Chapter 9

16 0 0
                                    

Tatlong buwan akong nanligaw at pagkatapos noon ay sinagot niya na ako. I was the happiest man in the whole wide world that time.

Noong inamin ko sa kanya sa seaside ang totoo kong nararamdaman, hindi agad siya nakapagsalita at nakapag-react. Parang pina-process pa ng utak niya ang rebelasyon kong 'yon sa kanya.

Mas nagulat ako sa sinabi niyang, "José, matagal na kitang gusto kaya hindi rin malabong mahalin kita eventually."

Niyakap ko siya nang pagkahigpit-higpit noon habang unti-unti nang kumakagat ang dilim. May mga ilaw naman na nakasabit sa mga pine trees sa area namin that time kaya maliwanag pa rin ang paligid. May mga tao rin sa seaside at mga taong naligo't nagtampisaw sa malamig na tubig ng dagat.

Labis na kaligayahan ang naramdaman ko that time. It was unexplainable. It was indescribable. That was the first time that I went madly crazy in love with a young woman named Gina Cole.

Personal akong pumunta sa bahay nila para umakyat ng ligaw. Mabuti naman at mabait ang kanyang tatay dahil walang pag-aatubiling pumayag naman siya sa gusto ko. Naalala ko tuloy sa kanya si Papa ko na kung nabubuhay pa hanggang ngayon, tiyak kong magkakasundo sila dahil hindi nagkakalayo ang pag-uugali nilang dalawa.

Isa palang Amerikano ang tatay ni Gina. Ang pangalan niya ay Robert Cole. Nagulat nga ako nang matuklasan kong mahusay siyang managalog kahit na may halong American accent pa din ang pananalita niya.

Araw-araw ay dinadalhan ko ng flowers at chocolates si Gina sa bahay nila o sa opisina nila. Kapag gagawin ko 'yon ay kakantiyawan siya ng mga officemates niya at tutuksuhin siyang sagutin na daw agad ako.

Handa akong ibigay ang lahat sa kanya. Gano'n ko siya kamahal. Kahit nga hindi ko na siya pagtrabahuhin, gagawin ko pero naisip ko pa rin na passion niya talaga ang pagiging author. Hindi ko pwedeng ipagkait 'yon sa kanya.

Marami na rin siyang nai-publish na mga sariling gawa niya. I'm so very proud of her. Hanggang sa I decided na gawin siyang president ng non-fiction department dahil nag-retire na ang dating presidente nito.

Nakabili na nga ako ng wedding ring ngayon at plano kong magpatayo ng sarili naming bahay sa isang malawak na lote na nabili ko sa Makati.

Ayaw ko na siyang pakawalan pa. Ayaw kong makawala siya sa akin kaya nag-iipon lang ako ng lakas ng loob para mag-propose sa kanya. Ewan ko ba. Isang taon na kaming mag-on pero naduduwag pa din ako pagdating sa kanya.

Kung tinatanong niyo naman ang sakit kong CPPD, umaatake pa rin ito lalo na kapag nakakakita ako ng maganda at seksing babae pero labis na pagpipigil ang ginagawa ko dahil alam kong may girlfriend ako at ayaw ko siyang pagtaksilan. Ayaw kong gumawa ng mga bagay na alam kong makakasakit sa kanya.

At kung tinatanong niyo naman kung alam na ba ni Gina ang kakaibang sakit kong 'to, ang sagot ko ay hindi pa. Magpahanggang-ngayon ay wala pa ring nakakaalam tungkol sa CPPD ko. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanya. Natatakot akong baka bigla niya akong kamuhian at iwanan. Ayaw ko namang mangyari 'yon kaya as much as possible, I'll keep this as a secret for now. Alam kong walang lihim na hindi nabubunyag. Darating din ang araw na malalaman ng lahat ang kakaibang sakit kong ito. Pero hindi muna ngayon. May mga bagay muna akong dapat gawin bago nila malaman ang katotohanan para maging maayos ang lahat.

At sisimulan ko rito sa pagpo-propose sa kanya.

I called my personal assistant and I told her to organize an event at the event center of J Writings building. Alam na niya kung anong klaseng event ang tinutukoy ko dahil siya ang kinukonsulta ko sa mga paghahandang ginagawa ko para maging maayos ang proposal ko sa kanya.

Kung tatanungin niyo kung nasaan na ang bestfriend kong si Teodoro, isa't kalahating taon na siyang wala rito sa siyudad. Nasa probinsiya siya ngayon at patuloy na pinapatakbo ang electrical shop na nabili niya sa isang electrician na dating nagmamay-ari nito doon.

Kaya hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kilala kung sino ang babaeng mahal ko. Makikilala niya rin si Gina kapag nagkita ulit kami. Ang alam ko talaga, busy siya doon. At doon na sila nakatira ng mga magulang at dalawang nakababatang kapatid niya.

Don't worry, my bestfriend. Ikaw ang gagawin kong best man sa kasal ko sooner or later. Kailangan ko na munang mag-propose sa babaeng pag-aalayan ko ng buong puso't kaluluwa ko para may panghawakan ako sa mga araw na wala ako sa tabi niya.

Planado ang lahat.

Pinlano kong mag-propose sa kanya ngayon dahil finally, nakapag-konsulta na ako sa isang dalubhasang psychiatrist. Sinabi niyang sa London ay may mga experimental therapies na proven na makakatulong sa unti-unti kong paggaling kaya napagpasyahan kong ayusin na ang lahat.

Pagkatapos kong mag-propose sa kanya ay aalis na ako patungong London. Hindi na ako personal na magpapaalam sa kanya. Mag-iiwan na lang ako ng sulat. Matagal ko na ring naipahayag sa sulat na 'yon ang lahat-lahat ng mga rebelasyong itinago ko sa matagal na panahon at ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.

Pagkatapos kong magpagaling sa London ay babalik ako rito sa Pilipinas para panagutan ang lahat ng mga kasalanan ko bago ko siya pakasalan dahil hindi ko kayang pakasalan si Gina nang may bitbit pang mabigat na bagahe mula sa nakaraan.

Kung kinakailangang pagdusahan ko ang mga kasalanan ko sa kulungan, gagawin ko para hindi na ako kailanman usigin pa ng konsensiya ko.

Mahirap itong gagawin ko para sa aming dalawa pero kailangan ko 'tong gawin. Kailangan kong ayusin ang sarili ko para maging deserving ako na maging asawa ni Gina. Ngayong may pag-asa na para maitama at maituwid ko lahat ng pagkakamali at pagkakasala ko, hindi ko ito pakakawalan at susunggaban ko na ito. Gano'n ko siya kamahal.

I am more than willing to do everything just to be worthy of her tears of joy kapag nasa harap na kami ng altar. Hindi ko maiwasang mapangiti kahit na parang pinipiga ang puso ko dahil iiwan ko ang taong pinakamamahal ko. Labag man sa kalooban ko pero ito ang nararapat kong gawin.

Kinabukasan nga ay naganap na ang araw na pinakahihintay ko. Hindi ko lang pala hihingin sa kanya nang isang beses ang kanyang matamis na oo kung hindi sa pangalawa pang pagkakataon.

Kahit na sa event center ginanap ang proposal ko sa kanya, hindi ako tinigilan ng kaba ko. Inisip ko kasi na baka tanggihan niya ako. Ngunit paano naman niya tatanggihan ang tulad ko na bukod sa mahal na mahal ko siya at mahal na mahal niya ako ay mayaman, gwapo at ubod pa ng yummy ang isang gaya ko? Tatanggihan mo pa ba ang isang tulad ko?

Nang makita ko siyang maluha at tumango habang nakaluhod ako sa harapan niya, ako na naman ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo for the second time.

Naiyak na rin ako sa labis na tuwa at labis na sakit dahil iiwan ko itong babaeng pinakamamahal ko. Sana hindi siya magsawang mahalin ako kahit na mawawala ako sa tabi niya.

Hinalikan ko na lang siya sa labi.

Jose Rizal (KILATASKIBAS) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon