Kararating ko lang sa bahay galing sa isang activity..
-tutut..tututtt- sabi ng cellphone ko. (nagsasalita sempon ko e .hehe )
1 message received: "hi."
Tinanung ko kung cno xa. Sbi nya sya daw si Jericho from SLC High School Based
Hindi ko alam ang itsura nya, tanging pangalan at ang school na pinapasukan nya lang ang alam ko tungkol sa kanya ... lumipas ang ilang buwan, at nakilala ko rin xa.
--Inis ang aking impresyon nung una kitang Makita .. tignan mo ba naman ako na parang ako'y isang kalaban.. sa isip ko, gusto kitang sapakin pero hindi pwede.
Marahil ako'y may pagka isip bata pa at hindi ko alam ang mga mangyayari..
Saktong nasa tapat ako ng kinauupuan mo..at sa kalagitnaan ng mga pangyayari, nagksabay tayong magkatawanan .. hindi pa tayo close pero lumapit ka sakin upang ibalik ang necktie ko na hindi ko alam pano napunta sayo..basta ang alam ko feeling close ka that time. At nakuha mo pang hiramin ang unan ko na dapat ay gagamitin ko..pumayag naman ako dahil sa iisang kwarto lang namanang paghihimlayan natin kasama ang iba pa nating kasmahan.yun nga lang, sa ingay namn, napalipat kme ng kwarto at dun na lng ako natulog sa may upuan... sya nga pala may nakapagsabi sakin nung gabing un na crush mo daw ako(na hanggang ngayon di mo pa rin inaamin, HAHAHHA!) hindi ko nlang pinansin un dahil.....ewan ko..bsta. WAFAKELZ kna dun! :D
--kinaumagahan wala kang ibang ginawa kundi magparinig sakin ..
"Yung isa jan hindi pa naliligo.." which is true J naman! Haha (wala na kase akong extra clothes nun)
.....kasama ang ibang kasama..... [????]....................
Naglaro tayo....kayo... na parang bata. Naalala ko pa nung nag luksong baka kayo pagkatapos mong tumalon. Nagfeeling close ka ulit. Hinawakan mo ulo sabay sabi "bilib ka nanaman"..
SUS! Sa isip isip ko, kung hindi lng kita kilala baka natadyakan na kita...
--dahil sa may pagka bundok ang location namin, bumaba muna ako ksama ang isang kaibigan na c LEO. Bumili kami ng maiinom dahil sa kami'y uhaw na. pero useless, pag akyat namn ubos na ung binili namin. and At the same time uhaw ulit kmi :|
Nakarating na kami sa session hall, at ang mga salitang to ang tumambad sakin.. "uyyyyy...........isang pagkahaba habang uyyyyy kasunod ang pangalang JERiCHO.. sabi ko naman.. "ah oh.. bakit c Jericho?" na pakunwaring hindi ko alam ang tinutumbok ng mga sinabi nila.
Nag empake na ako ng gamit dahil maya maya lang kami'y maghihiwa-hiwalay na at uuwi na sa kani-kanilang bahay. Pero bago yon, nagkayayaan muna na pumunta sa.......ewan ko na san yun, basta yung may malalaking bato tapos may tubig :D hehe. Ilog ba tawag dun?? Basta yun.
Napansin kong nakatingin sakin ang tatlo naming kasamahan..napaisip ako kung bakit..
..at dun ko nalang namalayan na si Jericho pala ang kasabay ko maglakad...
Lakad. Kwentuhan. Asaran. Palitan ng bitbitbitbit na unan.
Naalala ko pa nga na tinuruan mo ako mag ikot ng bola [na unan] kahit na wala naman talaga akong natutunan sa tinuro mo. Ang naalala ko lang sabi mo "wag mo igalaw kamay mo pag iiikot mo.kc hindi libro yan"
Oha. Oha. Natatandaan ko pa rin hanngang ngayon :D
--hindi ko alam kung bakit ikaw ang kasa-kasama ko nung araw na yun. Sabi mo, ako yung sunod ng sunod sayo.. sabi ko naman, ikaw yug sunod ng sunod sakin.. .
Ay ewan! Siguro may magnetttttt J hehe
Here comes the bato & the water. Haha
Lahat kayo handa ng lumusong sa tubig habang kami naman ay patayo tayo lang sa malalaking bato nang bigla ang sumulpot sa likuran ko, nagulat ako sa ginawa mong kunwaring pagtulak sa akin. At walang kamalay malay na pinaguusapan tayo ng iba mong kaibigan ... sabi daw nila " tignan nyo si jecko, ayaw pa pumunta dito, may binabantayan kase.."(sinabi lang nila skin to aa. Hehe)
--sa bahay ng may ari ng bahay na bahay na yun....
Tayo tumuloy..
Umupo ako ksama sila leo nang bigla kang dumating. Tumayo c leo at tayong dalawa ang naiwan dun.. sabay bigkas ni leo.. "uy parang may something....?meron ba?... dinagdagan pa ni tonet ng "oo nga. Kahapon ko pa napapansin"..
Wala akong ibang masagot kundi ang ngiti ko at ang mga salitang "ewan ko..wala naman..meron ba?"..
Tapos may sumingit nanaman na parang botete. C PAOLO. Hindi mo ata narinig yung sinabi nya pero ako narinig ko. Sabi nya "break a move!"
Hindi ko alam kung bakit nya nasabi yun..
--habang nakasakay sa jeep pauwi.. nagpaalam ka sakin sa paraang pag hampas ng likod ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting lungkot nung oras na yun. Para bang, namatayan ako! (HAHAHAHA!!)
--Sa wakas! Nakauwi na rin ako sa bahay.. hindi ko alam kung bakit ikaw pa rin ang iniisip ko nung mga oras na yun.. siguro na miss lang kita.. ang bago kong kaibigan J
--pagkatapos nun.. nakakachat na kita sa FB at YM. Ilang araw pa ang lumipas, kausap na kita sa telepono...hapon at gabi...kahit wala ng pag uusapan at puro paghinga nalang natin ang naririnig natin.. tuloy pa rin =)
--naging magkaibigan tayo. Tapos nagging magkaibgan pa. tapos naging magkaibgan pa ulit. Haha
February 21, 2010 magka-ibigan naman :D
Labbbing labbing don. Away ditto. Kasinungalingan banda don. Pangloloko banda dyan. Iyakan sa tabi tabi.mag aaway pero magbabati rin..
Pagkalipas ng mahigit sa apat na buwan.. isang pagkakamali ang nagawa ko..ang iwan ka..dahil siguro maraming nagbago kaya ngawa ko yun..pero ang totoo.hindi ko naman talaga gustonggawin yun, nadala lang ako sa mga sinasabi ng ibang tao at gulong gulo ako nung mga panahon na yun. Alam kong sobrang nagalit ka sakin at kahit na ata mag backtumbling ako sa harap mo e hindi mo ko mapapatawad.
Para akong lumusot sa butas ng karayom(kahit na alam kong iniisip mo na hindi naman ako kasya dun kasi baboy ako sabi mo! HAHAHAHA)
Hanggang sa YESSSSSSS!! Napatawad mo na ko. Pero ang BITTER mo naman sakin.. kahit na sobrang sakit ng mga salitang binibitawan mo sakin hindi pa rin ako sumuko dahil nga mahal kita..
May mga sinabi ka sakin na sumugat sa puso ko....
"ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?MAG ABSENT AKO TAPOS PUNTAHAN KITA" (hindi.. gust ko lang naman na bigyan mo ko ng kahit isang minuto na makasama ka)
"OK"(simple pero parang bomba na sumabog sa puso ko nang isagot mo to sakin nung sinabi kong mahal kita)
Tinanung ko kung sawa ka na sakin.. sabi mo "EWAN" (para mo na rin sinabing oo at ayaw mo lang akong deretsuhin.. Pwede namang"HINDI" ang isagot mo dba?)..
Pero eto masaklap..nung nakita ko yung pictures nyo..daig nyo pa magsyota kung makapagkodakan/piktyuran.na may ksama pang akbayan FUCKtor.at sinabayan pa ng title na "bullshxt at jecko"... para akong pinagsakluban ng langit at lupa.. wala akng sakit sa puso pero ramdam ko na nahihirapan na kong huminga.. pero ngayon na ka move on na ko sa bagay na yon.. kaso eto nanaman. Nakita ko ung picture nung bullshxt na un,suot yung tshirt na bigay ko sayo.. napag isip isip ko lang nung tinanung kita tungkol dun.. ang sabi mo "wala syang susuotin para sa practice nyo. Tapos un lng yung extra mo" ah! So EXTRA lng pala yun? Yun tipong hindi mahalaga na ginagamit lng kapag no choice na! haist. Alam mong may gf ka na magagalit kung sakaling mkita nya yon. At etong bullshxt na to. Nakuha pang magpapicture at I profile pic sa fb.... Haiiiiiyyy!buhayyyyy!!!parang life!!! Anu pa nga bang gagawin ko? syempre magalit ulit at palagpasin na lang yun para wala ng away
Ako pa nga gumawa ng move para magkaayos lang tayo. Hindi ka nga man lang nagsorry eh. Bilib tlga ako. Iba ka magmahal. Haisst K
Kaso ayun ako, hinahayaan ko nalang yung mga ganung bagay.. kse ayoko na ng away ..pagod na kong makipag away at lalong ayoko ng masaktan kapag nag aaway tayo. Hiling ko lang naman na mahalin mo ko katulad ng dati.. mag forgive and forget ka din sana katulad ng ginawa ko nung ikaw naman ang may kasalanan sa akin. Yun lng.. ok na ko dun...
-THE END-