We've Met Last Night

97 12 6
                                    

Allein's POV

"Nandito ako sa isang convenience store." Sagot ko sa tanong ni Allen, bunso kong kapatid na lalaki. Kanina pa kasi tawag ng tawag sa cellphone ko, vibrate nang vibrate tuloy.

"Ate baka naman pwede mo kong pautangin, kahit 500 lang. Kelangan lang pang monthsary namin ni Jane." Aba ang kapal. "Please, ate." Nagmakaawa pa.

"Ang kapal naman ng muka mo. Muka ba kong may pera? May trabaho ba ko?"

"Nagbabaka sakali lang naman. May pangbili ka nga ng pagkain e, 'tas wala kang 500. Sige na ate. 500 lang, gusto mo idoble ko pa pagbalik." Nakakapang-init ng ulo 'tong bwiset na to ah.

"Wala nga akong 500. Wala akong pera okay." Paliwanag ko sa kaniya. "Ang landi-landi mo kasi. Wala ka pang trabaho naggi-girlfriend ka na. 'Tas ngayon namomroblema ka pang celebrate mo ng monthsarry niyo. Mag-aral ka muna bago maggirlfriend. Subukan mo munang pumasa bago--"

"Ate please lang, wala akong panahon para sa sermon mo." Ang bastos talaga nitong batang 'to, nakakagigil. "Ate please pautang na ko ng 500. Nagplease na ko oh. Sige naman na." Ang immature talaga ng batang 'to, hindi man lang naiisip sitwasyon namin ngayon.

"Okay sige, ganto gawin mo. Pumunta ka dito sa convenience store. Nakuha mo?"

"Pumunta jan? Okay. Tapos?"

"Magapply ka ng trabaho kasi HIRING SILA! SUBUKAN MO KAYANG PAGTRABAHUHAN YANG PERANG IPANGMA-MONTHSARRY MO LANG DIBAA?!--" Biglang namatay. Pagtingin ko sa screen ng phone ko, nag-end na yung call. Pinagbabaan ba naman ako ng cellphone, kabwiset. Bahala siya dyan, mamroblema siya pang-monthsarry nila.

"Ba't pa kasi nauso 'yang monthsarry na yan. Wala namang maidudulot na maganda yan, magbi-break din naman 'yang mga yan." Bulong ko sa sarili kaya nagmumuka tuloy akong baliw habang naghahanap ng pwedeng makain.

"Doon kasi sila nagiging masaya." Biglang may sumulpot na boses sa likod ko.

"Huh?" Napalingon ako sa medyo katangkarang lalaki. Sa una medyo di ko maaninag ang muka niya pero sa saglit na pagtitig ko, nakita ko na rin ang buong mukha niya. In fairness, gwapo siya.

"Sa panahon kasi ngayon, bihira na ang nagtatagal sa relasyon. Swerte mo pag-umabot kayo ng 1 year, lalo na kung nasa high school pa lang kayo." Dugtong pa nito. "I'm Luster by the way. Baka nagtataka ka na, haha."

"Sino ka? Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot out of no where?" Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Maganda ang hubog ng katawan pero, "Wala ka namang masamang balak sa'kin diba?"

"Sa tingin mo?" Hindi ko alam kung siniseduce ba ko neto sa mga ngiti nya. "Haha, ang cute mo eh noh?" Sabay pisil nito sa muka ko. Ang gwapo niya lalo na 'pag bigla-bigla siyang ngumiti, pero dapat muka 'kong mataray.

"Feeling close?"

"Narinig ko lang kasi kanina yung pinaguusapan niyo nung kausap mo. Kapatid mo ba yun?" Tanong pa nito. Hindi dapat ako nakikipagusap sa stranger kaso kung ganito ba naman kagwapo mapapadalawang isip ka talaga eh.

"Tsismoso?"

"Ganun ba yun? Kapag nagtanong, tsismoso agad?" Kung hindi lang 'to gwapo, pinablotter ko na 'to. Kung makipag-usap akala mo magkakilala kami.

"Sa panahon din ngayon, oo."

"Hindi naman. Malay mo gusto ka lang tulungan."

"Tulungan? Di ako lumpo. I don't need your help. Salamat na lang." Pagmamataray ko kahit deep inside gusto ko na siyang ayain magpakasal at magkaanak kahit mga bente.

"Strong independent woman?" Mapanglokong tanong nito.

"Oo. Kaya umalis ka na."

Pumili na ko ng mga sitsirya. Babayaran ko na sana sa counter nang bigla akong hinarang nung lalaki.

We've Met Last NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon