" Isa lang naman ang gusto ko ehh. Ang magmahal at mahalin. Di naman masama diba? Ayoko magbago para lang mahalin ako ng taong mahal ko. Maganda ng mahalin ka nya dahil sa totoo ka. Well, Siya? Nasa puso ko na sya? Eh, Siya kaya? Nasa Puso nya kaya ko? Sana ..... "
..
..
..
" Nasan na kaya yung Charles na yun! Usapan 10.30 meeting, para sa groupings, tapos ngayon wala pa? Naknang.. Tsk." Sabi ni Eya habang nangangamot sa ulo.
" Si Charles ba? Nasa Puso ko. Baket? " Sabi ko habang nakaupo sa bench na kinauupuan naminat hawak ang cp ko.
"Wow, ha? Mangangarap ka na lang .. Yung imposible pang mangyare! Wahaha! " - Asarin daw ba ko. Baluga talaga tong bestfriend ko! xD
"Hayaan mo na nga ko. Eto, badtrip ka talaga enuh? Ayaw makisakay? Hahaha" Kinutusan ko siya. Hahaha. Buti di nagalit. xD
"Che! Mangarap ka! "
"Che! Ka rin! " Sabay dila ko sa kanya!
Maya.maya dumating si Charles. OMG. Ang gwapo nya. Bakit kaya? (Wahaha. Araw-araw naman siyang gwapo sa paningin ko eh. xD) Mukang kagigising lang. Red T-shirt tapos nkashort. Ang gwapo talaga! Sh*t! :D Nilapitan ni Eya si Charles ..
"Hoy, Charles, 10:30 usapan ah? 11:00 na? Pano tayo gagawa ng visual naten? Maya maya pasukan na! " - Eto talagang babaeng to. Echusera. Pagalitan daw ba si Charles'ko. (Ko?? xD)
" Sorry, nalate ako ng gising eh." - Nagmamakaawa siya. Oww. Ang cute nya pa rin. :))
"Late daw ng gising? Tsk. Yaan na natin" Pinagtanggol ko na lang si Charles para makagawa na kami.
"Weeh. Palibhasa cru------------------"
"Tara na!" Echusera talaga. Muntik na kami mabuking. Buti natakpan ko bunganga nya! Nyahaha. YUCK! xD Pahamak talaga! Wahahaha! XD
Gumawa na kame ng visual namen ..
At bago ang lahat, papakilala ko muna sarili ko. Ako si Sophia Sanchez. Isang Estudyante, Mataas mangarap, Pilosopo, mahilig magpalibre, pero palakaibigan. Si Eya Joy Ramirez nga pala. Ang bestfriend ko baluga, baliw, at echusera. Pero mahal ako nyan, kahit isang libong beses ko na siyang kinukutusan. Alam nya lahat sakin at alam ko rin lahat sa kanya. May pagkaisip bata din siya, pero masarap kasama. Akalain nyo bang honor student yang babaeng yan? Hahaha. :D . KPOP hilig nyan eh! Kaya kumakanta sya ng iba't ibang kanta ng korean pero di ko alam! Nyahahahaha!
At si Charles Petalver, ang nag-iisa kong minamahal at pinapangarap dito sa paaralang pinag-aaralan ko. (Cornyyyy! :3) Classmate ko din. Gwapo, matangkad at mabait. Pero babaero nga lang. This School year nga daw 2 na naging girlfriend nya eh. Pero puro panandalian lang. Walang nagtatagal, kasi yung mga nagiging girlfriend nya parang sapilitan lang. Parang di nya naman ata type yung mga nagiging gf nya. Haaay. Whatever. Basta ako mahal ko siya! Hahaha. :D
"Hoy! Sophia! Bakit nakatunganga ka lang dyan? Ano toh? Kame gumagawa tapos ikaw, NGANGA? Bastusan, teh?" - Epal talaga tong echuserang babaeng toh! Pahiyain daw ba ko sa harap ni Crush! Ayt! :|
" Tutulong na nga, dba? Diba?" Badtrip tong babaeng toh! HAHAHA! :D
Natapos na din namin ang aming visual, habang NAGKUKWENTUHAN. Siyempre, di mawawala yung kwentuhan pag nandyan talaga yang madaldal kong bestfriend. Echusera nga kasee! xD . At di mawawala ang pagkanta nya ng mga KPOP songs. May favorite line nga sya sa Kinakanta nya eh. Anu ba ibig sabihin neto? -- geondeulimyeon gamdang moshae I’m hot hot hot hot fire dwijib-eojigi jeon-e jebal nuga nal jom mallyeo ? Dumudugo ilong ko dyan eh! xP