Cast of MY MISSION
Jun Ji Hyun as HANNAH MIRIASTA
Yang Yang as MARCUS JAVIER
Kim Woobin as JERRY LIM MENDOZA
Min Yoongi as SHAWN DREW MIRIASTA
Park Shin Hye as ATE LIARNA CRUZ
Kim Jennie as PRECIOUS NATIVIDAD
Park Jihyo as DIANNA MAE CARUSTAH
Zheng Shueng as FIONA JACKY RETYUSMARCUS'S POV
Umaga. Papasok na ko sa JERST UNIVERSITY kung saan ako nag aaral at dun din nagtapos ang mga magulang ko. Habang naghahanda si ate ng pagkain ay nagbasa basa muna ako ng topics namin at nang magiging topics pa namin para pag may tinanong yung prof. namin eh masasagot ko ulit.
Naamoy ko na yung ulam namin kaya naman dumeretso nako sa dining area upang mag almusal "Goodmorning" si ate "Hmm. Goodmorning" Habang kumakain kami, nagkukuwento sya tungkol sa anak nya sa ibang bansa, Oo may anak na sya sa edad na 23 years old. Single Parent sya dahil iniwan sya ng magaling nyang jowa pagkatapos syang anakan. Ako ang tumutulong sakanya kapag kinakailangan nya. Masaya na kami sa buhay namin ngayon kaso nga lang nandon si baby Georgina sa Argentina dahil andon din sina mommy and daddy. Tapusin daw muna namin ang pag aaral namin bago sila tuluyang manirahan ng pang habambuhay dito. Tapos nakong kumain kaya naman nagpaalam na ko "Pasok nako, maaga naman akong uuwi" paalam ko kay ate " Oo sige ingat ka." "bye" sabay halik sa noo nya
CLASSROOM
Panibagong taon,panibagong mga kaklase pero syempre nandun parin mga kaibigan ko "Toooool!!" nangibabaw ang boses ni Jerry pagpasok ko palang ng classroom "Musta?" tanong nya "Humihinga pa naman." sagot ko pumasok na yung prof. "Quiet class! Please be sitted. Thank you!" panimula nya "This is my first time teaching class B. I always teach lower section eh kaya nakakahiya magturo dito baka ako pa ang itama nyo hahahaha!!" tawanan namin sa sinabi nya "Okay, please introduce yourself sir." turo nya kay Jerry
"Ako sir?!" tanong pa ni Jerry "Aba oo.. sino pa ba?" nagtitimping sagot ni sir "Deh sir baka lang naman magbago pa isip nyo hehe" biro pa nito
"Ahhh.. Jerry Lim Mendoza po ang pangalan ko Jerry for short, Sana maging masaya ang taon na to :)" pagpapakilala nya "Okay thank you sir, Next!" tukoy nya sa katabi pa ni Jerry "Hanep bros! iba!" sabi nya sakin habang umuuupo "Wala man lang chicks dito," ayan nanaman sya "Pwede ba? tama na pambababae aral muna wag na lumande!" sabi ko "Grabe bros ha? lumande talaga? pambabae? di ako bakla ahh..." aniya pa "Wala naman ako sinabing bakla ka." ngingisi ngisi kong sabi "Pero tol, papatalo nalang ba tayo sa mga Senior? may isang lalaki don na gwapo at kala mo artistang hindi nalalaos kung habul habulin sya ng mga babae ahh.. bros, hindi tama" paliwanag nya. Lalaking mala artista? ha! walang pwedeng tumalo sakin "Bros, senior high yun. Junior high palang tayo..." paliwanag ko din "Tch. Palibhasa di mo pa naririnig yung tungkol sa kanya." nakanguso pang aniya "Bakit? ano bang meron sakanya?" nagtataka kong tanong "Okay. Thank you. Next!" sigaw ng prof. namin kaya napunta sa kanya ang atensyon ko na ako na pala ang tinutukoy nya... napapahiya akong tumayo at pumunta sa unahan "G-good morning everyone, Ako po si Marcus Drake Fillerma Kreston-Javier, nice meeting you all. HAVE A NICE DAY!" pagpapakilala ko
"AHHHH!!"
"KYAAAHHHH!!"
"OOOMMMMAAAYYYGGGAAADDD ANG GWAPOOOOO!!!"
"AWABYU MARCUUUUUUSSSS!! ANG COOL NG NAME MO! KAKAINLAB"
nakakabingi ang mga sigawan ng mga babae sa room. Paupo na ko nang mapansin kong nakangisi na sakin si Jerry. "Anong problema?" kunyaring tanong ko "Iba bros ah... dito pa lang yan sa room. Pano pa sa labas?" nang-aasar nyang tanong "Tch. Gwapo ehh... numagagawa ko?" natatawang asar ko. Matapos nang pagpapakilala ay nagclass dismissed na dahil wala oa daw palitan ng mga teacher kaya sa canteen muna kami "Ano oorderin mo?" biglang tanong ni Jerry pagkarating namin sa canteen "Kung ano sayo." matipid kong sagot "Ah, excuse me" tawag pansin sakin nang tatlong babae "Yes??" tanong ko naman "Ahm. Papicture naman yung kaibigan namin.. may gusto kasi sya sayo eh" parang nahihiya pang sabi neto "Ah, sure" bigla namang lumiwanag ang mukha nila,
"Sino ba yung magpapapicture?" tanong ko "Ah. Siya"tinuro nya yung isang babae, matangkad, makinis ang balat, sexy, at higit sa lahat maganda sya, pumwesto na kami "Okay, 1,2, 3, smile" isang simpleng ngiti lang ang iginawad ko sa litrato at alam ko namang guwapo ako sa litrato "Thank you" sabi nung isa pa nilang kasama "Emily." yung babaeng kasama ko sa picture "Nice to meet you" hindi ko na inabot ang kamay nya dahil naiinis ako sa ganong mga babae PABEBE. "Bros, chixx yun ahh" si Jerry"Iyo na," sagot ko "Alam mo hindi kita maintindihan, maganda yun pero ayaw mo, sexy din naman ayaw mo parin" naguguluhang sabi nya"hindi kase ganyan ang mga tipo ko" walang ka gana ganang sambit ko "Eh anong tipo mo?" parang naiinis na tanong niya "Yung astigin." maikli pero mabilis na sagot ko "A-astigin?" nauutal na sya "Oo. Yung kahit di masyadong maganda at sexy basta astigin ayos sakin" nakangiti kong sagot "Tch. Ang korni mo" aniya. "Tara na nga" yaya ko sa kanya pauwi "San ang daan natin?" tanong niya nung eskinita na ang nilalakaran namin "Bibili lang ako, wala namang tindahan sa dadaanan natin" ako. Habang naglalakad kami ay kapansin pansing parang may sumusunod samin. Nang makita ko yung tindahan ay agad kaming nagtungo don ni Jerry. "Bros, may napapansin ka ba kanina?" napalingon ako kay Jerry dahil sa sinabi nya "Oo, parang may sumusunod satin" sambit ko "Uuwi na tayo, tara." yaya ko sakanya "Teka, mas mabuti dumito muna tayo bros, delikado na baka kung anong gawin satin ng kung sino man ang sumusunod satin. Hindi ka ba natatakot o kinakabahan man lang?" nag aalalang tanong niya. Hindi. Hindi ako kinakabahan o natatakot man lang. Bakit? Bakit hindi ko maramdaman ang nararamdaman ni Jerry? Hindi naman ako ganto dati. Oo basagulero ako pero kapag makikipaglaban ako nakakaramdam din naman ako ng kaba kahit papano "Hindi." maikling sagot ko. Agad namang bumalatay sa mukha nya ang gulat at pagtataka "A-anong hindi?" naiinis na tanong nya "Hindi ako natatakot o kinakabahan, Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit. Basta tara na." hinila ko na siya "Pano kung madami sila?" natatakot na sambit niya "Lalaban tayo." makapangyarihang aniko kaya wala na siyang nagawa. Habang palabas kami ng eskinita ay ramdam na ramdam namin ni Jerry na may sumusunod nga samin.