Long Distance [One shot]

2 0 0
                                    

I have a boyfriend. He's in college while I'm in Senior Highschool. He's taking engineering and Abm naman ang kinuha kong strand.

Long distance kami at hindi pa nagmeet up kahit ni isang beses sobrang layo nya kasi eh. Yes tama ang pagkakabasa nyo malayo kami sa isa't-isa. asa Davao sya, nasa Manila naman ako kaya malabong magkita kami but I allow him to court me kahit na alam kong walang patutungan ang LDR lalo na't sa facebook lang kami nagkakilala .

So eto nga going strong naman kami 1 yr and 4 months na kaming mag on. Sobrang saya ko naman at kahit papaano ay tumagal kami kahit txt lang.

Inaasahan ko nga na sa 3 months namin ay magbebreak kami kasi nga LDR pero Ayun nga dahil understanding syang boyfriend at humble ay tumagal kami .

Masasabi kong iba sya sa mga lalaking nanligaw sakin nuon dahil wala syang bisyo. Mahirap paniwalaan pero totoo ang mga sinasabi ko. Hindi sya umiinom ng alak , hindi sya naglalakwatsa pag gabi na, alam nya ang gawaing bahay , alam nya maglaba, magluto at kung ano pa. Kaya masasabi kong independent sya.

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng biglang kumatok at pumasok si tiffany. Pinakabata sa mga maid dito.

"Ma'am kain na po. Nakahanda na po pagkain sa hapag" she smiled at me

"Sunod na ako tiff."

"So hows school anak?" Mom asked

Napatingin ako sakanya at nagdalawang isip kung anong magandang isasagot sa tanong nya.

"Ok naman. Tinuturo nila kung paano magpatayo ng sariling business at kung paano magumpisa"

"Well, it's good to hear that. Magfocus ka lang sa pag-aaral mo at huwag sa kung ano anong walang kwentang bagay ok? At Bawal munang magboyfriend"

Tipid akong ngumiti sakanya at binalik ang attensyon sa pagkain.

Hindi nya pala alam na may boyfriend ako. Sinubukan kong sabihin sakanya na kung pwede na ba akong magkaboyfriend tutal malapit nakong magcollege but she said no. Umiwas naman ako eh pero pakiramdam ko wala na akong mahahanap na tulad nya at gusto ko si Gio kaya sinagot ko sya at inilihim kay Mommy.

I recieved a text from Gio after kong magshower.

Gio:

"Love? Tulog kana ba?"

Me:

"Not yet. Why?"

Gio:

"I miss you"

Bigla akong nagpagulong gulong sa kama after kong mabasa ang reply nya wwaaahhh kahit antagal nanamin kinikilig parin ako sakanya. Umupo ako sa kama at kinuha ang phone para replyan sya.

Me:

"I miss you too"

Muntik ko ng mabitawan ang phone ko ng bigla syang tumawag. I click the green button

"I have a question" he said in a husky voice

"What is it?"

"If I ask you will you marry me what would you say? Uhm? " tila nanlalambing nyang tanong.

Hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko kaya natawa na lamang ako at ganoon din sya. Haha anlakas ng trip neto. Anlakas magpakilig.

"Uhm What if I say no?"

"Then, I will go there and ask your hand to your parents. Now will you still say no?"

Nararamdaman kong nakasmirk na sya ngayon
Habang hinihintay ang sagot ko.

"Are you blackmailing me huh?"

Tumawa lang sya sa kabilang linya na parang nagjoke ako ng sobrang nakakatawa.

"Well, yes I will marry you. But not now, sa tamang panahon "

"Oh pano ba yan engage kana sakin sumagot ka. Naninigurado lang para wala ng mang agaw sayo once na nagtraining ako sa PMA"

Nagulat ako sa huling sinabi nya . What? PMA? naguguluhan ako. Anong ibig sabihin nya? Anong gusto nyang iparating? Wait! D-dont tell me??

"I decided na papasok nako ng PMA sa baguio aspiring Philippine National Airforce"

Bigla nalang tumulo ang luha ko. Ang sakit! Sobrang sakit iniisip ko palang na magtetraining sya dun ay parang binibiyak yung puso ko sa sakit . So kukunin nya nga talaga yung gusto nya. Masaya ako para sa kanya pero ayaw tumigil netong pesteng luha nato. Wala naman akong karapatang pigilan sya dahil pangarap nya yun at ayokong masira ang pangarap nya dahil sa akin.

"Then, A-are you breaking up with me huh?" I sobbed

"I'm sorry."

Hindi ako nagsalita. Diko kayang magsalitang habang umiiiyak ako dahil baka hindi ko mapigilan at mapalakas ang boses marinig pako ni mama.

"I will make an speech on friday about my dream profession. Ang speech ko na yun ay ipapadala sa baguio once na malaman nilang may karelasyon ako hindi ako tatanggapin."

Mas lalong lumakas ang hagulgol ko ng marinig ang sinabi nya. Alam kong bawal ang may girlfriend kung magtetrain sa air force . Pero hindi naman kami nagkikita so hindi nila malalaman if ever sabihin nyang single sya ok na sakin yun basta huwag lang kaming magbreak . Shit ! How am I going to handle this kind of situation? Ang hiraapp I don't know what to do!

Biglang kumatok si Mom sa pinto . Sh*t narinig ata ako.

"Lev? Open the door! Are you ok?" Nararamdaman kong nag aalala sya.

"I'm ok mom" pagkatapos ay narinig ko nalang ang mga yapak nya papalayo sa kwarto ko.

"Sshh Love, top crying pls. Nasasaktan ako pag naririnig kitang umiiyak" Nag aalalang sambit ni Gio

"Makikipagbreak ka na ba sakin kung ganun? Love, Pls don't! I'm begging you. I'll wait hanggang sa matapos ang training mo kakayanin ko"

" Handa ka bang maghintay? 1 yr and 6 months?. I don't think na kakayanin mo yun wala tayong communication dun dahil bawal ang phone"

"I can! I can wait. Just don't. Don't break up with me"

"Ok so smile now and wipe your tears Ampangit mo na. I love you and Goodnight love."

Falling in love is a choice

Kung kayo . Kayo talaga
Kahit na Long distance pa yan as long as hindi natatanggal ang trust and love nyo sa isa't isa.

And yes I do believe that distance and time can't stop what's meant to be!


Tadadandan! Thank youu for Reading . Sorry kung panget haha .

Long distanceWhere stories live. Discover now