Ticket (one-shot story)

248 13 0
                                    

Alam mo yung feeling na, lahat na ginawa mo  mapansin ka lang nya?  yung bang kahit ano na lang gagawin mo para lang makapasok dun sa puso nya? Pero, anong nangyare?? Nga-nga. Wala kang kapag-apag-asa. Yun yung nararamdam ko eh.

Ang corny ko ba? Pasensya na ah, ganun lang talaga siguro. Ikaw ba naman eh, magka-crush na manhid-manhidan effect. Todo papansin ka pero sya, hala kwento ng kwento tungkol sa crush nya na hindi naman nya sinasabi kung sino. Puteeeeek. Ano to, bastusan?!

Pero na-realized ko na ang tanga-tanga ko pala. Pilit ako ng pilit na makapasok sa puso nya, eh may nakalimutan pala ako.

Hindi ka nga pala makakapasok sa isang pribadong lugar, kahit na ipilit mo pa, hangga't wala kang.....

TICKET.

"Ang Ineeeeet!", sigaw ko habang nandito sa classroom. Pang-hapon eh. Buti na lang wala pang teacher kaya kahit ano pwede naming gawin. Party party!! XD

"Kutsarahin mo", pang-eepal naman ng bestfriend kong si Tammy.

"Anong kutsarahin?! Ano to sabaw?! Alam ko mainit! Leshe ka talaga."

"Mas Leshe ka. Eh kung magpaypay ka kaya."

"Wala akong pamaypay."

"Edi ayun o, electric fan."

"Andami nang nakatapat dun. Ayaw ko nang makisiksik pa."

"Aaaay ang arteeeey."

"Arte ka dyan. Makalabas na nga lang."

"Haaaay, buti naman at naisipan mo nang mawala na ang masamang hangin dito."

"Heh! Ewan ko sayo!"

Naglakad na ako palabas ng classroom at pumunta sa bintana ng corridor. Nangalumbaba ako habang pinapanuod ang mga nagpi-p.e. 

Ako si Therese De Vega but you can call me Reez. Ang arte ba? Ang haba kasi ng Therese eh XD

2nd year na ako pero hindi halata. Alam mo ba kung bakit???

 Kasi cute ako. Wahahaha!! Joke lang. Isip-bata daw kasi ako. Pakielam ba nila? FYI, buhay ko to nu.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng may naramdaman akong sumandal sa pader sa gilid ko.

NApalingon tuloy ako habang nakapangalumbaba pa rin. Nung makita ko kung sino yun. Isa lang ang nasabi ko.

OH MY GOD.

Si... ano. Si Ren Bautista. Ang Crush kong isang malaking MANHID.

Mas matanda sakin yan ng dalawang taon pero hindi ko sya tinatawag na kuya. Wala akong galang eh. Pakielam nyo ba?! XD Hindi jokr lang. Sya nagsabi na wag daw kuya. May sayad din yang isang yan eh. XD

"Uhmm Reez, bili ka naman nito. Sa Friday na yung showing."

Shete. Nakakakilig naman tong posisyon naming dalawa. Ako nakapangalumbaba at nakalingon sa kanya, sya naman nakasandal sa pader at nakapamulsa sa gilid ko, nakatingin sya sakin at nakangiti.

Shemay. Parang pang movie to ah. Waaaah kinikilig ako. XD

"Huy, natulala ka na dyan", ay nu ba yan. Masyado akong na-carried away. 

"Ah eh. Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"Sabi ko bili ka naman nito sa Friday na yung showing. Ano ba nangyayari sayo?"

"Aaah. Uhmm Ren, sa Wednesday pa ako bibili nyan eh. Saka walang to. Ano lang, puyat lang ako."

"Aaay sayang naman. Sige una na ako. Matulog ka kasi ng maaga nang hindi ka mabangag. Hahahahahaha."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ticket (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon