As we entered the mansion, si Marianna agad ang bungad sa sala. She's crossing her arms, as she raised her brows to me. Hindi ako nagpatinag, I return to her the stare she's giving me. No fvcking person can scare me from now on. Even Gabby. Kung hindi lang ako naawa sa halimaw na yun hinding hindi na ako babalik sa mansion na ito. And if I'll be trapped in this place forever, then all I can do is to be brave. Fragile and weak can't live in this place.
"Tumakas ka?" she said as she walked towards me, without breaking our eye contact
"If you're innocently jailed,then what are you gonna do?" Nakangisi kong tanong at nilagpasan siya "Of course, you'll find your way to escape. In short. Tumakas ako" pagpapatuloy ko at huminto sa paglalakad at hinarap siya.
Nasa pintuan lang si Gabby at tila nakikiramdam saamin. Napansin niyang nasa kanya ang mga mata ko, kaya napaangat siya ng tingin.
'Kung hindi lang dahil sayo. Kung hindi lang ako naaawa sayo. Edi sana nasa ligtas na lugar na ako. Nakakapagtaka at hindi ko hinayaang saktan ka nila, at hinayaan ko lang na maiwan dito sa lugar na kung saan kayang kaya niyo akong saktan'
Kausap ko sa kanya gamit ang isip, na mistulang kaya naming mag-usap gamit lamang ang aming mga utak at mata.
Tinalikuran ko na sila at umakyat na ako sa spiral staircase, tulad ng nakasanayan madilim padin ang pasilyo ng bahay. Kahit may mga torch na nakasabit sa pader, hindi yun sapat para sobrang magliwanag ang paligid.
Muntik na akong mapa-iktad nang makita si Marco na nakatingin saakin, nakatayo siya sa labas ng pintuan ng kanyang silid. May benda siya sa braso at nang mapansin niyang doon ako nakatingin, bigla niya itong tinago sa likuran niya.
"Sittieah, buti at bumalik ka na" sabi niya sabay ngiti. Don't fool me you stupid.
Hindi ko siya pinansin at nilagpasan ko na lamang siya. Wala akong oras sa mga taong hindi naman talaga ako tanggap.
Naabutan kong bukas ang kwarto ko, kitang kita ko kung gaano nagkalat ang mga gamit dun, yung mga libro ay tila hinagis kung kaya nagkalat ito sa sahig. Who did this?
Tahimik akong pumasok at sinara ang pintuan, I was about to press the lock on the door knob, kaso napansin kong nasira ito. Paulit ulit kong sinubakang pindutin yung lock, kaso ayaw talaga. Sinong sumira ng pintuan ko? At bakit ang kalat nito.
Iniwan ko itong malinis tapos ganito ang babalikan ko? Ni nabawasan na nga ang mga gamit dito dahil dinala ko yun noong magtangka akong tumakas. Tapos ito pa bubungad saakin?
Hinila ko ang maliit na mesa na nasa tabi ng higaan ko at nilagay sa likod ng pinto, upang magsilbing lock.
Umupo ako sa gilid ng kama at nilibot ang mata sa paligid, sobrang gulo. Pero mas magulo parin ang buhay ko kumpara dito.
Ilang minuto lang akong nakaupo at sinuri ang paligid, bago ko naisipang magligpit.Buti nalang kamo hindi ko dinala lahat ng damit ko noong umalis ako, kundi ewan ko nalang kung ano ang susuotin ko ngayon. Bakit naman kasi nakalimutan kong dalhin yung bag ko ng bumaba ako sa truck nila Raymond.
Talking about Raymond, how are they? Okay na kaya sila? Tuluyan na kaya silang nakalayo sa lugar na ito? I hope that they'll be able to live their lives to the fullest.
Pinulot ko na ang mga libro na nagkalat at binalik yun sa shelf. Halos tungkol sa science yung mga libro na andito. Marahil kay Uncle Jereth ito. May napansin akong pulang libro na tila isang leather ang balot nito. Siya lang ang natatanging ganito ang pabalat. At kataka-takang nasa pinakasulok ito ng shelf.
