Chapter 24: The Letter (part 2)

72 4 0
                                    

Mau's POV

  Pumasok na ko sa bahay after ko makuha yung sulat, naka-envelope siya.

Ewan ko ba masama yung kutob ko sa sulat na 'to. Pinag-iisipan ko kung sino naman kaya ang magbibigay ng sulat sa akin.

Hindi naman pwedeng sila mom or dad dahil tumatawag yun pag may sasabihin sila.

Hindi din pwedeng isa sa barkada dahil halos araw-araw kaming magkakasama.

   Binuksan ko na yung sulat kasi wala talaga kong maisip na taong pwedeng magbigay sa akin nito. Binasa ko, eto yung nakalagay.

  "HINDI KA NIYA MAHAL, TIGILAN NIYO NA ANG LOKOHANG PINAG-GAGAGAWA NIYO!"

  Biglang tumulo yung luha ko, naisip ko si mark.. kaya ba hindi na siya nagpaparamdam sa akin kasi sa loob ng isang taon niloloko lang niya ako?

  Yung sender ng sulat, mommy niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko, out of no where dali-dali akong sumakay ng kotse ko.

  Alam ko kung nasaan siya ngayon dun lang naman nagpupunta yun pag ganitong araw eh.

Sa dati naming school (playground)

  Tama yung hinala ko nandito nga siya dun sa lamesang bato. Nilapitan ko siya naiiyak ako T___T miss na miss ko na 'tong lalaking 'to pero hindi ko siya pwedeng yakapin dahil hindi ko pa alam kung anong ibig sabihin ng sulat na 'to.

  Napalingon siya sa akin...

  "mark explain this." naiiyak kong sabi tapos hinagis ko sa lamesa yung sulat, kinuha niya tapos binasa niya, sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Oo, totoo lahat ng 'to." walang emosyong sabi niya.

  Napahagulgol ako sa narinig ko, parang gumuho yung mundo ko.

  "mark sana hindi ka nalang bumalik, sana hindi mo nalang sinabi na mahal mo ko, ang sakit malaman na sa loob ng isang taon *sniff* puro kalokohan lang ang lahat." sabi ko habang umiiyak, siya naman wala lang.

"akala ko ok tayo, akala ko babawi ka *sob-sob* pero nasaan na yung pangako mo mark? eto iiwan *sniff* mo nanaman ako, bakit may kulang ba? wala naman akong ginagawang masama eh!" dagdag ko.

  Sobrang sakit hindi ko alam kung paano ako magsisimula ng wala siya.

  "NAG-MUKHA MAN AKONG TANGA, MASAYA KO NA NAKILALA KITA... TANDAAN MO MAHAL NA MAHAL KITA!" umiiyak pa rin ako hanggang ngayon.

  Iniwan ko na siya dun sa lugar kung saan nagsimula ang lahat, natapos, nagsimula ulit.. at doon masakit na natapos ang lahat sa amin.

  Sumakay na ko sa sasakyan ko, napatakip ako ng kamay sa mukha ko hindi ako makapaniwala na nagawa niya yun sa akin T_____T

Napagdesisyunan kong umuwi nalang sa bahay dahil sobra akong pagod kakaiyak.

:'( naiyak ako sa part na 'to yung feeling na iiwan ka ng taong mahal mo :'(

* Oh well guys alam niyo na kung anong naging decision ni Mark mas pinili niya yung family niya kesa kay mau, hindi ko na ipopost yung POV niya Flashback lang kasi yun eh :) Naalala niyo yung sinabi ng mommy ni mark na siya ang gagawa ng paraan para mapaghiwalay si mau at mark? so ayun yun :) Gets?

Afraid To Say I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon