ALY POV
"Hi love!" bati ko kay Dennise ng sagutin nya yung tawag ko
"Hello love, baket?" --Dennise
"Musta? Anong ginawa nyo ni Ate?"
"Nag shopping lang po kame" --Dennise
"Nakauwi na ka love?"
"Hindi pa kasama ko pa si Ate Alexa ngayon" --Dennise
"Huh? Hindi pa ba kayo tapos? Nasaan ba kayo, susunduin kita at ako na mag hahatid sayo pauwi. Si Ate talaga kung ano ano talaga nagagawa non"
"Dito lang naman kame sa company nyo nila Ate Alexa. Kaya wag ka na mag alala love" --Dennise.
Sa company namin? Kanino? Tanong ko sa sarili ko . Baka kay Ate building lang yon siguro. Natauhan naman ako ng mag salita ulit si Dennise.
"Hello love?' --Dennise
"Sorry .. Puntahan kita jan love text mo nalang kung saan yan"
"Sigurado ka love?" --Dennise
"Yes po love"
"Oh sige love. Ingat ka sa pag da drive" --Dennise
"Opo .. Baba ko na to love, I love you"
"Okay, i love you too" --Dennise.
Pag katapos non ay pumasok na ako sa kotse ko at nag drive . Maya maya lang ay natanggap ko na yung text ni Dennise kung saan sya ngayon.
Hindi din nag tagal ay nakarating na ako sa isang company. Kaninong building to? parang ngayon ko lang nakita to ah?!
Pumasok na ako sa loob ng building na ito at sumakay sa elevator. Sabi kase ni Dennise nasa pinakang taas sila ngayon kaya hindi na naman din ako nag tanong.
Maya maya nakarating na ako. Hindi ko alam kung baket ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang naglalakad ako patungo sa isang kwarto kung nasaan sila Dennise ngayon.
Ngayon na nasa harapan na ako ng isang medyo may kalakihan na pinto nito, nag pakawala ako ng isang malalim na hininga bago kumatok sa pinto nito. Labis labis ang kaba ko habang nag iintay na mag bukas ito. Ilang sandali lang ay biglang bumukas na ang pinto nito at nakita ko si Ate Alexa na nasa harapan ko ngayon sya kase ang nag bukas ng pinto.
"Nandyan ka na pala Aly, pasok ka" masayang sabi nito pero hindi parin ako gumagalaw sa pwesto ko.
"A-ahm... Hi Ate. Na-nasaan si Dennise?" kinakabahang tanong ko dito.
"Nandito sya sa loob, kaya pumasok ka na dito. Baket kinakabahan ka?" alalang tano naman ni Ate saken.
"Ahm.. Hindi naman"
"oh tara na sa loob" sabi ni Ate at hinila na ako papasok ng kwartong iyon.
Parang biglang sumisikip ang dibdib ko habang papalapit kame sa dalawang tao na nakatalikod samen, masaya silang nag uusap, alam kung si Dennise yung isa pero sino yung kausap nya. Napahinto sila sa masayang pag uusap ng mapansin siguro nila ng papalapit na kame ni Ate Alexa sa kanila .. Ngumiti saken si Dennise ng makita nya na ako, lumapit sya saken at saglit na yumakap saken.
Napatingin naman ako sa lalaking kausap kanina ni Dennise. Tumayo ito at unti unting humarap sa pwesto namin.
Dun lang mas bumilis ang kabog ng dibdib ko ng makilala ko kung sino ito.
Lolo?
"Kamusta ka na apo" nakangiting sabi nito at lumapit saken at agad na yumakap saken.