Angel's POV
Hi! Hello! Ako nga pala si Angel ^0^! I'm superrrr friendly, pwede niyo ko maging kaibigan. Wag kayong mahihiyang lumapit sakin. Madami akong friends pero di ko inaakalang makikilala ko na ang mga PINAKATUNAY kong mga kaibigan. At nagsimula yon noong....
[Flashback]
*RINGGGGGG*
Huh? Ano ba yun???? Ang aga aga tumutunog ang alarm clock ko sa cellphone -_- Ano bang meron ngayon?Tinignan ko ang cellphone at ang una kong nakita ay...
GISING NA! FIRST DAY OF SCHOOL!
wait
WHAT?!
Dali dali akong tumayo sa kama at pumunta sa banyo para maligo.
Oh my gosh excited na ako^_^ Akalain mo nakapasa ako sa entrance exam sa Martell University. One of the most famous and expensive university in the whole world. Sabi din nila high quality ang education na ibinibigay nila kaya maayos magturo ang mga teachers dun. Pero actually, nasa third day of school na sila. Nalate ako ng pasok dahil hindi naayos agad yung mga needed requirements.
Ano kaya ang feeling na maging estudyante doon? Ano kayang ugali nila doon?
Natapos na akong maligo kaya bumaba na ako sa kwarto ko. Nakita ko ang pinakaminamahal kong tao..
Si mama! Kala niyo ha. Goodgirl kaya ako. No boyfriend before college. Yan ang pangako ko kina mama.
"Ang likot mo sa taas para kang kiti- kiti! Rinig na rinig ko ang kalikutan mo dito sa baba" sermon ni mama
"Sorry.. Nagpuyat kasi ako kahapon na hindi ko namalayan na pasok ko na pala bukas. Kaya ayun yung nagising na ako, akala ko late na ako kaya nagmadali ako" paliwanag ko
"Ay sya tama na ang daldal. Kumain ka muna"
As a good daughter, sinunod ko naman siya. And get ready sa mga payo na sasabihin niya in...
3
2
1
"Plansyado na ba yung uniform mo?"
"Opo"
"Magbabaon ka ba?"
"Hindi na"
"Mga gamit mo, naayos mo na ba?"
"Yes maam"
"Permit mo?"
"Nasakin na"
"Nasan?"
"Sa bag ko"
"Nasan po ulit?
"Nasa bag ko po"
"Good. Mag-ingat ka pag uuwi ka na. Atsaka magboboyfriend ka ba??"Oh no. Ito na naman ang laging gustong pag-usapan ng mga magulang. Once na narinig mo yan, siguraduhin mong tama ang isasagot mo kundi husay ka.
"Hindi po"
"At bakit naman?"
"Kasi kapag nasa ganitong age sila, puros sila kalokohan at pinaglalaruan lang nila ang babae kaya hihintayin kong magmature ang mga lalaki bago magboyfriend para walang masaktan"
"Good. Buti alam mo. Pero baka next week may kasama ka ng lalaki. Naku! Pag ikaw nakaboyfriend, yari ka sa tatay mo. Bahala ka sa buhay mo"Hayyy kahit anong paliwanag ko. Pinaghihinalaan parin ako na magboboyfriend ako.
"Hindi po ako magboboyfriend. Diploma muna ang ipakita bago lalaki"
"Oo na. Bilisan mo diyan para makaalis ka na"Tinapos ko ang ang breakfast ko at syempre nagpaalam bago pumunta ng school.
Timeskip:
[Entrace of the Martell University]WHAT IN THE ACTUAL FUDGE
Unbelievable
Nakakaproud na nakapasa ako sa entrance exam dito.
Ang laki ng building at mukhang pangmayaman.
I can't believe na may university sila dito sa pilipinas gaya ng nasa ibang bansa. Siguro billionaire ng may-ari ng school na ito dahil akalain mo yun may university siya dito at sa ibang bansa.
Yieee excited na ako yung puso ko tumitibok na sa tuwa.Ok enough talking. Kailan ko ng pumasok baka malate pa ako.
Wow ang daming guard dito. Napatigil ako sa malaking gate ng university at may nakita akong guard
"Permit" Sabi ng guard
"Ito po" sabay abot ng permit ko sa kanyaChineck niya ang permit.
"You may enter. Welcome to the Martell University" welcome sakin ng guard with a flashing smile pa.
Pumasok ako at nakita ko ang campus. Feeling ko para akong prinsesa sa isang napakagandang palasyo. May fountain sa gitna. Green bermuda grass. Trees at flowers. Mga student na naglalakad at nagkukwentuhan. Mukhang mayayaman sila at may mga foreigner din. Ang ganda din ng uniform dito. Basta ang sobrang ganda ng lahat dito! Sana dito na ako forever. Words can't explained how happy I am.
Oo nga pala kailangan kong hanapin ang classroom ko. Pero mukhang mahihirapan ako nito ah. Pano ba naman kasi sobrang laki ng building syempre maliligaw ako. Nilibot ko ang mata ko sa paligid at ayun!
Salamat may nakita akong map ng school! Ok! Tanda ko pa ang classroom number ko kaya hahanapin ko na lang yon.
Inexamine ko yung map at sa wakas nakita ko na ang classroom ko. Minemorize ko yung direction and all I need to do is punta yon. Easy Peasy! What could go wrong?
After 20 minutes:
I take it back... ANG HIRAP! I GIVE UP! Mga 20 minutes na akong palibot libot dio. Naliligaw na ako! May isang time pa nga na akala ko yun na classroom ko pero hindi! Napahiya ako ng sobra na tumakbo ako ng mabilis at hindi namalayan mali na pala ang nadadaan ko! Kaya nandito ako ngayon na naliligaw katulad ni Nemo!
"Sino ba kasi ang nagdesign ng university na ito at puros pasikot sikot!" Sigaw ko
*Tip tap tip tap*
Nakarinig ako ng footsteps galing sa likod ko at lumingon ako para tignan kung sino yon. Isang babae na ang awkward ng tingin sakin. Nilapitan niya ako. Hindi ako makaalis sa pwesto ko kasi nakakahiya yung sinabi ko.
"Let's pretend na hindi ko narinig yung sinabi mo" sabi niya
"Haha. Narinig mo ba?"
"Sa kasamaang palad, oo"
"Ok"Mama. Save me! Nakakahiya... Ang pula na siguro ng mukha ko.
"Transferee ka ba?"
"Ah eh Oo"
"Ah ganun ba? No wonder na naligaw ka"
"Hehe"
"If you need my help then follow me I will lead you to your classroom"Sinundan ko siya gaya ng sinabi niya.
Sabay kaming naglalakad sa hallway na walang nagsasalita."Anong number ng classroom mo?" Pagputol niya sa katahimikan
"Ah oo nga pala. Classroom ***"
"What a coincidence. Parehas tayo"
"Talaga?! Edi magclassmates tayo!"
"Oo nga eh. Pero bakit ngayon ka lang pumasok?"
" Nalate ang pasa ng requirements"
"Really? By the way what's your name?""Angel Silva" sabay abot ko kamay ko sa kanya para magshakehands.
"Emma Johnson" sabay shakehands sakin
"From your looks and name. It looks like you're American" sabi ko
"Yeah I was born in America pero pinalaki ako dito sa Pilipinas"
"Kaya pala fluent ka sa English pati na rin sa Tagalog"
"Thank you. And we're here"Nakadating na pala kami sa classroom. Pumasok kami at syempre expected na.. may aircon. Pinagtinginan kami ng mga tao ng saglit bago bumalik sa kanya kanyang gawin. May kanya kanya ding upuan AT table. Ang yaman talaga ng school na ito. Pero bat ganun.. Late na ako pero wala pang teacher. Atsaka parang ang onti ng student dito
"Angel dito ang upuan mo katabi ng akin" aniya ni Emma
Inayos ko na ang gamit ko pagkatapos kong umupo. Kung iisipin ko, ang dami ko na sigurong namiss na lessons. Dapat may notes na ako
"Emma"
"Bakit?"
"Pwedeng pakopya ng notes niyo na namiss ko"
"Notes?"
"Oo para may mapag-aralan ako pag may surprise quiz"
"Ah yun lang pala"
"Oo. Paheram lang pleaseee"Tinitigan ako ni Emma
"Angel"
"Hmm?"
"Wala pa kaming nadediscuss na lessons""What?"
---------------------------
Thank you for reading
Sorry for the typos
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect Squad: Welcome To Martell University
LosoweMartell University, isa sa mga kilalang paaralan sa buong mundo. Sa paaralan may iba't ibang ugali at katangian. Pero may isang grupo na naiiba sa lahat. Tinuring na silang "perfect" subalit may flaws at imperfection din sila. Dahil... Sa isang baka...