Unexpected 21

9.5K 333 6
                                    

Chapter #21: (Continuation)

Cindy: Pauwi na kami ni Chan.

Tyron: sige hatid ko na kayo, punta na kayo sa parking lot.

Huling linya na sinabi ni Tyron at nag end na ang call.

Dumeretso na agad kami ni Cindy sa parking lot .

Nakita ko ang kotseng pula ni Gino, at kita ko din sya sa loob! pero san sya pupunta.

"Hayaan mo na sya kaya ka nagkakaproblema dahil sa lalaking yan eh" paliwanag ni Cindy.

Tinignan ko nalang sya at tumango, tama sya lalayuan ko na talaga si Gino.

"Channel, ayos kalang?" bungad sakin ni Tyron at iniharap sa kanya, habang hawak sa dalawang balikat.

Tumango nalang ako ng bigla nyakong yakapin.

Ramdam ko ang bilis ng heartbeat nya sa chest nya.

"Tara na iuuwi na kita" sabi nya at hinila nako pakotse nya, si Cindy sumunod nalang.

Habang nasa byahe pauwi may agaw pansin ang nagpapansin sa akin, malayo palang ay tinitignan ko na sila, habang lumalapit, dun ko nakumpirmang sina Gino yun, grupo nina Gino na nakatambay sa may isang madilim na sulok na tila may inaabangan.

"Tyron" bulong ko sabay tapik sa balikat nya, nasa backseat kasi ako.

Agad naman syang napahinto.

"May problema ba Channel/Chan?" sabay na tanong nila sa akin.

Tinignan ko si Cindy bago si Tyron na nakatingin sa front mirror bago nagsalita.

"S-sina G-gino" nauutal kong sagot.

"Nasan?" curious na tanong ni Cindy sabay naglinga sa labas.

Tumingin naman ako sa gawi nila na ___ na paalis na.

"Ayun sila, sundan mo Tyron" sagot ko sabay turo sa van na paalis na.

Asan ang kotse ni Gino kanina yun lang ang gamit nya eh, tsaka bakit sila sama sama? saan ba sila pupunta?

"Bakit pa ba natin sila sinusundan?" tanong ni Cindy na nagrolled eyes pa sa salamin.

Tinignan ko si Tyron mula ulit sa front mirror na tila di maintindihan ang expression ng mukha. Alam kong napipilitan lang sya dahil hindi sya umiimik, sorry Tyron hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanila .

Gino's Pov:

Tumigil muna kami sa may eskinita para hintayin ang lugar na ibibigay ng kalaban. Ilang minuto ang lumipas at nakatanggap na kami ng sagot sa kanila. Agad naman kaming nagsakayan sa van at pinaandar papunta dun.

Medyo mahigpit ang makakalaban namin ngayon, isang malakas na grupo din, lalo na't wala akong ensayo netong mga nakaraan.

Makalipas ang ilang minuto sa byahe andito na kami sa napakadilim na lugar, medyo ma puno dito kita ko naman silang andun na parang handang handa na.

Hindi dapat kami magpadalos dalos dahil hindi namin alam kung anong pwedeng magawa ng mga ito, pero ganito naman talaga kami palagi minsan pa may mga dalang baril handa naman kami para sa ganon.

Channel's Pov:

Nakaramdam ako ng sobrang takot ng sumuong sa napakadilim na gubat sina Gino.

Tumigil muna kami kasi baka mapansin na nilang may sumusunod sa kanila, ng makalayo layo na sila agad na pinaandar ulit ni Tyron ang sasakyan.

"Mag iingat kayo may gang war sila" mahinang sabi ni Tyron.

Unexpected Love Story (BOOK1-COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon