- 19 -

10 1 0
                                    

Miruelle

Isang linggo na ang nakalipas simula nung sagutan namin ni Matthew. At sa isang linggo na iyon ay hindi na ulit kami nag-usap pa.

Or should I say iniiwasan ko siya.

Ang hirap naman kase. Gulong-gulo ako. Tama naman ang sinabi ni beshy na I will be happier with Matt. Pero hindi ko yatang isugal ang sakit na mararamdaman ko sa oras na bumalik ang sakit ko. Dahil hindi ko kayang pati si Matt ay masaktan.

"Oo na ako na ang advance mag-isip. Tss." Pagkausap ko kina Phineas and Ferb na yakap-yakap ko. Mukha na akong baliw nito. Kinakausap ang stuff toys.

Well, its just that ayoko ng dagdagan ang mga taong masasaktan ng dahil sa akin kung sakali man dumating yung panahon na.... Aish. Ano ba yan. Ang agaaga ang nega ko.

Tamad akong bumangon sa kama. Tiniklop ko muna kumot at saka inayos ang kama bago humarap sa salamin at pinagmasdan ang sarili habang yapos sina Phineas and Ferb.

Kanina pa ako gising. Hindi nga lang akong bumangon agad dahil tinatamad ako.

Tinatamad o iniiwasan si Matt. Aish. Oo na. Iniiwasan ko na siya. Psh.

Simula nung araw nang sagutan namin ni Matt ay hindi na ako bumalik ng hospital. Si Tiya Mona at Renzo na rin ang nagbantay sa kanya dun. Balita ko nga bumisita din ang daddy niya sa kanya kasama ang pamilya nito at isang anak na babae.

Kahit nung nakalabas na siya ng hospital nung nakaraang araw ay hindi pa rin talaga ako nakikipag-usap sa kanya. Hindi naman sa ayoko, pero kase hindi ko alam paano.

Aminado naman ako na may kasalanan din ako kay Matt. Yung mga masasakit na salitang binitawan ko sa kanya ay dapat ay hindi. Naiintindihan ko naman siyang gusto niya lang akong protektahan. Sana pala in-appreciate ko nalang yung sinabi niya. Hindi yung nakipagtalo pa ako. Kung anoano pa tuloy ang masasamang nasabi ko. Hays.

"Miss ko na siya." Utal ko habang nakatingin ng diretso sa sarili ko sa salamin.

"Miss mo na pala, bat di mo kausapin?"

Bigla akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na nasa bandang pintuan ng kwarto.

"Lola Mareng. Andyan po pala kayo. Pasok po kayo." Sabi ko at inalalayan si Lola Mareng na makaupo sa kama. Ako man ay umupo rin. Kinuha nito ang suklay at siya mismo ang nagsuklay ng buhok ko.

Habang sinisuklay ang buhok ko ay hindi ko mapigilan ang mapapikit. Naalala ko tuloy si mommy. Dati kase lagi niya din sinuklay ang mahaba ko buhok. Parang ngayon lang. Ang pinagkaiba lang kase maikli ang buhok ko ngayon. Namimiss ko na si mom at dad. Nasa Thailand sila ngayon para sa business trip.

"Apo napapansin ko ang pag-iiwasan niyo ni Matmat. May problema ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Lola Mareng. Sarap talaga pakinggan pag tinatawag akong apo ni Lola Mareng.

Napailing  ako.

"Wala naman po Lola. Medyo may hindi lang pagkakaunawaan." Sagot ko.

"Ganun ba. Sana maayos niyo na agad yan. Ako'y nalulungkot tuwing nakikitang nag-iiwasan kayong dalawa." Saad naman ni Lola Mareng. Bigla naman akong nakaramdam ng guilt. Dahil sa amin nalulungkot tuloy si Lola.

"Opo Lola. Pasensya napo." Sabi ko kasabay ng pagyakap sa kanya.

"Ehem. Ayoko man sirain ang moment niyong dalawa ngunit baka kami ay mahuli pa sa byahe namin. Kaya beshy mag-ayos kana." Sabi ni beshy na kanina pa pala nakatayo sa pinto at bihis na bihis.

When Summer BeginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon