Paano nga ba kita minahal? Paano ngaba ang ligaya ko ay tinapos mo at naging pagluha na lamang. Paano ngaba? Minahal kita sa paraang dapat pero ako ay niloko mo at pinaluha pa, sinaktan at binasag mo nang walang kahirap-hirap.
Minahal kita sa tuwa, pero mas napaluha ako nang minahal kita sa pagluha noong gabing sinabi mo sa akin na akoy iiwan mo na.
Minahal kita sa pag-asa, pero sobrang sakit nang minahal pa kita nang muntik nang sumuko sa araw na tinanong mo ako"ano ba ang inaasahan ko?
Minahal kita sa puso, pero nabasag ako nang minahal pa kita noong araw na sinabi ng isip na tama na.
Minahal kita sa paglaban, pero mas nasaktan ako nang mahalipa kita noong araw na ang dapat gawin ay sumuko na lang.
Minahal kita sa abot ng aking talino, pero naging kasing bobo mo ako nang minahal pa kita kahit na hindi mo maintindihan ang kahulugan ng pagmamahal.
Minahal kita sa tanong, pero ewan ko ba kung bakit minahal pa kita sa kabila ng sagot mong walang bahid ng pagmamahal.
Minahal kita sa dahilang mahal kita, at natuwa ako nang mas minahal ko ang mas karapat-dapat na mahalin, ang aking sarili. Dahil ang salitang "Minahal Kita" ay mananatiling salita na lamang ng pagbitaw.

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetryLove heals, love hurts. Masakit ngunit hinahanap-hanap. Ang tanong, Until when? Hanggang kailan maninindigan sa ngalan ng pag-ibig o hanggang kailan masasabing tama na?