Naglakad ako para kunin ang kakaibang libro. Akmang kukunin ko na ito nang biglang may kumatok kaya napalingon ako sa pintuan kong may harang na maliit na mesa.
Nanatili lamang akong nakatayo sa pwesto ko at tinignan lang ang pintuan. Patuloy padin sa pagkatok ang kung sinumang nasa labas.
"Sino yan?" tanong ko at dahan dahang naglakad papunta sa pinto.
"Gabby" yun lamang ang binanggit niya bago natigil ang katok.
Inusog ko ang maliit na mesa at pinagbuksan siya, may dala siyang tray na may nakapatong na maliit na lampara at pagkain.
"Kumain ka muna" sabi niya sabay tingin sa tray na dala.
"Busog ako. Salamat nalang" sabi ko at akmang isasara na ang pintuan, kaso natigil ako ng biglang tumunog ang tyan ko.
Nakita ko kung paano napatingin si Gabby sa tyan ko tapos napunta sa mukha ko. Kaya bigla akong umiwas ng tingin.
Ang epal naman ng sikmura ko. Eh sa nagugutom na ako, kasi hindi ko naman magawang kumain ng marami sa kanila Raymond, kasi nga hindi maganda ang trato saakin ni Mang Raul. Nakakahiya naman sa kanya.
Walang sabi sabing pumasok si Gabby sa kwarto ko at nilagpasan pa ako. Napahinga na lamang ako ng malalim at napairap sa hangin sabay sara ng pintuan.
"Bakit nasira 'to? At bakit ang kalat ng kwarto?" I asked as I crossed my arms.
Umiwas siya ng tingin at inabala ang sarili sa pag-aayos ng makakain. Halatang iniiwasan niya ang tanong ko, kasi kahit tapos na siya sa pag-aayos ay inaabala parin niya ang sarili na parang hindi niya ako naririnig ni hindi nga niya ako tinatapunan ng tingin.
"Ang sabi ko, bakit nasira 'tong lock ng pinto and bakit ang kalat dito?" I furrowed my right brow and still nakacrossed arms padin.
"Nagugutom ka na, you should eat" sabi niya at nilagay na ang kutsara na mula sa tray papunta sa plato ko.
"Sasagutin mo ako, o papalabasin kita sa kwarto na pag-aari niyo mismo" seryoso ko nang sabi kaya tuluyan na niya akong tinignan.
"I did all of these" sabi niya sabay baba ng tingin
"At bakit?" Tanong ko at nag-umpisa nang humakbang papunta sa kanya
"Because I kept on knocking, pero hindi ka sumasagot. Kaya napilitan akong sirain yan" sabi niya, I twitch my lips and raise a brow again.
"And how will you explain all of these mess?" tanong ko sabay linga ng tingin sa paligid na plano ko sanang linisin kung hindi lang siya kumatok para pumasok.
"Well, it's because when I opened the door, you were nowhere to be found" sabi niya sabay angat ng kutsara at tinapat sa bunganga ko, tatanggihan ko sana kasi kaya ko naman kumain mag-isa, ang kaso nagulat naman ako sa pagsalubong ng mga kilay niya
"Bakit? Mahahanap mo ba ako sa mga libro? At doon mo tinuon ang atensyon mo?" Tanong kong muli sabay tingin sa ibang libro na nagkalat na hindi ko pa naibabalik sa shelf, and after asking that tinanggap ko na ang alok niyang subo.
"No. Sa inis kong wala man lang Sittieah Reese na sumalubong saakin, na paulit ulit kong tinawag, at pagsilip ko pa sa bintana nakita ko ang dahilan kong bakit siya nawawala, umusbong ang galit ko, sapagkat napagtanto kong iniwan mo ako" mataman niyang sabi, halos hindi ko malunok ang sinubo niya, napaiwas pa ako ng tingin sabay mahinhing nginuya ang pagkain.
Shet. Very shet.
BINABASA MO ANG
Living with the Beast
FantasyRankings: #461 in Fantasy #857 in Fantasy Namatay ang magulang ko sa aksidente. Ulila. Walang matirahan. Walang kanlungan. Kinupkop ako ng kaibigan ni papa. He's a scientist. He invented such formulas. He turned he's son into a beast.And now, I'm l...