Pokpok

68 0 0
                                    

Nasiyahan ka ba?
Nakuntento na ba ang iyong pagnanasa?, mga pantasya mong di mo na nagagawa.
Ilang taon na tayong naglalaro ng apoy, apoy na di mapatay patay at patuloy na nagbabaga.
Puso'y bugbog na, parang botcha na kumbaga. Di mo na mabibilang mga sugat at pasa.
Pero diba masaya ka? Nageenjoy ka sa patikim lang, okay na sayo ang ganito kesa maging malaya sa paningin ng iba.
Di mahalagang ginamit kita at di mahalagang ginamit mo siya, basta't mabawasan ang libog sa ating dalawa.
Ilang taon tayong ganito na parang naglalaro lang, para tayong mga batang walang kamuwang muwang, di ko lang maintindihan sino ba ang taya, sino na ba ang titira?ako na ba o ikaw?
Bandang kalagitnaan di lang pala tayo ang naglalaro, may mga kasali palang nakatago sa mga kubo, kubong mapanlinlang, luma na't marupok
Walang alinlangan sinuong ang madilim na lugar, masukal,madilim at di alam san ang hangganan, nakita kita sa sulok,niyakap at hinagkan,akala ko kaya ko na ang mag isa, kailangan pa pala kita.
Dumating ang panahon sumagi sa isip, paano na bukas? Paano na tayo?
Tayo? Isang malaking kasinungalingan. Parang isang tigreng nagngingit sa galit sa kadiliman, di makawala sa hawlang nakaharang, nagwawala at nagmamakaawa sa katotohanan.
Tumambad sa harapan ang katotohanang wala akong karapatan, wala akong pag aari sa bagay na hiram lamang, di uubra ang salapi para lang mapatunayan, na minsan ang katawang ito'y inangkin at ninamnam.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

pokpokWhere stories live. Discover now