- 20 -

14 0 0
                                    

Miruelle

Sa mundong kinatatayuan natin, hindi natin alam kung hanggang saan at kelan nalang tayo magtatagal. Kahit sa pinaka murang edad o sa pinaka hindi natin inaasahang pagkakataon ay pwede tayong mawala sa mundong ito.

Hindi natin hawak ang buhay natin. Hindi rin natin alam kung ano ang sunod na mangyayari sa atin.

Tanging Siya---ang Panginoong Diyos lang ang nakakaalam dahil Siya ang may hawak buhay natin.

Aminin man natin o hindi pero alam natin sa sarili natin that we are the one who is responsible what path of life we take. 

Dalawa lang naman yan eh, ang daang matuwid at ang daang liko-liko. Pero ang mahalaga sa lahat, anumang daan ang tahakin natin,  alam natin sa sarili ang mga maaaring mangyari sa daan na pinili natin. In short, the consequences.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Sa lalim ng mga iniisip ko ay hindi ko inakalang maliligaw ako.

"Beshy! Thanks goodness you're here! Kanina ka pa namin hinihintay. Pumunta na rin ako sa kwarto natin kaso wala ka. Saan ka ba nang galing ha." Salubong sa akin ni Margs nang makita niya ako. Hindi pa ako nakakapagsalita ng may lumapit sa aking isang babae.

"Miru!! Oh my god! I miss you Miru." Hiyaw nito tsaka mahigpit akong niyakap. Namumukhaan ko siya. Siya na ba si Gina? Parang oo. Siya lang naman tumatawag sa akin ng Miru eh.

"Saan ka ba galing. Antagal mo." Hirit pa nito.

Kumalas kami sa pagkayakap. Tsaka nginitian ko siya.

"Sorry. Uh, naligaw kase ako." Pagtatapat kong sagot sa kanila.

Hindi ko inakalang mas lumaki ang resort namin. Bukod sa hotel ay may mga villa na rin ito.

"Ay sorry beshy. Akala ko kase alam mo. Tsaka hinabilin naman kase kita kay Matt. Akala ko sinabihan ka niya. Sabi ko kase isabay ka na niya." Saad ni beshy na ikinataas naman ng kilay ko.

So ibig sabihin dapat isasabay ako ni Matt. Pero hindi man lang sinabi sa akin kanina nung nagkita kami. Tapos ngayon matatagpuan ko siyang tumatawa habang pinapalibutan ng mga babae?

What the hell!

"Ah okay lang. Haha." Hindi ako okay. Ugh. Halos 30 minutos akong palakad lakad para hanapin ang lugar na ito tapos ang ermitanyong Matt nandito nakikipag tawanan lang sa mga babae?!

"C'mon Miru, let's eat na. I've waited for you talaga para may kasabay kang kumain. I miss you kase." Ever since I met Gina she's always been so sweet. Ugali na nagustuhan ko sa kanya.

Hinila ako nito sa table nila. Nasa lagpas isang dosena din kami sa mahabang table. I guess sila yung bridesmaid and groomsmen nila.

"Ladies and gentleman." Eksahedarang pagkuha ni Gina ng atensyon ng mga taong nasa mahabang table.

"I want you to meet my long lost twin Miruelle." Biro ni Gina dahilan para matawa kami.

"Wooh Gin. I didn't know you have such a Goddess friend here." Napalingon naman ako sa isang  American guy na nasa bandang dulo ng upuan. Blonde ang buhok nitong medyo mahaba. Kulay asul ang mga mata. Matangos na ilong at mapupulang labi. Ang tangkad pa nito at malaki ang katawan. In short, yummy. Hehe. 

Pero mas yummy si Matt.

"Ugh shut up Gleo. Please she's not for hooks up." Mataray na wika ni Gina kay Gleo. Parang kanina lang ang sweet-sweet niya. Tapos ngayon nagtataray na siya. Mood swing?

"Oh no. That kind of beauty? Damn, I think I'm in love." Saad naman ni Gleo dahilan para maghiyawan sila. Ako naman ay napangiti nalang. Bumabanat agad si Gleo ah.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon