"Xy! Xyrus! Omayghad! Tulungan niyo siya!" panic na sigaw ng ka-date ni Xyrus. Lumapit ang lahat sa nakayuko na si Xyrus. Dugo.. maraming dugo ang tumutulo.
I'm really dead, sa lakas ng pagtapon ko ng bote, I hit the right forehead of XYRUS.
Nagdudugo at basag ang ulo niya. Ang mga kasama ko tumakbo papalapit sa kanya at tinulungan siyang tumayo, dinala siya sa kotse ng kaibigan niya.
"HUY BABAE! Tingnan mo ginawa mo." Tulak sa 'kin ni Vio. Oo nga pala, hindi pa rin ako nakakaalis sa kinatatayuan ko, dahil hindi pa nagsi-sink in ang nangyari.
Nganga lang ako ..
"JAXINE! Lapitan natin!" Tinulak ako ni Vio. Hinawakan ko naman kamay niya, "No, no Vio."
"The heck? Lumapit tayo dun! May kasalanan ka ano ba! Ako ang nagpapanic tapos ikaw wala lang!"
"Vio, grab your keys, ihatid mo na ako bilis!" Ako na naman ngayon ang nanulak sa kanya. The point na hindi nakatingin ang mga tao sa akin at ang atensyon nila nandun kay Xyrus. Kasalanan nga ba 'to? Ewan ko, ewan.
Nakasakay na kami ni Vio, sa backgate kami dumaan. Lutang pa rin ang isip ko. Habang si Vio daldal ng daldal at nagpapanic, "GOSH! Jaxine aning ginawa mooo? Ewan ko baka sundan nila tayo alam mo naman na malalaki yung katawan ng squad nila! Hay nako pahamak ka talaga ewan ko!"
Hindi nalang ako umimik. Nakatingin lang ako sa bawat tao na nadadaanan namin.
"JAXINE ! Kilala mo ba si Xyrus? Famous yun famous. Wag ka nalang magulat na naka paskil na yung mukha mo sa mga blogsites niya!" ani Vio.
"At tsaka at tsaka! Mapapatawad ka pa nun pag yun lang, nahead-shot mo lang, hindi mo naman yun sinasadya. EH KASI TINAKASAN MO SIYA, JAXINE TINAKASAN MO! Napakatang ko at sinamahan naman kita! Kung di lang kita mahal ewan ko ba!"
Hangang sa makarating ako sa bahay namin. Patuloy pa din ang daldal niya hangang nakapasok na ako sa bahay.
"Oh? Napaaga ka yata Jax?" Nakaupo lang si mommy sa sofa at nanonood ng TV. Nagmano ako "Maagang natapos ma, kunti lang kasi ang dumating." Sagot ko at umakyat na sa kwarto ko.
Nagpalit muna ako ng damit at sinilip ang cellphone ko 15 MISSED CALLS 23 MESSAGES. DAFUQ?
Pagsilip ko puro 'NASAAN KA NASAAN KA NASAAN KA' texts ng mga kasamahan ko. Patay talaga ako nito, ba't ba kasi ako tumakas, ewan ko ba.
Itinulog ko nalang ang lahat, ZZZZZZ.
Kinaumagahan ..
Hindi pa man ako nakaka pasok ng gate ng biglang may humila sa akin, wala akong nakita kasi naka-helmet, dinala niya ako sa gilid ng gate. Nag sigaw-sigaw naman ako.
"AHHHH! ANUBA BITAWAN MO AKO! KIDNAPPER KA BA AHHH TULONG MANONG GUARD!"
"Shut up bitch" tanggal ang panga ko ng tinanggal niya helmet niya. NANAWAGAN PO AKO SA LAHAT NG MGA SANTO AT IPAGDASAL NIYO PO ANG KALULUWA KO :< PATAY NA PATAY NA TALAGA AKO.
Si Xyrus na may malaking band aid sa ulo ang gumulat sa akin..
BINABASA MO ANG
40 Days With Ms. Rebound (Under Renovation)
Teen Fiction"Be my girlfriend, just.. more than a month" Ako si Jaxine Santoval, ang napakatangang babae na pumayag sa deal ni Mr. Xyrus aka My Fake Hunk BF. Hindi ako maiinlove, hinding hindi, hindi ako maiinlove kay Xyrus. -- Ng dahil sa nasabing kasunduan...