Chapter 5

16 0 0
                                    

Naisip ko na pumunta ulit sa bar para magliwaliw. Umaasa kasi ako na kahit papaano ay mawawaglit sa isipan ko ang mga bagay na patuloy na bumabagabag sa isipan at buong pagkatao ko. Ayaw ko mang aminin ngunit ang katotohanang pumapatay ako dahil sa kakaibang sakit ko ay lalong nagpapalugmok sa akin.

Hindi ko na inabala pang tawagan para yayain si Teodoro na uminom dahil alam ko namang may mga bagay rin siyang pinagkakaabalahan sa buhay. Hindi lang kasi sa akin na bestfriend niya umiikot ang buhay niya. Dahil kahit iniwan siya ng babaeng mahal na mahal niya, patuloy pa ring umiikot ang buhay niya para sa pamilya niya. Maswerte siya at nariyan pa ang kanyang mga magulang. Malalakas at masigla pa ang mga ito kahit na may katandaan na. Hindi ko tuloy mapigilang mainggit sa kanya minsan. Pero masaya ako para sa kanya. Kahit iniwan siya ng babaeng pag-aalayan niya sana ng buong puso't buhay niya, hindi siya kailanman iiwan ng kanyang pamilya.

Mapakla akong napangiti. Sa tingin ko, wala nang rason pa para mabuhay ako. Sa bawat araw na humihinga ako at alam kong nabubuhay ako sa mundo, lalo lang nadadagdagan ang mga kasalanan ko. Wala na akong pinagkaiba sa mga walang-awang kriminal na pumapatay para sa pansariling kapakanan niya o ng kanyang pamilya.

Tama ba itong naiisip ko ngayon? Na dapat ay wakasan ko na ang buhay ko para wala nang babagabag pa sa akin? Para hindi na ako usigin pa ng aking konsensiya?

Pero naisip ko na kapag ginawa ko 'yon ay isa na akong duwag. Duwag dahil hindi ko kayang pangatawanan ang mga pagkakasala ko sa buhay. Nabuhay nga ako at malubhang nagkasala ngunit wala akong ginawa upang itama at ituwid ang pagkakamali ko.

Isa rin sa mga pangaral ni Papa sa akin noon na hindi dapat ako maging duwag. Na kung ano mang desisyon o bagay na mangyayari sa buhay ko ay huwag kong tatalikuran at iiwasan. Harapin ko raw ito nang buong tapang para makamit ko ang maganda at matiwasay na buhay.

Sabi pa niya noon na may isang babaeng magsisilbing rason upang mabuhay pa ako sa marahas na mundong ito. Babaeng tutupad at magpapatunay sa salitang "forever". Babaeng mamahalin ako at mamahalin ko habangbuhay.

Mahina akong napatawa. Imposible namang mangyari iyon dahil mukhang lahat yata ng mga babae sa mundo ay nakatakdang mamatay sa pamamagitan ko. Lahat ng mga babaeng magaganda ay naaakit ako. Kapag naakit nila ako ay awtomatikong maiuuwi ko sila sa bahay. At kapag naiuwi ko na sila ay aangkinin ko ang kanilang katawan at saka walang-awang papatayin.

Kaya ang tanong ko sa sarili ko ngayon ay, "Dapat pa bang mabuhay ang tulad ko sa mundo?"

We all know that I don't deserve to live and experience life. Maski sabihin natin na ang buhay ay hindi laging masaya, na may halo itong lungkot, pighati, galit at pagdurusa, hindi ko pa rin deserve na mabuhay. Sa tingin ko nga ay kapag nalaman ito nang publiko, hindi sila magdadalawang-isip na gawin rin sa akin ang ginawa ko sa mga kaawa-awang babae na hindi naman deserve ang mamatay nang dahil lang sa akin.

Malakas ang tugtog nang dumating ako rito. Ngunit ngayon ay halos wala akong marinig. Ang sakit-sakit isipin na ang taong pinalaking mabuti ng kanyang yumaong ama ay matagal ng kriminal.

Nagkalat na ang mga bote ng beer sa mesang nasa harapan ko. Mag-iisang case na ang nainom ko pero parang hindi pa rin ako natatamaan. Hindi pa rin ako nalalasing.

Napadako ang tingin ko sa mga taong sumasayaw na tinatamaan ng malilikot na disco lights. Maraming babaeng nagsasayawan. Halos lahat sila ay magaganda at seksi sa paningin ko. Hindi naman ako lasing at wala namang diperensiya ang mga mata ko kaya totoong mga magaganda at seksing babae ang nasa harapan ko ngayon. Nagkukumpulan sila at masayang nagsasayawan sa isang dance music.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa direksyon ng dancefloor at tumayo na para umuwi. Kailangan ko pang magbasa ng mga application letters bukas sa opisina ko. Nangangailangan pa ang kompanya ko ng magagaling na authors.

Paglabas ko ng bar ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot ito nang mabilis.

Akala ko ay mamamatay na ako pero dumating ako sa tapat ng bahay ko na ligtas at buong-buo. God really blessed my way.

Tinungo ko ang kwarto ko at agad na sumalampak sa kama ko. Sa tuwing humihiga ako rito ay naaalala ko sa isipan ko ang mga kalunos-lunos na sinapit ng mga babaeng dinala ko rito na dapat ay masaya pa ring nabubuhay sa mundong ito.

Tumingin ako sa kisame at nang ipikit ko ang aking mga mata, agad akong nakatulog nang lumuluha.

Masakit ang ulo ko nang magising ako sa umaga. Sanay na naman ako sa hangover. Suot ko pa rin ang white long sleeves na nakatupi hanggang siko ko. Nanlalagkit ako kaya naisipan kong maligo muna bago magluto ng almusal na kakainin ko.

Bago ako pumasok sa banyo, nagsalin muna ako ng malamig na tubig sa isang malaking baso at nilagok ito nang mabilisan. Nagsalin ulit ako at mabilisang ininom. Nakakauhaw talaga ang hangover.

Sampung minuto lang akong naligo. Mabilisang shower lang dahil kailangan ko pang magluto.

Pumunta na ako sa kusina at pinainit ang non-stick pan. Naglagay ako ng kaunting cooking oil sa pan at sabay-sabay na ipinirito ang isang itlog at ilang strips ng bacon. Nang maluto ang mga ito ay nagluto na ako agad ng kanin sa rice cooker.

Ako ang gumagawa lahat ng gawaing bahay dito sa bahay ko. Never akong kumuha ng maid nang magbinata ako. I learned to live independently. Bukod sa ayaw kong malaman ng kahit na sino ang sikreto ko, baka mapatulan ko pa 'yong magiging maid ko at isa rin siya sa mga maging biktima ko.

Nagmadali akong kumain. Pagkatapos mag-almusal ay inayos ko muna ang sarili ko bago pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa opisina.

Magiliw akong binati ng mga staff sa loob ng building kung saan matatagpuan ang opisina ko. Ano pa bang pangalan ng building na ito? J Writings.

Kada may babati sa akin ng "good morning, Sir" ay gagantihan ko sila ng ngiti.

Ang personal assistant ko dapat ang magbabasa ng application letters pero nagpresinta akong ako ang gagawa. Hinayaan ko muna siyang magbakasyon ng isang linggo. Alam ko rin ang hirap ng pagiging isang PA dahil araw-araw niyang inaayos ang planner ko including my meeting schedules at marami siyang inaasikasong mga ipinag-uutos ko araw-araw. Kulang na lang ay hatiin na niya ang sarili niya. Siya rin ang nakatoka sa ibang mga paperworks. Pero ngayong linggong ito ay ako ang mag-aasikaso sa lahat ng paperworks na naka-assign sa kanya.

Sinimulan ko na ang pagbabasa ng mga application letters na naka-staple sa likod ng biodata ng mga applicants. Na-amaze ako sa kanilang educational backgrounds, personal experiences nila especially being an amateur or skilled author, kwento ng kanilang buhay at ang pangarap nilang maging author dito sa J Writings.

I approved all of the 77 application letters on my table. Kapag na-approve na kasi ang isang application letter, automatic na may scheduled interview na ang applicant. Tatawagan na lang sila ng PA ko for the incoming interview with the personnel who act as critics for this company at kapag napasa nila ang criteria na ginawa ko, ganap na silang author dito sa J Writings.

Pero may isang application letter ang nakaagaw ng atensiyon ko. Kumpara sa karamihan na may masayang pamilya, siya ay naninirahan kasama ang kanyang ama at nasa malayong lugar naman ang daw ang kanyang ina kasama ang kapatid niya at hindi niya alam kung saan ito. 3 years na ring divorced ang mga magulang niya. She wants to work here in J Writings para makapagsulat ng mga books with stories na mag-i-inspire sa mga tao about painful reality. Na kahit masakit mabuhay sa reyalidad, patuloy mo pa ring mahahanap ang tunay na kaligayahan just by being faithful to God. Na masarap mabuhay kahit may pighati. That you can still smile under the pouring rain. Because in the end, we will all have our own happy endings. We just have to wait for it.

Agad kong binasa ang pangalan ng applicant.

Cole, Regina Sales.

Tumingin ako sa picture niya na naka-attach sa upper right corner ng biodata niya.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nang makita ko ang mala-anghel na mukha niya sa maliit na picture, I just know in myself that I'll get to know her more.

Jose Rizal (KILATASKIBAS) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon