Chapter 3: Dyosa

101K 2K 231
                                    

Chapter 3: Dyosa

 

At least hindi naman na ako pinapansin pa ni Damian. Actually, he’s avoiding me. Para akong isang bacteria kung maka-asta siya. As if naman type ko siya para layuan niya ako. Duh!

“Ms. Cruz tingin mo pwede ka rin namin maging teacher? Ang boring ng mga teacher ng mga graduating e.” Nakapamulsa pa si Kit ngayon habang sumasabay sa paglalakad ko. Kasama pa niya ang iba niyang kaibigan na parang hindi makapaniwala na kinakausap ko si Kit.

“Malabo. And I don’t want to teach you twerps. Lahat kasi kayo ay mga pasaway. You don’t even listen to your teachers.” After kong sabihin iyon sakanila ay pumasok na ako sa klase ko.

Pagpasok ko palang ay umupo na kaagad sila sa mga silya nila. Nanahimik na rin ang iba.

“Ma’am! Naka-upo na po kami alphabetically!” Napakamot nalang ako dahil sa sinabi niya.

“Nah. Alam kong ayaw niyang nakaupo ng ganyan. Girls, umupo kayo sa harapan. Tabi-tabi kayo nang hindi kayo i-bully ng mga kaklase niyong loko-loko. Boys, umupo kayo kung saan niyo gusto. Basta huwag kayong maingay. Kung hindi ay malalagot kayo saakin. Kapag nalaman kong maingay kayo sa ibang klase, magkaklase tayo sa labas, wala kayong uupuan at tatayo lang kayo buong araw. Maliwanag?”

“Opo!”

Umupo na ako sa upuan ko nang mapansin kong lahat sila ay nagyukuan. Mga manyak.

“Sit straight pervs!” Pagkasabi ko niyon ay nagtawanan ang mga babae at namula naman ang karamihan sa mga lalaki. “Makinig kayo para hindi naman puro ganyan ang mga nasa isipan niyo.”

“Ma’am! Huwag niyo pong kakausapin yung si Kit! Yung fourth year! Baka ligawan ka nun.” Kids nga naman.

“Oo na. Now, go to page eight.”

The discussion went smoothly. Lahat naman sila ay active. May mangilan-ngilan nga lang na natutulog and kapag nahuhuli ko sila ay nakatayo lang sila buong period nang hindi naman sila antukin. Nakakahiya naman sakanila dahil nakakaantok pala ako.

“Kumusta naman ang klase mo Ma’am JL?” Tanong ng isa pang babae sa faculty. I’m not really good with names. So I didn’t bother asking her.

“Fine. Tahimik naman sila.” Sagot ko nalang at inilapag ang libro sa table ko.

May lumapit din saakin na isa pang babae. Maybe she’s also around my age. Her make-up is thick though. And one more thing to describe her, I already hate her.

“So ikaw yung newbie?”

I stand tall and gave her my sweetest yet bitchy smile. “Yeah. You are?”

“Leona Grace Santiago but you can call me Leo.” She laughed. “Siya nga pala yung gustong-gusto ng mga lalaking estudyante rito.” Segunda pa nitong isa. And that makes me hate them both.

Not So Boy Next Door (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon