Introduction

18 5 1
                                    

    Sa henerasyong ito, marami na ang nagbago. Ang mga kabataan sa ngayon, marami ng alam na kalokohan. Isa na ang Social Media sa mga pagbabagong ito. 'Facebook' ang kalimitang ginagamit ng kabataan ngayon. Ginagamit ito para sa komunikasyon, ginagamit para maghanap ng bagong kaibigan, at minsan ginagamit para sa sariling katuwaan lamang.

   Dahil sa makabagong teknolohiya, ni isa sa atin ay walang gustong magpahuli. Mga kabataang hindi  nagpapahuli di lamang sa teknolohiya, kung hindi pati na rin sa mga trending sa kasalukuyan.

 
  Halimbawa na lamang ng ating mga pangunahing tauhan sa librong ito. Isang haling na haling sa tinatawag nating 'KPOP' at isa namang halos kinain na ng sistemang 'ANIME'. Dahil sa pareho nilang ipinaglalaban ang mga hilig nila, sila ay mauuwi sa isang komplikadong relasyong hindi sinasadya ng tadhana.

   Talagang ipinagtagpo ng tadhana ang dalawang hindi pareho ang kinababaliwan. Isang 'KPOPER' at isang 'OTAKU' na sinisiraan ang bawat hilig ng isa't-isa. Kahit na ang mangyayari sa pagitan nila ay dadaan sa kasiyahan, kalungkutan, mapupunta sa awayan at minsan sa katatawanan, a sweet love blossom ay unti-unting mabubuo sa pagitan ng dalawang ito.

--------------------------------------------------------


Wag kalimutan mag vote kung nagustuhan nyo ang chapter na ito!!
。^‿^。 Huwag nyo ring kalimutang magcomment kung may gusto kayong sabihin tungkol sa chapter na ito!! (❀◦‿◦)
Isang vote and comment lang will mean a lot to me!!(◕‿◕✿)

When Kpop Girl Meets Otaku BoyWhere stories live. Discover now