José's POV
Hindi na naman ako mapakali sa mga oras na ito. Ginawa ko na naman ang bagay na hindi katanggap-tanggap sa lipunang ginagalawan ko, ang pagpatay ng mga inosenteng babaeng handang ibigay ang sarili nilang katawan sa akin. Mabuti na lang at wala akong kapitbahay kaya wala pang nakakaalam ng ginagawa kong ito. Hindi ko nga ito masabi-sabi kay Teodoro dahil tiyak kong kapag nalaman niya ito, isusuplong niya ako sa mga pulis kahit na siya pa ang pinakamatalik kong kaibigan. Gagawin pa rin niya ang tama at nararapat.
Nakakaawa ang itsura ng wala ng buhay na katawan ni Riana. Basag ang kanyang duguang mukha. Malamig at maputlang-maputla pa ang kanyang balat. Hindi ako tinitigilan ng konsensiya ko pagkatapos kong gawin ang bagay na 'to. Hindi ko rin naman gusto 'to. Hindi ko kailanman ginusto ang magkaroon ng isang kakaibang sakit.
Mayroon akong carnal-psychopathic personality disorder o CPPD. Wala pa akong narinig o nabalitaang nagkaroon ng ganitong sakit na kagaya ko.
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kakaibang sakit na ito. Hindi ko alam kung galing ba ito sa tatay o sa nanay ko. Wala naman akong kakilalang kamag-anak ng mga magulang ko kung sakaling gusto kong malaman ang kanilang nakaraan.
Ilang taon na rin ang nakakaraan nang huli akong magpatingin sa isang psychiatrist. Labing-anim na taon lang ako noon. Nakaranas kasi ako nang matinding pagnanasa sa bawat magandang babaeng makita ko sa paaralan kahit na labag sa kalooban ko. Na kahit mga gurong dalaga o nasa mga trenta-anyos paitaas ay hindi nakakaligtas sa akin. Matinding pagpipigil lang ang ginagawa ko noon at pag-uwi ko sa bahay ay doon ko inilalabas lahat ng pagpipigil ko. Ginagawa ko ang bagay na normal na sa mga kalalakihan.
Hirap din akong pakalmahin ang sarili ko. May mga insidente nga noon na kapag marami akong nakitang maganda at seksing babae sa paaralan o kahit na saan ako magpunta at hindi ko sila makuha, agad akong maghahagis, magbabasag at sisira ng kahit na anong bagay na mahawakan ko pag-uwi sa bahay.
Ngayong tumanda ako ay mas lalo itong lumala. Hindi ko na kayang kontrolin ang sarili ko.
Siguro'y nagtataka kayo kung nasaan na ang mga magulang ko.
Ang aking ina ay hindi ko kailanman nasilayan dahil agad itong pumanaw pagkatapos akong iluwal mula sa kanyang sinapupunan.
Ang aking ama naman ang dating may-ari ng publishing companies at bookstores na pagmamay-ari ko na ngayon. Awtomatiko itong napunta sa akin dahil nag-iisang anak niya ako.
Namatay siya sa isang car explosion nang pauwi na galing sa pakikipag-usap sa may-ari ng isang publishing company na balak makipag-merge sa aming kompanya upang sa kalaunan ay maangkin na niya ito. Nalaman kong tumanggi si Papa kaya planado ang nangyaring pagsabog ng kanyang kotse. Nangunguna ang J Writings at J Diaries sa mga kakumpitensiya nito. Alam na siguro ng taong ito na tatanggi si Papa sa kanyang offer kaya nag-utos siya ng isa o tatlong katao na maglagay ng bomba sa likod ng kotse ni Papa habang sila'y masinsinang nag-uusap.
Nang dahil lang sa kagustuhan niyang maangkin ang aming kompanya, nakaya niyang kumitil ng buhay ng isang inosenteng tao? That was an unreasonable act. Hindi 'yon makatao.
Napatawa ako sa isip ko. Hindi rin naman makatao ang ginagawa kong pag-angkin at pagpatay sa mga kababaihang inuuwi ko sa bahay ko ngunit bakit ko 'yon patuloy na ginagawa? Dahil sa kakaibang sakit ko. Na sana ay tuluyan nang mawala.
