Chapter # 12
Matapos Maggayak ng gamit ni mae ay kinuha nito ang susi ng bahay para maisarado na ang mga pinto.
Minute...
Pagkalabas ni mae ay agad nitong sinarado ang pinto saba'y lock..nabigla ito nang may kamay na humawak sa kanyang balikat kaya dahan-dahan siyang humarap sa tao na 'yun at pagkaharap niya ay nagpakawala siya ng isang malalim na pagbuntong hininga dahil si jasiel iyon.
"Mae nakikiusap ako sayo huwag kayong sasakay sa eroplano kahit anong mangyari "Nagmamakaawang sabi ni jasiel habang hawak-hawak ang magkabilang braso ni mae
"Bitawan mo ako malelate na ako sa flight namin "sabi ni mae habang pilit tinatanggal ang kamay ni jasiel na nakahawak sa magkabila niyang braso
Napatigil si jasiel saglit dahil nakalimutan niya si francess..
"Tawagan mo si francess sabihin mo na huwag ng tumuloy "sabi ni jasiel kay mae
"Bakit? "tanong ni mae
"Hindi mo ba naiintindihan Kayo na! Kayo na ang susunod! "Pagtataas ng boses na sabi ni jasiel habang si mae naman ay napatulala dahil sa narinig..
"Kaya tawagan muna si francess "mahinahong sabi ni jasiel
"O-okay "sabi ni mae kaya binitawan na ni jasiel ang braso nito at Hinila papunta sa taxi na nakaparada sa harap ng bahay ni mae.
Pagkasakay nila ay agad pinaandar ni manong yung taxi..Habang nasa daan ay tinawagan na ni mae si francess at agad naman niya iyon sinagot..
"Hello?! Mae nasaan ka na? Malelate na tayo sa flight natin pakibilisan nga! "naiinis na sabi ni francess
"F-Francess Ipa-cancel mo nalang yung flight- "sabi ni mae pero agad itong pinutol ni francess
"Ano?! Ano ka ba naman Mae! Kung kailan nandito na ako saka mo ipapacancel?! Alam mo kung ayaw mo? ako nalang aalis mag-isa! "Galit na sabi ni francess
"No! Huwag munang ituloy! T-tayo ang susunod kaya please francess huwag mo ng ituloy! "sabi ni mae na may halong kaba
"No! Tinatakasan ko nga yung kamatayan na yan! Kaya ako aalis ng bansa! Ayokong madamay! "Galit na sabi ni francess
"Francess please kahit anong gawin mo damay ka na Dito! kaya please Huwag mo ng ituloy! "pagtatas ng boses ni Mae
"Kung ayaw mong sumama Edi huwag! "sabi ni francess bago putulin ang linya
Tumulo ang mga luha na nanggagaling sa mata ni mae dahil Baka hindi niya magawang iligtas ito..
"Shhhh Don't Cry! "sabi ni Jasiel habang hinihimas himas ang likod mae
Umiling lang si mae at pinunasan ang mga luha na nanggagaling sa kanyang mata.
"Jasiel H-huli na tayo. hindi na natin siya m-maliligtas "sabi ni mae habang Pinipigilan ang mga luhang pilit lumalabas sa kanyang mata
"Shhh huwag mong sabihin 'yan! Susubukan natin..Susubukan natin siyang iligtas "sabi ni jasiel sabay yakap sa umiiyak na mae para icomfort ito
"P-papano..Papano pag ako na ang susunod? "Tanong ni mae na may halong kaba at takot dahil takot siyang mamatay
"Hindi..Hindi ka mamatay. I promise I will protect you Hanggang nabubuhay pa ako..I promise "
I Promise...
------------------------------------------------------------
Sorry kung mabagal akong mag UD marami kasi akong ginagawa ehh nitong nakaraang araw kaya Sorry ^___^V
Be Ready to Next Chapter...
BINABASA MO ANG
Pattern Of Death [Complete]
Mystère / ThrillerAng story po na ito ay katulad lang din ng sa final destination. Nagkaroon ng vision or premonision si jasiel na magkakaroon ng car accident at kasama ang bus na sinasakyan nila ng kanyang pinsan at tito dun pero nagawan niya ng paraan para makaalis...