Chapter 36: His Story

84 5 4
                                    

EIJI’S POV

 

Tinutulungan ko sila, dahil nakikita ko ang sarili ko sa kanila.”, naramdaman ko namang bahagya siyang gumalaw at lumingon sa akin. Nagulat siguro sa sinabi ko.

Bakit mo naman nasabi?”, sa pagkakataong iyon ako naman ang lumingon sa kanya

Ah paano ko ba sasabihin? Well, hindi naman literal na pinagbabanat ako ng buto, siguro naaawa ako sa kanila.”, saglit akong huminto at huminga ng malalim bago muling magsalita, “Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong hindi ako ang unang anak?

 She frowned, “Paano nangyari yon?

Interesado ka malaman?”, I asked. She stared at me before she nodded.

Buong akala ko maayos ang pamilya ko. I have everything I guess, yung ibang tao ipinapangarap magkaroon ng kung ano meron ako. Anak ng isang business tycoon at buo ang pamilya. Pero sa totoo lang, may problema rin kami”, I sighed.

*FLASHBACK*

 

“Eiji anak, gising na. Happy 10th birthday!”, bati ni mom sa akin. Bumangon ako at nagpasalamat sa kanya. Tumingin ako sa likuran niya kung may tao, pero wala.

And just as expected he was never around. Nakita kong lumungkot ang mukha ni mom sa inasta ko pero pinilit niya pa ring ngumiti.

“If you’re looking for your dad, may business meeting siya ngayon. But here’s your gift from him. Come on. Open it.” Binuksan ko ang kahon na kanina pa hawak ni mommy. Isang gaming console na PS Vita ang laman, ito yung bagong product na irerelease ng kumpanya next month.

Napangiwi na lang ako sa natanggap ko mula sa kanya. He didn’t even bother to come. Wala namang bago sa kanya, sanay na ako na kahit sa ganitong okasyon ay wala siya.

Napagpasyahan naming lumabas at kumain sa isang kilalang resto. Habang naghihintay ng order, ay napansin kong nandoon din si Dad, nakasuot ng pormal at seryosong nakikipagusap sa isang babae. ‘Siguro isa sa mga kliyente’, ang nasa isip ko noon.

Pagtingin ko kay mom, nakatingin lang siya sa may plato. “Mom, ayos ka lang?”, tanong ko sa kanya pero nanatili siyang nakatulala. “Mom!”, tawag ko ulit sa kanya kaya nakuha ko ang atensyon niya. “Ayos ka lang?”, tanong ko.

Lumingon muna siya kay dad bago ako sinagot. “h-ha? Ah oo. Magbabanyo lang ako.”, tumayo siya at dali daling umalis.

Tiningnan ko ulit sina dad. Tumayo ang babae na may hawak hawak na brown envelop. Di nagtagal ay umalis na din siya. Akala ko magiging ordinaryong kaarawan lang iyon gaya dati, pero hindi.

*END OF FLASHBACK*

A Mess We've MAde (*EDITING*)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon