“Isang caramel coffee!” rinig kong sigaw ng babae.
“Coming!” sabi ng katrabaho ko.
Nandito ako sa loob at gumagawa ng mga order ng mga costumer.
Mga ilang oras natapos na din ang paghihirap namin. Sobrang daming costumer kanina.
Nandito na ako sa maliit kong apartment.
Napabuga ako ng hininga. Sa totoo lang pagod na ako sa buhay ko. Nagta-trabaho na nga ako pero kulang pa din.
Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Napatingin ako sa guitara ko na regalo saakin ng tatay at nanay ko na pumanaw na.
Kinuha ko ito at tumugtog ng paborito kong kanta “Tagpuan” by moira.
“at nakita kita sa tagpuan ni bathala may kinang sa mata na hindi maintindihan~
Sobrang ganda ng mga kanta ni moira at ang boses niya.
Pagtapos kong kumanta nilapag ko na ang gitara ko sa gilid at nahiga na ako sa aking kama. Dahil bukas maaga nanaman akong sasabak sa trabaho ko.
***
“Po? Paki-ulit po ng sinabi niyo sir” tanong ko sa boss ko.
Nandito na ako sa trabaho at nagulat ako sa narinig kong balita galing kay Sir.
“Ang sabi ko Ms Gomez hindi kana dito mag tra-trabaho.” sabi nya.
Gulat na gulat ako sa mga pinagsasabi niya.
“ T-teka sir... Nag tra-trabaho naman po ako ng maayos.” nanghihina na sambit ko.
“Alam ko miss gomez.”
“Pero bakit po sir? Bakit niyo po ako tatanggalin dito?” piling ko maiiyak na ako sa mga nangyayare.
“Tinatanggal kita dahil sa ibang trabaho na kita ilalagay, Miss Gomez.” nagulat ako sa sinabi niya.
“P-po? Saan po?”
“Magta-trabaho ka kay Mr Waetford”
“bilang katulong.”
Biglang nawala ang ngiti ko sa aking labi.
Katulong? Napangiwi ako.
Okay mukhang wala akong choice.
Pag tinanggihan ko ito mahirap nang makahanap pa ng trabaho.
“Okay sir. Tatanggapin ko po.” pilit na ngiti kong sabi.
Ngumiti naman si Sir, “Very good, Miss Eurika Gomez.”
*TO BE CONTINUED*
BINABASA MO ANG
Unconditional Love || Vhyun
Romance" Hindi mo ako pwedeng mahalin, charles." seryosong sabi ni Eurika. "At bakit hindi?" nakangising tanong ni Charles. "Isa lang akong katulong. hindi ako mayaman katulad ng mga ibang babae. kaya please wag na ako." naiiyak na sabi ni Eurika. lumapit...