Jihoon's Pov
Pagkagising ko ay napansin kong wala si Daniel. Saan naman kaya yun pumunta? Tsk. Ang aga-aga. Kinuha ko na ang towel ko at pumasok sa cr. Nang matapos ako ay agad akong nagpalit ng uniform. Pagkatapos kong magsuklay, kinuha ko na ang bag ko at lumabas.
"Oh?" Napatingin naman ako kay Jisung hyung. Gulat naman syang nakatingin sa akin pati na din si Minhyun. Oh? Ano naman kaya yun?
"Bakit ka nakauniform? Wala kayang pasok nyagon." Napalingon naman ako kay Jaehwan na kakalabas lang ng kusina. Ahh- oo pala. Ang tanga ko. Tsk. Sabado ngayon e! Ano ba yan!
"Aish! Nakalimutan! Aish.." Napasabunot nalang ako sa buhok at pumasok sa kwarto at nagpalit ng pambahay. Pagkalabas ko ay agad akong umupo sa tabi ni Guanlin. Dumating naman si Seongwoo dala ang mga pagkain.
"Saan pala si Daehwi at Woojin?" Tanong ko nang magsimula kaming kumain.
"Si Daehwi, umiwi sya pero di ko alam kay Woojin. Baka may pinuntahan lang. Si Daniel naman, umuwi sya pati si Ong." Tumango tango lang ako sa sagot ni hyung. Saan nmaan kaya pumunta yung lalaking yun? Di pa nagpaaalam sa akin.
Walang umimik sa amin hanggang sa matapos kaming kumain. Sina Jaehwan, Minhyun at Seongwoo naman lumabas sila. Pupunta ata silang manood ng Avengers. Yung bagong labas. Si Jisung hyung naman, lumabas sya kasama kapatid nyang si Jeonghan hyung sa SEVENTEEN. Di ko nga alam kung bakit SEVENTEEN pangalan ng group nila kasi 13 lang naman sila. So confusing. Si Jinyoung naman, umuwi sya sa kanila. So bale, kaming dalawa lang ni Guanlin ang naiwan dito.
"Hyung, hindi ka ba uuwi sa inyo?" Nilingon ko naman sya. Naka-upo kami ngayon sa couch habang nanonood ng Scarlet Heart.
"Di ko alam. Baka bukas, kasi si Chae Soo, busy sya ngayon at saka wala sya sa bahay." Sagot ko at humarap uli sa tv.
"Diba yung girlfriend mo yun hyung?!" Nilingon ko lang sya. Pati talaga sya, alam nya about sa joke na yun? Hayst. "So, ibig sabihin, nakatira kayo sa iisang bubong?" Tanong nya ulit kaya tumango na ako.
"Hyung, punta tayo sa Mall. Nandoon din naman sila Jaehwan hyung e. Ang boring kasi dito." Nahihiyang sabi nya. "Sige ba. Na oboring narin ako e." Tumayo na ako at pumasok sa kwarto. Nagpalit ako ng jacket na black at pants. Naka-all black ako ngayon. Wala e, trip ko lang.
"Hyung, grabe ka. Hindi ka ba naiinitan? Summer pa naman ngayon." Sabi ni Guan sa akin. Napatingin naman ako sa suot nya. Blue at white na tee at shorts. Okay lang naman suot nya pero madeyo expose e.
"Tara na nga. Wag mo nang pansinin tong suot ko. Kutusan kita dyan." Sabi ko at lumabas na ng dorm. Bahala na syang maglock ng pinto. Pagkalabas namin sa gate ng school ay nagtawag agad ako ng taxi.
"Kuya sa Mall po."
---
Pagkarating namin sa Mall ay pumunta kami sa mga bilihan ng damit. Napakunot naman ang noo ko.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko.
"Bibili ng damit. Sa tingin mo hyung, ano pa ba pwedeng gawin dito? Kakain?" Sarkastikong sagot nya kaya binatukan ko sya.
"Sorry hyung. Syempre hyung, bibili ng damit." Sagot nya na naman at nagsimula na syang pumili ng mga damit na......pambabae?
"Babae ka pala Guanlin"" natatawang tanong ko pero di nya ako pinansin. Hmmm- makapili nga rin ng damit para kay Chae Soo. Nagtingin tingin ako at may nakita akong couple sweater. Kulay white yung sa babae at black sa lalaki. May nakalagay na "My QUEEN" at "My KING". At dahil gusto ko yung kulay, kinuha ko na. Nagtingin tingin pa ako at may nakita akong dress na kulay red. Maganda sya at sure akong babagay to kay Chae Soo kasi maputi sya. Pagkatapos ay pumunta na akong counter at binayaran na ang pinamili ko.
YOU ARE READING
[녤윙]My Enemy becomes My Boyfriend [Dream Series#2]
FanficTAGALOG NIELWINK FANFIC ; Some random Wanna One moments and other ships and of course some nielwink moments ;) Note: Please don't read this if you're not a nielwink shipper ;)