2 years later…
As I've promised, umuwi na nga ako ng Pilipinas. Dalawang taon akong nagtiis sa London para masabi ko sa sarili kong deserve na akong maging asawa para kay Gina. Magaling na ako. Wala na akong sakit na CPPD. Malaya na akong titingin sa mga magaganda't seksing babae na walang nararamdamang matinding pagnanasa. Mahirap ang therapies na isinagawa sa akin pero iniisip ko na lang sa araw-araw na this is for her, for us, for our love and for my clean conscience.
Kinontak ko si Teodoro through Messenger at nag-video-call kami. Sinabi ko ang lahat-lahat sa kanya at humingi ng tawad dahil pinaglihiman ko siya kahit na siya ang pinakamatalik kong kaibigan.
Sinabi kong siya ang susundo sa akin sa airport.
Akala ko mag-isa lang siya.
Kaya gano'n na lang ang pagkagimbal ko nang makita kong nakatayo sa harap ko ang pinakamatalik kong kaibigan habang nakaakbay sa pinakamamahal kong babae na ngayon ay malaki na ang umbok ng tiyan dahil buntis ito.
Totoo ba itong nakikita ko?
Hindi ba ito panaginip?
Bakit parang ibang tao na siya?
Bakit siya buntis?
Bakit sa bestfriend ko pa?
Paano sila nagkakilala?
Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ko ngayon.
Siya ba talaga itong nakikita ko?
Bakit blonde na ang buhok niya at hindi na siya maputing-maputi?
Parang kagagaling lang niya sa pagbibilad sa ilalim ng araw.
Kung kanina ay nakangiti ako, ngayon ay naluluha na ako.
Paanong naging ganito ang lahat?
Hila-hila ko pa rin ang maleta ko at mabilis na lumapit sa kanilang dalawa.
"Kailan pa kayo nagkakilala, Teo? Hindi mo man lang sinabi sa akin, ah?" Sarkastikong bungad ko sa kanya.
"Teka, brad. Ano bang pinagsasabi mo? Ganyan ba talaga ang tamang pambungad mo sa bestfriend mo? Miss na miss na kaya kita." Naguguluhan niyang sabi saka akmang yayakapin ako pero pinigilan ko siya.
"Stop! Bakit kasama mo ang fiancée ko?" Galit kong tanong sa kanya.
Tumingin ako sa babaeng katabi niya. Blonde na talaga ang buhok niya at bronze na ang kulay ng balat niya na dating maputi. Halata ring buntis ito.
Tumingin rin siya sa akin at pinapahiwatig niya sa mga tingin niya na naguguluhan rin siya. Parang hindi na niya ako kilala. Mahal Ko, nakalimutan mo na ba ako?
Naluluha na ako ngayon pero nagulat ako nang may magsalita mula sa likuran nina Teodoro.
"Lena! Teo! Ito na 'yong pinabili niyong bottled water, oh. Pasensiya na at natagalan ako. Madami rin kasing bumibili."
That voice. I missed that voice.
Tinignan ko ang tao na iyon mula sa likuran nina Teo at tumulo na lang ang luha ko nang mapagtanto kong siya nga si Gina at hindi itong babaeng nasa harapan ko.
Maputi pa rin siya at nananatiling maamo ang mala-anghel nitong mukha.
Agad naman siyang nagsalita nang makita ako. Naiiyak na rin siya.
"Mahal Ko?"
Wala na akong sinayang pa na pagkakataon. Tumakbo na ako papunta sa direksyon niya at niyakap siya nang mahigpit. God. I missed her. I missed her face. I missed her voice. I missed her scent. I missed her dark hair. I missed everything about her.
"Mahal Ko, nandito na ako." Tugon ko naman habang patuloy na umaagos ang luha mula sa mga mata ko.
Kumain kaming apat sa paborito kong fast food chain.
Humingi ako ng tawad kay Teodoro lalo na sa asawa nitong si Milena. Akala ko kasi ay siya si Mahal Ko. Magkamukhang-magkamukha kasi sila. Huli na nang malaman kong kambal pala sila at ito ang tinutukoy noon ni Gina sa application letter niya na kapatid niyang nasa puder ng kanyang ina at malayong-malayo sa kanila ng kanyang ama.
Kaka-kuwento rin kasi sa akin ni Teo na si Milena ang babaeng kinuwento niya sa akin noon na ipinagpalit siya sa ibang lalaki pero ang totoo, ang nanay nilang dalawa ni Gina ang naging hadlang sa pag-iibigan nila. Ayaw raw kasi ng nanay nila para kay Milena si Teo dahil hindi naman ito mayaman at hindi siya makakayang buhayin. Dahil hindi kayang sumuway ni Lena sa kanyang ina, pinalabas na lang niya na may bago na siyang mahal kaya niya tinanggihan ang alok na kasal ng bestfriend ko.
Isang taon na ang nakalipas nang mamatay ang ina nila dahil inatake sa puso. At dahil doon, nagkaroon ng lakas ng loob si Milena na ipaglaban ang pagmamahalan nila ni Teo.
Anim na buwang buntis na rin ang asawa ni Teo sa kanilang magiging unang anak. Masaya ako para sa kanila.
Masaya rin ako dahil hindi nagsawang maghintay ng fiancée ko. Ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang pagmamahal niya sa akin.
Pakakasalan ko na siya ngayon bago ako lumantad sa korte sa mga nagawa kong kasalanan noon.
"You may now kiss the bride!"
At nang halikan ko si Gina sa araw na iyon, ako na naman ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo sa pangatlong pagkakataon.
Nagsalita siya.
"I love you forever, Mahal Ko. Sasamahan kita sa saya, lungkot at pighati. Nandito lang ako para sa'yo. Hindi kita iiwan, Jack the Ripper ng Pilipinas. Hahaha!"
I love you too, forever. Mahal Ko.
Damn. I'll never ever get tired of listening to her angelic voice.
Hindi na ulit ako magiging duwag.
Mas magiging matapang na ako.
Dahil may rason na ako para harapin ang lahat-lahat.
And she is… Regina Cole-Rizal.
BINABASA MO ANG
Jose Rizal (KILATASKIBAS) ✔
RomanceJose Rizal is a publishing company and bookstores owner. Mayroon siyang kakaibang sakit na pinili niyang itago sa lahat just to avoid them from leaving him dahil maaari siyang kamuhian ng kahit na sino. Nang dumating si Regina Cole sa kompanya niya...