Nicole's Pov
"Hindi! "-sambit ko. Sakto namang pumasok si.... Heurt!
" Heurt"-pabulong lang na sabi ni denise na katabi ko.
Binalingan ko ito ng tingin at blanko lang ang kanyang mukang nakatingin sa amin!
"Cleo"-baling nito kay cleo na ngayon nakakunot ang noo sa kanya.
Sumenyas lang si heurt sakanya at saka naman siya tinanguan ni cleo...
" Tandaan niyo yung sinabi ko"-seryosong sabi ni cleo sa lahat at saka bumaling sakin.
Halos mawalan ako ng hininga ng ilapit niya ang muka niya sa tenga ko ramdam ko ang kanyang hininga. "Sa ayaw at sa gusto mo, ito ang kapalaran mo"-bulong nito sakin.
" Subukan niyo siyang galawin. Ako lang naman ang makakalaban niyo. Maliwanag? "-mayabang na tanong nito sa lahat.
"Oo cleo"-sagot nila.
Bumaling muna ito sakin ng tingin at ngumisi bago lumabas ng pintuan!
Kainis alam kung pinag tritripan lang ako ni cleo!
" Hey pahihiramin kita ng T-shirt "
Natauhan ako dahil sa alok ni denise sakin.
"Sa-salamat"-saka niya na ako dinala sa banyo.
Ilang minuto lang rin ay lumabas na ako ng banyo at naabutan ko si denise na nag aayos ng kanyang buhok.
Humarap ito sakin at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. Mas gumanda ito ngayon dahil sa itinali nito ang kanyang mahabang buhok.
Nginitian ko din ito bago ako nagsalita. "Mas lalo kang gumanda "-puri ko sakanya.
" Salamat. Alam mo maganda kadin eh hindi kalang talaga marunong mag ayos "-sambit nito at lumapit sa akin.
" Makinis, saktong ilong, manipis na labi, mahabang pilik mata, at makapal na kilay "-sabi nito habang sinusuri ang kabuuan ng aking muka.
" Halika "-saka niya ako hinila at dinala sa harap ng malaking salamin dito.
"Tignan mo ang muka mo sa salamin. "-nakangiting sabi nito. " Ang ganda ganda mo hindi ba? "-dagdag nito.
Pinag masdan ko ang kabuuan ng muka ko sa salamin. Tama si denise meron akong sariling kagandahan sa aking muka. Hindi kasi ako mahilig magsalamin..
May kinakalkal ito sa kanyang maliit na bag.
" Anong hinahanap mo? "-tanong ko sakanya.
" Blade"
Nanlaki ang mga mata ko sa hinahanap nito. Ano namang gagawin niya sa blade!? Ghad baka mag laslas siya hindi pwede!!
"Wag kang mag lalaslas denise! Mali ang gagawin mo! "-nag aalalang sabi ko sakanya.
Kumunot ang noo nito at saka tumawa. " HAHAH hindi naman ako mag lalaslas eh, aahitan ko lang ng unti yang kilay mo. Sabog eh".
Bumaling ako sa salamin at tumambad sakin ang kilay kong makapal. Ang iba ay lumagpas na at sabog!
"Harap ka sakin"-utos mi denise na sinunod ko naman.
Inumpisahan niya ng ahitin ang kilay ko. Napapikit nalang ako.
" Oh, bat ka pumipikit? Don't worry hindi naman masakit ito. Saglit lang to"
Maya maya pa ay tapos na ang pag ahit nito sa kilay ko. "Oh yan bagay sayo! Mas gumanda ka! "-masiglang sabi nito at iniharap niya ako sa salamin.
BINABASA MO ANG
Fall For Her(GirlXGirl)
Novela JuvenilWARNING!!! ⚠ THIS STORY IS GIRLXGIRL SITUATION... PLEASE DON'T CONTINUE TO READ THIS WHEN YOU JUST JUDGE THIS BOOK!! THAT'S ALL THANK YOU!! STARTED:AUGUST 1,2018 FINISHED:??