Miruelle
I close my booklet as soon as I finish reading the last stanza of the poem.
It's already 9 in the morning. Kaya naman pala medyo masakit na yung sinag ng araw na tumatama sa balat ko.
Nandito ako ngayon sa garden ng hospital. Pagkatapos kase ng check up ko sa doctor na in-appoint ni beshy ay dumiretso ako dito. Tulog pa kase si Matt nung umalis ako sa kwarto niya. Tsaka nandun naman si Tiya Mona na kasalukuyang nagbabantay sa kanya.
Maganda naman resulta ng check up ko. Malusog naman daw ako at walang problema. Okay na sana eh hanggang sa sinabi nung doctor na...
"You're doing fine Ms. Adaya. But it doesn't mean na hindi na ulit ito babalik. You know that. So please take care of yourself. Take your vitamins regularly at syempre makakatulong din ang pag-e-excercise."
Tss. Masyadong OA yung doctor pagka-sabi niya nun. Magaling na kaya ako. Hindi na babalik yung sakit na iyon no.
Well, at least hindi muna ngayon.
Hay nako. Iniwadlit ko nalang yung thoughts na iyon. I shouldn't be negative. Dapat happy thoughts lang.
Tumayo ako at nag-unat-unat ng katawan. Hindi ko akalaing aabutin ako ng halos dalawang oras sa pagbabasa. Well what's new? Minsan nga isang buong araw ako nagbabasa dati sa mansyon at hindi na napapansin ang oras. Ganun ako pag gusto kong aliwin ang sarili. Reading books is my stress reliever.
Naglalakad na ako papasok ng hospital para mapuntahan na ulit si Matt. Sabi kase ni Tiya Mona ay hindi rin siya magtatagal dahil kailangan niya pang asikasuhin ang harvest sa taniman nila.
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang alalahanin ang mga nakwento ni Margs kagabi bago siya umalis. At yun ay tungkol sa pagsusuntukan ni Matt at Hans kahapon ng umaga. Dahilan para magkaroon siya ng hiwa sa binte.
For Pete sake! Hans used knife! Hindi ko alam ang dahilan ng pagsusuntukan nila kahapon na nagbunga ng paggamit ni Hans ng kutsilyo. Pero sapat na iyon para mapagtanto kong mapanganib si Hans. And Matt should stay away from that guy.
Nang makarating ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Matt ay dahan dahan ko itong binuksan. Baka magising ko si Matt.
Pagkapasok ko ay naabutan ko si Matt na kunot-noong nanonood ng TV. Ay mali, parang mas dapat sabihin na palipat lipat ng channel ang ginagawa niya. And I found it cute. Mukhang bagot na bagot na siya sa ginagawa niya.
"Saan ka galing? Nagugutom na ako. Kanina pa kita hinihintay. Akala ko iniwan mo na ako." Sunod-sunod na sabi nito habang nakakunot ang noo at nakanguso. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapangiti. Mukha kase siyang batang nagmamaktol.
I closed the door and walked towards the table.
"Tapos ngayon tatawanan mo lang ako?!" Hindi niya makapaniwalang sabi. Nakaalis na pala si Tiya Mona.
"Bakit kase hindi ka pa kumain kung nagugutom ka." Sabi ko habang inaayos na ang pagkain na dala ni Tiya Mona.
"Cause I'm waiting for you. Ayokong kumain ng hindi ka kasabay." Diretsong sabi nito. Oo nga pala muntikan ko ng makalimutan, prangka nga pala ang isang ito. He'll say whatever he is thinking. Walang preno, walang alinlangan.
"What if hindi ako dumating agad, edi hindi ka rin kakain?" Taas kilay na na tanong ko sa kanya.
"Of course. I'll starve myself instead of eating alone." Diretsong sagot ulit nito. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapakuyom ang kamao ko.
BINABASA MO ANG
When Summer Begin
RomanceIn Every girl's life, there is a boy she'll never forget... And a summer it all began.