4th year high school

30 1 0
                                    

"Wala akong kaybigan na mapang-kwentohan. Kaya dito na lang ako sa WATTPAD na maaasahan na pag may bumasa parang tunay ko ng kaybigan."

Year 2014-2015

4th year high school na ako, isang taon na lang matatapos na ang kahirapan ng pamilya ko sa paghahanap ng baon ko araw-araw. Mahirap lang kase kami at minsan na kapos na kapos na si mama, pinipilit ko pa rin siya na maglabas ng pera para may baunin ako pang school.
Tulad ng gawain ni mama para may mabaon lang ako umuutang siya sa mga tita ko na nagpapautang naman. Kase ang sinasabi niya sa mga pinag-uutangan niya, ayaw ko daw kase mag absent sa klase ko. Totoo naman ni isang araw hindi ako nag aabsent kase ayuko maliban sa klase at ayuko na ako ang pinag-uusapan sa classroom pag-wala ako. Ganon naman diba na kung sino ang wala siya ang pinag-uusapan ng lahat, kaya pag andon ka na parang pinagtatawanan ka na ng hindi mo alam ang dahilan. Yon pala pinag chichicmisan ka na nga kung ano-ano, kaya ganon na lang sila.

Hindi lang naman yon ang dahilan kung bakit ayuko mag absent simula pa ng 1st year high school ako, kase gusto ko talagang mag- aral ng mag-aral ganon ako. Kaya ngayon gagawin ko lahat para lang makapagtapos ako. Kahit na hindi muna ako mag-kolehiyo kase alam ko ang hirap ng magulang ko 100 pesos pa nga lang awar-araw nahihirapan na sila kung saan sila kukuha. Ang trabaho lang kase ni mama nagmamanekure lang siya don sa mga kapitbahay namin, at sa mga kakilala niya sa ibang brgy. Hindi naman kase araw-araw may nililinisan siyang kamay at paa. Kaya sabi ko sa sarili ko pag katapos nito din na lang muna ako mag kukulehiyo.

"Good morning!" sabi ng isang teacher pag-pasok nito sa loob ng classroom namin. Tulad ng inaasahan ko siya ang teacher adviser namin dito sa section aries, sa 4th year kase zodic sign  ang pangalan ng section dito sa INNHS (Ilocos Norte National High School).

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

At para malaman niyo eto ang section ko noon.
1st year high school, flowers "catleya"
2nd year, fruits "chesa"
3rd year, birthstone "garnet."

Sabi nila noon na sa 5th high section daw ang mga yon smepre kahit 5th lang tuwang-tuwa na ako. Pero ang sabi ng mga teacher lagi samin na tatlong section lang ang mga matataas at yong iba pantay-pantay na. Pero ako pag narining ko na mataas ang section ko, pinagmamayabang ko sa mga pinsan ko na nasa lower grade pa lang sila. Pero parehas lang kami ng school na pinapasokan.

Ang pinagtataka ko lang noon makalipas ng tatlong taon sa lahat ng section na napasokan ko, puro naman hindi maiintindihan ang ugali ng mga kaklase ko non. Sa totoo lang 1st year high school ang pinaka gusto ko sa lahat kase friendly lahat, on the go lahat ng mga ka klase ko sa mga outing lalo na't tatlong oras ang vacant namin noon hanggang mag-lunch. Kaya pag 1'oclock na at nasa school na kami ang itim-itim na namin tignan, na halos ng mga madaanan naminng kapwa studyate nakatingin samin. Pano kase si beny parehas na nga kaming maitim naka orange pa, sinong hindi mapapatingin. Babae siya kaya kaming mga babae din non nagtitinginan kase yong kasama namin naka-orange, lutang na luta ang siga pa maglakad.

Hanggang sa mag-pasko ang arte pa ang adviser namin na lalaki non, ayaw niya na mga christmas program kami. Smepre mapilit kami sa ayaw at sa gusto niya non naghanda pa rin kami para samin lang talaga, pero ayaw naman namin na mapahiya ang teacher namin kaya sinuyo-suyo namin siya para hindi umalis. Kase pag-pasok niya non sa classroom ang sama ng tingin niya niyaya namin siyang kumain, kumain naman siya. Tas tinanong niya kong anong games namin, smepre sagot namin wala kase ang balak lang talaga namin ay kumain at ubosin ang mga handa namin.

Pero ang totoo meron naman talaga kaming games na hinanda. Ayon na nga naglaro na kami nagkasiyahan na kami hanggang matapos. Hindi ko nga maalala kung ano ang natanggap kong regalo non ang alam ko lang lalaki ang nagbigay. Masaya talaga non nakakakupya pa ako sa mga kaybigan ko. Walang awayan lahat sama sama sa tawana.

It's Me: When I'm In High SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon