Annyeong chingus!!
***
Baekhyun's POV
Nadito ako ngayon sa tapat ng bahay nina Belle. Magdodoor bell palang ako.
Since kami na ni Belle... Lagi ko na siyang dinadalaw kapag walang pasok, syempre hinahatid ko siya kapag may pasok.
Special din tong araw na to dahil sinecelebrate namin ang aming FIRST WEEK ANNIVERSARY.
Kaya may bouquet ako ng flowers.
Bago pa ko makapag-doorbell...
"Oi pogi! Nadito ka pala? Pasok ka!" sabi ng mommy ni Belle.
"Salamat po!" sabi ko sabay nagkiss sa cheeks. Ayaw kasi ako pamanuhin, bata pa kasi siya:)
Pumasok na ko, yung mom ni Belle nasa may garden nila.
Sabi niya tawagin ko nalang daw si Belle sa kwarto niya.
Pag-akyat ko parang may nanggagaling na ingay sa kwarto ni Belle.
Pagpasok ko...
"AHHHH!! ANG GWAPO TALAGA NI V!!" sigaw niya. Nagfafangirl siya tapos hindi manlang niya naaalala yung weeksary namin.
Kumatok ako sa pinto niya kahit nakapasok na ko.
"U-ui! Baek nadito ka pala, pasok ka..." sabi niya sabay patay nung TV niya.
"P-para sayo nga pala..." binigay ko na yung bouquet sakanya at pilit na ngumiti.
"Salamat! Anong meron at may ganto?" parang nagtataka siya.
"H-happy first week anniversary..." sabi ko at ngumiti.
"Ay sh*t! Sorry Baek! Nakalimutan ko talaga!! Akala ko kasi pag monthsary lang cinecelebrate... Sorry talaga! Happy Weeksary!! I love you!" sabi niya sakin. Nawala naman yung tampo ko nang yakapin niya ko.
Napaisip naman ako... Pwede namang hindi icelebrate ang weeksary at pwede namang monthsary nalang. At saka first time ni Belle kaya okay lang yun.
"I love you too" sabi ko sakanya.
Nagbitiw na kami sa yakapan.
"Sige ganito nalang... Wag na tayo magcelebrate ng weeksary. Monthsary nalang at anniversary" sabi ko sakanya.
"Hindi! Okay lang naman kung may weeksary, ba't kasi nakalimutan ko pa!" sabi niya.
"Okay nga lang yun, naiintindihan ko naman. Saka alam ko namang tatagal tayo" sabi ko sabay ngiti sakanya.
"Iyeahh! Syempre naman!" sabi niya. Ang ganda talaga ng girlfriend ko, kahit may konti pa siyang pagka boyish.
"Pasyal tayo?" tanong ko sakanya.
"Geh ba! Ligo muna ako... Pwede bang??" sabi niya... Pwede bang ano? Sasamahan ko siya??
"Pwedeng?" tanong ko sakanya.
"Baba ka muna. Hehe!" sabi niya, akala ko pa naman!
Bumaba muna ako...
"Oh hijo... Musta?" tanong nung mama ni Belle.
"A-okay naman po kami. " sabi ko.
"Salamat nga pala hijo ha!" sabi ni tita.
"Para saan po tita?" tanong ko.
"Kasi nabago mo ang anak ko... Alam mo ba... Dati ang gusto niya si Suho as in. Tapos nagbago yun... Naging ikaw, lagi ko nga naririnig yung pangalan mo kapag tulog siya. Nagpapasalamat ako kasi binalik niyo yung totoong Belle." sabi ni tita at hinawakan ang kamay ko at pinisil.
BINABASA MO ANG
Our Story
FanfictionThis is our story... A story about an eternal relationship called friendship, with a twist of romance.