Matapos ang mahigit isang taong imbestigasyon, napatunayang guilty ang tao na iyon. Kinasuhan siya ng attempted homicide at sinentensiyahan ng 25 taong pagkakakulong o maaaring abutin ng habangbuhay. Nararapat lamang sa kanya iyon. Gusto ko sanang basagin ang bungo niya noon pero hindi ko ginawa dahil isa sa mga pangaral sa akin ni Papa noon na kung may tao man na makasakit sa akin, huwag ko raw itong gagantihan o ibabalik ang sakit na idinulot nito sa akin. Dahil alam ko rin sa sarili kong masama ang gumanti. Hindi kailanman mapapawi ng pangganti ang sakit na naidulot ng isang tao sa'yo.
Nasira rin ang reputasyon ng kanilang pamilya. Naging biktima ng cyberbullying ang kanyang mga menor-de-edad na anak at nagpakamatay pa ang isa sa kanila dahil doon.
Pero napatawad ko na rin siya. Pinalaki akong mabuting tao ng tatay ko kaya ginawa ko 'yon upang gumaan ang pakiramdam ko at dahil 'yon ang tama. Diyos nga nagagawang magpatawad, ang isang hamak na tao pa kaya?
Ayaw ko lang siyang makita dahil naaalala ko pa rin 'yong sakit na idinulot niya sa akin. Ilang buwan rin akong nagkulong noon sa kwarto ko noong inilibing si Papa. Hindi ako masyadong kumakain at laging nakatulala. Masyado akong naging miserable dahil doon. Pero kalaunan ay naisip ko rin na kung nabubuhay pa si Papa ngayon, marahil ay hindi niya gugustuhin na maging gano'n ako. Kaya inayos ko rin ang sarili ko at nagpatuloy sa buhay. Ipinagpatuloy ko rin ang pagpapatakbo ng kanyang kompanya dahil wala namang ibang gagawa nito kung hindi ako lang.
Kaya nandito ako sa main office ngayon at patuloy na binabasa ang mga application letters ng mga aspiring authors at writers na gustong magtrabaho dito sa J Writings at kalaunan ay makagawa ng mga best-selling books na maaari nilang mabili sa mga branches ng J Diaries sa buong Pilipinas. Balak ko rin sanang i-extend ang branches ng J Diaries internationally ngunit napagpasyahan kong hanggang dito lang sa Pilipinas ang bookstores ko.
Hindi ako gaanong makapag-concentrate dahil naaalala ko na naman kung paano magpumiglas at malagutan ng hininga si Riana habang nasa malulupit at mababangis kong kamay.
Hindi ko 'yon sinasadya. Hindi ko 'yon ginusto. Sana ay mapatawad mo ako, Victoriana Cruz.
…
Lumipas ang ilang araw at laman ng balita ang pagkawala ni Riana. Lalo tuloy akong inuusig ng aking konsensiya.
Kung tutuusin ay sanay na ako sa ganito. Inaamin kong marami na akong napatay na babae at inililibing ko sila sa isang abandonado at bakanteng lote na may kalayuan rin dito sa bahay ko. Wala namang dumadaang tao o sasakyan doon kaya walang nakakakita sa akin. At sa gabi ko isinasagawa ang paglilibing sa mga kaawa-awang bangkay ng mga babae na sinapit ang malupit nilang kamatayan sa kamay ko.
Naisip ko na rin na umamin na sa pulisya sa mga krimeng nagawa ko dahil iyon ang nararapat ngunit palagi akong inuunahan ng takot. Ayaw kong makulong. Ayaw kong magaya sa lalaking pumatay sa tatay ko. Ngunit wala akong pinagkaiba sa kanya. Kung tutuusin ay 'di hamak na mas malala pa ako sa kanya.
Siguro ay kailangan ko na ring magpatingin at kumonsulta ulit sa isang dalubhasang psychiatrist.
That's what I am going to do at pagkatapos noon ay lalantad na ako sa mga krimeng nagawa ko. Isa akong masamang tao. Napakasama. Kahit pa sabihin nating ang tanging dahilan ay ang kakaibang sakit ko, hindi pa rin mababago ang katotohanang pumatay ako.
Isa akong kriminal.
Huwag na huwag ninyo akong tutularan.
BINABASA MO ANG
Jose Rizal (KILATASKIBAS) ✔
Любовные романыJose Rizal is a publishing company and bookstores owner. Mayroon siyang kakaibang sakit na pinili niyang itago sa lahat just to avoid them from leaving him dahil maaari siyang kamuhian ng kahit na sino. Nang dumating si Regina Cole sa kompanya niya...