Chapter 10: The Dream

5.7K 137 27
                                    

Ian's POV

"Hmm"

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Inilibot ko ang paninin ko at puro puti ang nakikita ko. Naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko kaya tiningnan ko kung sino ito. Nakita ko si Ayumi na nakapatong ang noo sa braso ko at halatang natutulog. Napangiti na lang ako sa nakita ko.

"Gising ka na pala"

Napalingon ako kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita ko si Takeshi  sa may pintuan.

"Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Hinimatay ka kanina. Sakto namang nasalo ka ni Ayumi at hindi ka lumagapak sa lupa" sagot niya sa akin.

Alam kong may halong inis ang pagkakasabi niya nun dahil makikita mo rin sa mukha niya ang pagkainis.

"Ahh." ang tangi ko lamang naisagot.

Umupo siya may upuan malapit sa dingding at tiningnan niya ako ng masama. Sinuklian ko rin siya ng masamang tinggin. Bigla siyang tumayo at unti- unting lumalapit sa akin. Nang nakalapit na siya, gigisingin na niya sana si Ayumi pero hinawakan ko ang kamay niya gamit ang isa kong kamay.

"Kung ako sayo, huwag mong gagawin yan" pagbabanta ko sa kanya.

"Bakit naman ha? Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan?!" sagot niya sa akin. Halatang nagtitimpi siya ng galit. Nakita kong naiyukom niya ang kamao niya.

"Dahil hindi mo alam kung anong mangyayari kapag ginising siya" sagot ko sa kanya.

Parang nabahala naman siya sa sinabi ko kaya binawi niya ng marahas ang kamay niya tsaka umalis sa kwarto.

May kakaiba akong naramdaman nung hinawakan ko ang balat niya...

Hindi ko maipaliwanag pero yun ang nararamdaman ko....

Someone's POV

Habang naglalakad ako, biglang nag- ring ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello?"

"Black Spring" malamig na sagot sa akin sa kabilang linya.

Naalerto kaagad ako nang marinig ko ang boses niya..

"Bakit po?" tanong ko.

"Nagawa mo na bang patayin si Ayumi de Guzman?" tanong niya sa akin.

Napalunok ako ng laway ng tatlong beses. Narinig ko namang ngumiti siya sa kabilang linya.

"Hindi pa. Tama ba ako?" tanong niya sa akin.

"Pasensya na po. Hindi pa po ako makahanap ng tamang tiyempo" sagot ko.

"Hanggang ngayon... Hindi mo pa rin siya napapatay?! Ilang taon na ang lumipas Black Spring!! Nalaman na rin niya ang tungkol sa organisasyon natin! Paano kung malaman niya ang totoo?! ha?! Sagutin mo ako!" pasigaw niyang sagot sa akin.

Nagsimula nang manginig ang mga tuhod ko dahil sa sobrang kaba.

"Unti- unti ko po siyang papatayin. At magsisimula po ako sa darating na school festival." sagot ko sa kanya.

"Dapat lang Black Spring! Kung hindi, ako mismo ang papatay sa inyo! Maliwanag ba?!" tanong niyang muli sa akin.

"opo" sagot ko.

Bigla na lang naputol ang linya kaya tinanggal ko na ang cellphone ko sa tenga ko. Napahinga ako nang malalim dahil naalala ko ang gagawin ko.

"Humanda ka na Ayumi, sana mapatawad mo pa ako" naibulong ko na lamang sa sarili ko.

Naglakad na akong muli upang pumunta na kung saan natagpuang patay si Seven... na ako mismo ang pumatay....

Ayumi's POV

*<something>*= Dream

*Hindi ko alam kung nasaan ako pero isa lang ang masasabi ko....

Madilim dito at mapanganib....

May narinig akong kaluskos sa may bandang kanan ko kaya napalingon ako at naging alerto.

Pagkalingon ko, may nakita akong pusa..... kulay puti pero ang mga mata niya ay kulay berde...

Bigla siyang tumalon sa akin kaya sinambot ko siya...

Bigla siyang pumunta sa balikat ko at nagsimulang mag- meow kaya napalingon ako...

Nakita ko ang isang lalaking may hawak ng baril at nakangiti siya sa akin....

Pinutok niya ang baril niya at nakatutok ito sa akin...

Hindi ako makagalaw...

Nang biglang tumalon yung pusa at sinalo ang bala para sa akin...

Hindi ko alam pero nakita ko ang isang partikular na ngiti sa pusang iyon....

Pamilyar sa akin...

Napatingin ako doon sa bumaril sa akin at nakita ko ang mga mata niya...

Napaka pamilyar din ngunit hindi ko maalala...

"Patawarin mo ako Ayumi, mahal ko.." sabi ng taong iyon at itinutok ang baril sa sinitido niya...

Hindi ko alam pero kinakabahan ako na natatakot na ewan...

Alam kong kilala ko siya pero hindi ko maalala kung sino..

Ngumiti siya sa akin at nakita kong may luhang tumulo sa mga mata nya...

"HUWAG"*

"Ayumi! Ayumi!" sigaw ng isang tinig sa akin.

Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin kaya napataas ako ng ulo..

Nakita ko si Ian na halatang nag- aalala...

Bangungot.. isang banungot lamang ang lahat...

Napatitig ako sa kanya at may nakita akong kakaiba..

"Ian.." sambit ko.

Napatingin siya sa mga mata ko na parang natatanong kung bakit.

"Ang mga mata mo...

kulay berde" sambit ko sa kanya.

Biglang nanlaki ang mga mata niya at halatang nagulat siya..

Papaanong nangyari ito?

-------

Authors Note:

Medyo napaaga ang update ko dun sa isa kaya sinunod ko na rin ito..

Warning ko lang po sa mga nagbabasa...

Ngayon pa lang po nag- uumpisa ang storya...

Thanks for reading ^^

Ian sa gilid with his green eyes ^^

Girl Detective : The Dark LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon