Chapter 7

2.3K 72 0
                                    

Khalil Galvan
-----

Ilang beses kong sinusulyapan si Augustine at pag nagtatama ang nga tingin namin ay nginingisihan ko sya. Irap naman ang sagot nya.








This woman is making me laugh. In a idiotic way.








Tumikhim na si daddy. "Bakit hindi natin pag usapan ang dahilan kung bakit talaga kayo nandito, Mr. Rae?"









"Ah, yes. We would like to personally apologize for what happened to your son's engagement party. We don't mean to make a scene. Hindi ba, anak?" natawa ako ng makitang nakatunganga lang sa akin si Augustine.







Siniko sya ng daddy nya na nakapagbalik sa kanya sa katinuan. "Ha? O-Opo, opo!"






I chuckled.






Napatingin sila sakin. "Oh, don't mind me. Continue."






Napailing nalang sina mommy at daddy.









"We heard about what happened. Khalil, iho. Is it true that Augustine's your mistress?" sumingit si tita Devone sa usapan.







Actually lahat ng kamag anak ko ay naririto dahil apektado rin naman sila. They're all my guests for the wedding. Kaya nagtataka silang lahat kung sino ba talaga ang bride.








Nakatingin lang ako kay Augustine na umiiwas ng tingin. I still can't get over the way she acted yesterday night. Mukha syang brineakup-an ng nobyo at biglang nag-gate crash sa kung sinong engagement party. Damn wasted.








"Khalil!"







Ako naman ang natauhan. "Yes! Ah, not at all. Gusto ko lang ma-enjoy ang buhay binata noon bago kami ikasal ni Samara. Then, I met her at a bar. My friend recommended her to me. At dahil napadami narin ang nainom ko ay hindi oo na naalala ang mga nagawa ko noon. But I am sure that nagalaw ko sya. I found myself naked after I woke up, and she was sleeping in my arms. The bed sheets has blood stains too. Siguro ay akala ni Augustine na single pa din ako kaya binalikan nya ako sa mismong engagement ko."








Nagsinghapan ang mga kamag anak ko. Nagulat sila ng biglang tumayo si Augustine at nangangalati itong tumingin sa akin. "That's not true!" tinaasan ko sya ng kilay at tinitigan na sya rin naman ang malalagot kung hindi sya sumakay sa trip ko.







Napalunok sya. "T-The part that I was still chasing him. Hindi iyon totoo."






Kumunot ang noo ko. "Then how come you were introduced as my bride instead of Samara?"







"Hindi ko kilala ang e e-engage. You can ask my dad. Ang alam ko lang ay anak ng business partner nya. Then noong namukhaan kita, I admit I was hurt kasi akala ko may nararamdaman ka sa akin non. Your friend didn't recommend me to you, I think hindi mo natatandaan ang nangyari dahil sa kalasingan pero ikaw mismo ang naghabol sa akin." akmang magsasalita pa ako ng nakatingin na sakin sina mommy at daddy kaya tumahimik namuna ako.







"Wala akong balak na guluhin ang party ngunit bigla akong hinigit noong wedding planner o kaya noong um-organize ng lahat because may hawak itong schedule noong hinigit nya ako. I was about to go to comfort room that time when somebody pulled me to stage. At yon nga ang nangyari. I have a witness, my friend Sanica and I bet my dad too. Because I told my friend na sabihin kay daddy kung nasan ako. Everything was a misunderstanding."









Tumango ang daddy nya. "Yes, it is true. The woman beside my business partner told me that my daughter went to the comfort room."







"I'm sorry for ruining it all. Hindi ko sinasadya."








Nginitian sya ni mommy. "It's fine. Ngunit hindi matutuloy ang kasal kung hindi ikaw ang bride." sabay kaming napatayo ni Augustine.






"What?!"







"Bro, chill." sinamaan ko ng tingin si Spice na pinsan ko.








"Ma? Didn't I told you that I don't want to get married?"








Napabuntong hininga si mommy. "I can't do that dear. Your engagement was publicized, at labas sa newspapers na ikakasal ka kay Augustine. Kalat na ang dates ng kasal nyo. Tutal, Augustine has feelings for you. And you both makes a good match. Hindi ba't muntik ng may mangyaring unos kanina sa comfort room? Grabe ka pala talaga kiligin, iha. Ang bilis!" napanganga si Augustine.








"Unos po? Huh?"









Binalingan ko si mommy. "Mom it would never work, I---"









"Hindi mo kailanman minahal si Samara. Unless sa mga buwan na niligawan mo sya ay nahulog ka na. Nguniti magkakaroon ng epekto ito sa both parties. I heared na ayaw kang kausapin ni Samara. You should stop. Baka may makakita sa iyo. Nakakahiya anak. Inabala natin ang mga kamag-anak mo sa states. Nakauwi na sila kahapon pa. Can you imagine? Madami tayong na-isturbo, anak. Let's just continue this wedding. Try working it out." napaiwas ako ng tingin.








"Ituloy mo nalang ang kasal iho." tita Devone







"Oo nga naman, baka mag-click din naman kayo nitong si Augustine pinsan. Ganda oh, chicks din." sinamaan ko ng tingin sina Spice at ang iba ko pang pinsan.







Ganda ng ngisi e. Pucha.










Napairap ako. "Okay fine. As long as payag si Augustine wala akong problema." nabaling ang tingin sa kanilang lahat.








Hindi naman sya nakapagsalita. Nakatingin na din ang daddy nya sa kanya.







"P-Pero.." tumingin ito sa daddy nya na nakatingin lang sa kanya. Bumuntong hininga ito bago tumango dahan dahan. "P-Payag po ako.."







"Great! Thank you so much, iha. Welcome to the family!" lumapit silang lahat kay Augustine at nakipag kamay.









Napailing na lamang ako bago tumalikod at umakyat sa itaas.








I thought I would be able to stay single ngayon na nakawala ako sa hawak nina mommy pero lumala pa pala.

-----

Augustine Rae

"Bye po, tita tito!" kumaway ako sa kanila bago tuluyang pumasok sa sasakyan.







"Ingat kayo!" nginitian ko sila at sinarado ang pinto.








Saktong pagkaupo ko ay gumalaw na ang sasakyan. Napasandal na lamang ako sa upuan ng sasakyan.









"You okay anak?" binalingan ko si daddy at pilit na nginitian.








"Yes."







"You did a great job. Thank you." tumango lang ako kay daddy at pinikit ang mga mata ko.








Ikakasal na ako. Hindi ko talaga inasahan na dadating ang araw na ito. I wanted to stay single until I get old. Because I believe I can manage things on my own without someone beside me. Pero iiba na ang ihip ng hangin.








Soon, I'm gonna be a married woman.

-----

syoblleref

x: double update. umaasenso ako e hahaha.

Married By AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon