Chapter 6

18 0 0
                                    

Somehow I felt relieved when I saw that girl with an angel face in the picture. Sa picture ko lang siya unang nakita kanina pero halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti.

This is so weird of me. Hindi ako palangiting tao. Kay Teodoro lang ako nakakangiti at nakakatawa nang maayos.

Kung ang mga babaeng magaganda at seksi naman ang pag-uusapan, I don't really smile at them. I just flash a grin, not a smile. Ibang-iba ang ngisi sa ngiti.

Paano pa kaya kapag nakita ko na siya sa personal? Ano na lang kaya ang mararamdaman ko? I don't know. And I don't know what to say when I get to see her. May contact number naman siya rito sa biodata niya kaya pwede ko siyang tawagan for a scheduled interview.

Damn. I've never been like this in my entire life. I never imagined that I would be like this. Usually kapag nakakakita ako ng magandang babae, matinding pagnanasa ang nararamdaman ko. Pero ngayon, hindi siya pagnanasa. It's too different. And it's so weird but… I kind of like it.

Tumayo ako at humarap sa glass wall na nasa likod ko lang. Tanaw na tanaw ang buong siyudad mula dito sa kinatatayuan ko. Nakikita ko ang mga mabilis na pagdaan ng mga sasakyan sa baba. Kasingbilis ng pagtibok ng puso ko ngayon. Nakakainis. Bakit ba ako nagkakaganito? Picture lang naman ang nakita ko.

But I admit, I'm starting to get curious about her. I think it would be nice if I get close to her. And I'm getting that scheduled interview as an opportunity.

Naisipan kong tatawagan ko siya mamaya to officially inform her that her scheduled interview will be tomorrow morning.

Tirik na tirik ang araw sa labas. I looked at my wrist watch. It's lunch time.

Hindi pa naman ako gaanong nagugutom kaya nagpa-deliver na lang ako ng fried chicken with rice at cheeseburger. Kaya ko namang maghintay unless talagang gutom na ang mga bulate ko sa tiyan. Haha.

After almost half an hour, dumating na rin ang pina-order ko. Cash-on-delivery ang inorder ko. Inabutan ko ang lalaking nag-deliver ng one-thousand peso bill at agad na sinabing, "Keep the change."

Nagpasalamat naman siya sa akin at agad na lumabas ng office ko.

Habang kumakain, hindi ko maiwasang tignan ang picture ni Regina na naka-attach sa biodata niya.

She really has a face of an angel. Napakaganda nito at napakaamo. Maputi rin siya at mahahalata mo sa mukha niya na may dugo siyang foreigner.

Cole, Regina Sales.

She must be half-Filipino and half-American.

Hindi ko na naman napigilan ang ngiti ko sa mga oras na ito. Hindi ko matapos-tapos ang pagkain ko kahit na hindi naman karamihan 'yong pagkain na inorder ko.

Isinilid ko na lang sa folder 'yong biodata at 'yong application letter niya.

Pagkatapos kumain, naglakad-lakad ako sa loob ng office ko para magpababa ng kinain. Wala naman na akong gagawin dahil naaprubahan ko na lahat ng application letters. Interview na lang ang kulang at awtomatiko na silang matatanggap, masunod man nila ang criteria o hindi. Sapat na ang effort nilang mag-submit ng application letter para patunayang nararapat silang maging author ng J Writings at makapag-publish rito ng kanilang sariling akda.

Kung may mga matatanggap akong reklamo tungkol sa masamang attitude o behavior ng mga newly-hired applicants mula sa mga personnel dito sa building, hindi ako magdadalawang-isip na tanggalin sila rito.

I think hindi naman gano'n si Regina. Regie or Gina. Whatever. But I want to call her Gina. Gina Cole. Hahaha. Bakit parang iba ang naiisip ko? I must be out of my mind right now. I need to wake up.

Sinusuntok-suntok ko pa nang mahina ang mukha ko dahil baka naman nananaginip lang ako. Nasaktan pa rin ako kaya hindi ako nananaginip.

I picked up my phone from the table at agad na nag-log-in sa Facebook. Nagbabakasakali akong may Facebook account siya nang ma-i-add ko siya agad.

Fudge. What am I even doing? What am I even thinking? Nawi-wirduhan na talaga ako sa sarili ko.

Bahala na nga. I'll do whatever I want. And no one can stop me. Pati nga pag-angkin at pagpatay sa mga inosenteng buhay ng mga babae, walang nakapigil sa akin. Dito pa kaya sa pag-stalk ko sa kanya?

Haha. I can't believe that I'm being a stalker right now. José Rizal? Owner slash CEO ng J Writings Publishing Company and J Diaries, stalker na ng isang babaeng nag-a-apply sa kompanya niya? I really can't believe this.

Is this what they call "like at first sight"? I think it is. Kahit sabihin pa nating sa maliit na picture ko lang unang nasilayan ang kanyang mala-anghel na mukha.

Nang naka-log-in na ako sa Facebook app ko, I immediately searched for Regina Cole but I ended up choosing the Facebook user named Regina Sales Cole.

Nang makita ko ang profile picture niya, hindi na ako nagulat. This is her. This is really her.

I saw that she has 769 friends samantalang ako, 5,000 friends na. I already reached the limit. Siguro kailangan ko nang mag-unfriend ng kahit 100 lang.

It took me fifteen minutes to unfriend 100 people in my friend's list.

Nang makita kong 4,900 na lang ang friends ko, I went back to her profile. Do I really need to hit "Add Friend"?

Napagpasyahan kong huwag na muna. Saka na lang siguro. Hindi ko pa nga siya nakikita sa personal e. Baka isipin pa niyang stalker niya ako. Haha. Totoo nga. Stalker ako ni Gina.

Umupo ulit ako sa upuan ko at kinuha sa folder 'yong biodata niya.

Dali-dali akong nag-type ng contact number niya sa phone ko at agad na pinindot ang dial button.

Limang ring ang narinig ko bago niya nagawang sagutin ang tawag ko.

"Hello? Who's this?"

I became speechless. I don't have the words to say. Bakit ako ganito?

Pakiramdam ko kasi ay nakarinig ako ng boses ng isang anghel.

Tumikhim ako at agad na nagsalita. I should sound professional. Hindi ko maaaring ipahalata na nagugustuhan ko siya. You know, malakas rin ang pakiramdam ng mga kababaihan. Well, that's what they say.

"This is José Rizal, CEO of J Writings Publishing Company. Miss Cole, I want to inform you that your scheduled interview will be tomorrow morning. 9 AM sharp."

Narinig kong natahimik siya ng ilang segundo bago magsalita. Hindi siguro inaasahan ang pagtawag ko. Ang akala niya siguro ay ang personal assistant ko ang tatawag sa kanya.

"Okay po. Thanks po. Pupunta po ako bukas." Sabi niya at agad kong pinutol ang tawag.

Hay, heavenly sound. Sounds like a voice of an angel.

I can't wait to see you tomorrow, Gina.

Jose Rizal (KILATASKIBAS) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon