kaliwang kamay nya ang payong at sa kanan ang kanyang cellphone na tila ba’y  sya ay madaling madaling nais ko sana syang batiin ng “hi.” pero parang isang hangin patakbo syang pumasok sa kanilang silid .

Nagkasabay kami sa karenderya malapit sa school umorder  sya ng kaldereta gusto ko sana syang sabihan ng “hello.” pero bigla naman syang umalis at pumunta sa mesa kung saan kasama ang kanyang mga ka.eskwela..

wala na kong nagawa kundi pagmasdan syang sumubo at yumunga at hintayin na sa aking huling subject sa araw na yun e. dalawang oras ko syang matitigan sa kanyang paboritong pwesto malapit sa pintuan..

Lumipas ang Limang oras.. umupo ako sa aking upuan hinintay ang pagdating ng aming professor  napalingon ako sakanyang upuan ngunit wala pa sya hanggang dumating na ang kanilang guro at isinara ang pintuan ng kanilang classroom inaabangan ko syang dumating pero lumipas ang dalawang oras ni anino nya ay wala.

Ngayon mahigit isang linggo ko na syang di nakikita, Mahigit apat na buwan ko na din syang palihim na sinusulyapan. OA nga siguro kung sasabihin kong miss ko na sya dahil di ko naman sya kilala maski ang panggalan at kurso nya ay di ko parin alam nasaan na nga kaya sya bakit wala pa sya..

Isang papel ang nalaglag mula saking notebook. Puro numbers,Formula,Solution scratch computation para sa isa sa aking mga major  lukot lukot na at itatapon ko na sana pero  may kulay pulang tinta at tila di sa aking sulat kamay ang naka sulat.

“Umuulan, naalala nanaman kita yung peach mong payong nadala mo ba? o baka naman nakalimutan mo nanaman pati narin ang magdala ng extrang tsinelas alam mo namang madulas ang kalsada  yung back pack mo lagi mong isuot paharap maraming mandurukot lalo na’t siksikan sa pagsakay ng jeep. Kung pwede lang din wag ka na gumala pa delikado ‘t basa ang daan baka madulas ka mag-iingat ka ha kahit na alam kong matigas ang ulo mo’t pasaway paaalalahanan parin kita …”

 

 

nagtaka ako sa aking nabasa kanino naman kaya mangagaling iyon ibinalik ko sa bag ang papel at pumasok na sa aking classroom ..

“Okay Class doon tayo sa kabilang classroom since lumipat na ng room ang mga nagkaklase dun ay dun muna tayo pansamantala habang pinapalitan ang ating mga ilaw so, you may proceed now.”

 pagkasabi nun ng aming professor ay agad kaming lumipat sa classroom nya noon kaya pala di ko na sya nakikita sa pwestong iyon e. dahil di na sya dun naka upo. Pinili kong umupo sa sa upuan malapit sa pintuan kung saan lagi ko syang pinamamasdan.

puno ng sulat ang upuan kahit na bawal ang vandalism ay may nakakalusot parin halo halo ang mga naka drawing at lettering hanggang sa napansin ko ang parehong sulat kamay sa papel na aking nakita kanina;

“Nakatingin ka nanaman paano ako titigin sayo?  Hays. yuyuko nalang ako para di mo mapansin na sinisilip kita sa ilalim ng mga braso ko  ang ganda mo ang ganda ganda mo Issa.”

 

 

Issa? ako ba ang tinutukoy nito? ang feeling ko naman sya kaya ang nagsulat nito? imposible naman !

“Mr. Romero I think you entered a wrong classroom as far as I concerned hindi na kayo ang nandito.” paalala ni sir sa isang lalake matangkad, moreno, matangos ang ilong SYA nga ito.

“I know sir  may iaabot lang po ako kay Ms. Maria Issabell Asuncion.” sagot naman nya kilala nya ako? paano? panaginip ba ito? nais kong kurutin anga aking sarili upang magising pero kung panaginip man ito ay ayoko nang gumising.

 “Ah. ganun ba? Sige Ms. Asuncion, Mr. Ian Darius Romero is longing for you.” sabi naman ng aming professor kasabay ng mga ayiee at tuksuhan ng aking mga kaklase saamin ni Darius?

“ba-a-a-ket? kilala mo a-ako?.” bungad ko sakanya

“Oo naman. teka ito pala oh malakas yung ulan sa labas may bagyo daw payong oh. diba nasira yung peach mong payong .” sabi naman nya na naka ngiti

“Paano mo alam?” nasabi ko nalang

“alam ko na lahat bago mo ako makita at bago ako umupo sa upuan malapit sa pintuan.. malapit kung saan kita pedeng makita ng mas malapit kesa  sa pag tanaw sayo sa pagsakay mo sa jeep, sa lamesa  sa karenderya  mas matagal kesa sa pag kasalubong natin sa hallway.” detalyadong sabi nya saakin

“Hi.” nasabi ko nalang

“I-I-I  ….”  di ko matuloy sabihin

“I miss seeing you, I miss staring at you, I miss glancing at you, sorry but I miss you…. Cause I secre-tly  like you and loving you for so long” sabi nya sabay  abot ng payong .

WONDERWALLWhere stories live. Discover now